Chapter 14 - Feelings

36 6 0
                                    




Erin's POV


KINABUKASAN

Maaga akong nagising dahil sumakit nanaman ang dibdib ko. Hapon na ngayon at wala akong ginawa kung hindi ang manood lang ng TV. Pero hindi na ko nanonood ngayon. Nasa sala lang ako kakatapos ko lang maligo. Pagkatapos kong magbihis ay tumambay ako dito sa sala dahil wala naman akong gagawin sa taas.

Nasa ganun naman akong sitwasyon nung may kumatok. Napakunot ang noo ko sa pagtataka kung sino yun. Hindi naman pupunta si Vina ngayon ah. Wag mong sabihin si Ryan to! Tinotohanan niya talaga ang pagpunta dito!? Sinabi ko na sa kanyang wag eh!

Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto at binuksan yun. Napaawang ang labi ko dahil tama nga ko! Si Ryan nga ang nasa harap ng pinto ng apartment ko. Nakangiting nakatingin sakin.

"Morning!" Bati niya sakin.

"Saya mo ah." Komento ko.

"Hmmm." ungol niya. Napakunot ang noo ko dahil na-weirdohan ako sa kanya dahil sa pagtitig niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Hindi ba't sinabi ko sayong yayayain kitang lumabas."

"Hindi ba't sinabi ko rin na hindi."

Napasimangot naman siya sa sinabi ko.

"Paano yan...nandito na ako."

"Tss." Napaiwas ako ng tingin at muling tumingin sa kanya. "Pasok ka." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman siya at pumaosk. Napailing-iling nalang ako at sinarana ang pinto. Pinanood ko siyang ilibot ang paningin nya sa kabuuan ng apartment ko. Pinagkrus ko ang braso ko nung napatango-tango siya. Tsaka niya ko tinignan.

"Ano tara na?" Tanong niya.

"Hindi pa ko nakakapagpalit." sabi ko sa kanya. I'm just wearing my short and t-shirt.

Pinagmasdan niya naman ang buong suot ko. Napalunok siya at napaiwas ng tingin.

"Y-you shouldn't wear short k-kung g-ganyan y-yan" Nauutal niyang sabi. Sabay turo sa mga binti ko.

Nagbaba ako ng tingin sa mga paa ko. What's wrong with my feet?

"Bakit maganda naman ang mga binti ko."

"Exactly." Punto niya.

"Ha?" Naguguluhan kong sabi. Napapikit siya at napailing-iling.

"Go, magbihis ka nalang." Sabi niya.

Napasimangot naman ako at nilagpasan siya. Umakyat ako sa taas para makapagbihis. Nagpantalon ako at t-shirt. Yun lang naman ang mga damit ko eh. I also have shorts pero minsan ko lang yun ginagamit.

Pagbaba ko naabutan ko si Ryan sa sofa.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

Nag-angat siya sakin ng tingin at tumayo tsaka niya ko nilapitan.

"Secret." Pilyong ngiti niya.

"Yan ka nanaman sa kaka-secret mo!" Ngusong sabi ko.

"Tara na." Aya niya tsaka kami umalis dun.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta at kanina pa nagdri-drive si Ryan. Hindi ko na rin siya tinanong dahil napagod na ko sa sagot niya! Kanina pa siy anagdri-drive, hours after hours pero hindi siya tumitigil. Maliban nalang kung bibili kami ng pagkain.

"Ryan, saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Sa dagat." Tugon niya.

Natigilan naman ako at natulala sa kanya.

"W-what? DI NGA!?" Excited kong sabi.

Nakapunta na ko sa dagat pero matagal na yun and I missed it! I missed the feeling of the cold water from the shore. The wet sand that kisses my barefoot and the beautiful bright color orange that gives the sunset.

"You look excited." Natatawang sabi niya.

"Matagal ko ng gusto pumunta sa beach eh!" Tuwang tugon ko sa kanya. He chuckled.

"I can see that."

"Malapit na ba tayo?" Hindi makahintay na tanong ko sa kanya.

"Yeah. 30 mintes away." Tugon niya.

Dahil sa sinabi niya hindi na napawi ang ngiti sa labi ko. I can't stop asking him kung malapit na ba kami oh hindi. Sometimes he just chuckles and doesn't answer my question. HIndi ko iniisip kung nakukulitan na siya sakin eh. Iniisip ko lang ang dagat.

Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa dalampasigan! Nasa harapan na namin ang dagat and I can't wait to go near it! Ryan, stopped his car at excited akong bumaba. Hindi ko na siya hinintay pa at tumakbo ako papunta sa shore. Tinanggal ko muna ang sapatos ko bago ko lapitan ang tubig.

As the cold water touched my barefoot napapikit ako at napatinga. I inhaled a large amount of breath bago ko buksan ang mga mata ko at tumingin sa palabong na na araw. Did Ryan plan to come here this hour so we can watch the sunset?

"It's beautiful isn't it?" Napatingin ako kay Ryan nung tumabi siya sakin. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala siya.

I smiled and focused my eyes on the sunset.

"Yes." Sabi ko sa kanya.

Pinagmasdan lang namin ang araw na palabong na. Nung tumingin ako sa kanya, nakatingin na pala siya sakin. I don't know kung ngayon lang oh kanina pa niya ko tinitignan.

He smiled at me, so do I. I can really see happiness in his eyes. Mas lalong nagpakita ang kulay brown niyang mga mata dahil sa liwanag na nanggagaling sa liwanag ng araw.

Nginitian ko siya at nag-iwas ng tingin at muling tumingin sa araw. Ngunit bumaba ang tingin ko sa kamay namin nung hinawakan niya yun. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Sumasakit nanaman ang dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Nag-angat ako ng tingin kay Ryan at nagtagpo ang mga mata namin.

"Erin..." Malambing niyang tawag sa pangalan ko.

"Hmmm?" Tugon. I was just staring at him, waiting for him to continue what he wanted to say.

"A-ano...h-hindi ko alam kung kailan nagsimula. Kung saan nagsimula. P-pero isang araw naramdaman ko nalang to. A-alam kong h-hindi ka maniniwala sakin, dahil ilang araw lang tayong naging magkaibigan. P-pero hindi ako nagsisinungaling sayo at nagsasabi ako ng toto...S-sana hindi ka magalit sakin. i-I don't know why I feel this way. Maybe because of the way you look and care for me na matagal ko ng hinahanap-hanap. Oh di kaya naman, dahil sa atensyon na binibigay mo sakin. Alam ko naman na nakakakuha ako ng atensyon sa ibang tao, but yours is different. M-my heart reacts everytime I think of you, be with you and especially when I see your smile."

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya. I'm confused but yet I'm nervous.

"A-ano ba talaga ang gusto mong sabihin?" Takang tanong ko sa kanya.

Napahinga siya ng malalim at tumingin sa mga mata ko. I can see the sincerity in his eyes.

"I like you."


To be continued......

𝘜𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘞𝘦 𝘔𝘦𝘦𝘵 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon