Chapter 17 - Last visit

37 3 0
                                    


Erin's POV


It's been a week. Sabado ngayon at ngayon ako pupunta sa amin para bisitahin ang kapatid at si nanay. Nasa loob ako ngayon ng bus, hinihintay na umalis na ito.

"O, aalis na aalis na!" Rinig kong sabi ng conductor.

Napahinga ako ng malalim at tumingin nalang sa labas. Nagsimula ng gumalaw ang sasakyan. Tuloy-tuloy lang ang byahe papunta sa Batangas. Hindi nagtagal ay nakarating narin ako sa babaan ng bus sa Batangas.

Karamihan saamin ay nagsitayuan at bumaba sa Batangas. Nasa isang waiting shed kami ngayon, wala akong dalang malaking bag at ang shoulder bag ko lang ang dala ko.

Napatakip ako sa ilong ko nung umalis ang bus. Pumara ako ng tricycle at sinabi ang barangay namin.

"Salamat po Manong." Sabi ko at binigay sa kanya ang pamasahe ko tsaka ako bumaba sa tapat ng bahay namin.

Napatingin ako sa paligid. May nakatingin saakin mga tao, nagtataka siguro kung sino ako. Hindi ko na sila pinansin at pumasok na sa loob. Nakabukas naman yung gate namin eh.

"Tao po?" sigaw ko. Ngunit walang sumagot. "Tao po?" Pag-uulit ko.


"Ano ba yan!? Sino ba yan!?" Rinig ko ang pamilyar na tinig na nanggagaling sa loob. Nararamdaman ko nag panggigilid ng mga luha ko.

"Sino---" Hindi naituloy ni nanay ang sasabihin niya nung magtama ang mga mata namin. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata, hindi inaasahan na makikita niya ko ngayon. "E-erin..." Mahina niyang sambit sa aking ngalan.

"Nice to see you again Ma." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Biglang naging seryoso ang kanyang itsura.

"Kakamustahin ko sana po kayo."

"Tss. Para saan pa!? Eh pinabayan mo nga ako noon hindi ba!?"

"Dahil sumosobra na po kayo."

"Aba! At sinusumbutan mo ko ha!? Ganyan ba ang nakuha mong ugali nung pumunta ka sa Maynila ha!?"

"Alam kong galit po kayo sakin. Ngunit hindi po ako maso-sorry dahil wala naman akong ginawang masama sainyo. Nandito lang po ako para sabihin sa inyong napatawad ko na po kayo. At nandito narin po ako upang magpaalam dahil baka ito na po ang huling pagkikita natin." Malungkot kong panimula.

"Aba! Mabuti naman kung ganun, sana hindi ka nalang bumalik dito!" Sigaw niya. Biglang nanakip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Hindi niya na talaga ako mahal. I smiled at her to hide the pain in my chest.

"Tsanga pala ma, eto..." Pag-iiba ko at kinuha ang sobra sa bag ko. "Maliit po to pero sana po makatulong." tuloy ko at binigay sa kanya ang sobre.

Kinuha niya naman yun at binuksan. Nanlaki ang mga mata niya at tumingin sakin.

"25k yan ma. Sana gamitan niyo yan upang makapagsimula ng negosyo kung gusto niya."

Hindi siya umimik at nagbaba ulit ng tingin sa hawak niya.

"Kailangan ko na pong umalis..." Paalam ko. Tumingin naman siya sakin, ngumiti ako. "Pwede ko po ba kayong mayakap?" Tanong ko. Hindi siya umimik kaya niyakap ko nalang siya ng mahigpit. Hindi ko na napigilan tumulo ang mga luha ko. "Maraming salamat po sa lahat Ma, pasensya na po at hindi na po ako makakabalik dito. Ngunit kahit ganun man po palagi niyo pong tandaan na mahal na mahal ko po kayo." Mas lalo ko pa siyang niyakap ng mahigpit bago ako lumayo sa kanya at pinunasana ng mga luha.

"Paalam po." Nakangiti kong sabi sa kanya at tinalikuran na siya't umalis dun.

Napahawak ako sa bigbig ko habang umiiyak ako. Sa huling pagkakataon nilingon ko ang nanay ko, kitang nkatingin siya sakin. I smiled at her and waved at her goodbye bago ko siya talikuran.

Bumili ako ng bulaklak bago ako pumunta sa sementeryo. Naglakad ako at pinuntahan ang puntod ng kapatid ko. At nung nakarating na ako dun nginitian ko yun at lumuhod sa harapan ng lapida.

Nilapag ko ang bulaklak na hawak ko sa tabi niya. Mukhang may bumisita sa kanya recently dahil maganda pa ang mga bulaklak na nanun.

"Kamusta ka na bunso?" Nakangiti kong tanong na parang sasagutin niya ko. Hinaplos ko ang lapida at tinanggal ang dahon.

'Erick'

"Na miss mo ba ang ate? Pasensya na at ngayon lang ako nakabisita sayo bunso. Naging busy kasi ako sa Maynila."

Nagkwento pa ko sa kanya tungkol sa nangyari sa buhay ko sa Manila. Masaya ko rin kwenento si Ryan sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Siguro naging parte narin siya sa buhay ko sa Manila.

"...Wag kag mag-alala bunso. Magkikita rin tayo soon." Nakangiti kong sabi, ngunit may sakit sa aking dibdib.

"Ba't hindi mo sinabi sakin?" Napatalon ako sa gulat nung may nag-salita sa likuran ko. Mas lalo akong nagulat nung si Ryan ang nasa likuran ko.

"Anong ginagawa mo dito!?" Gulat kong tanong sa kanya.

"Dapat sinabi mo sakin na pupunta ka dito, para sana sinamahan kita." Seryoso niyang sabi, hindi sinagot ang aking tanong. Naglakad siya palapit sakin at umupo na rin siya sa damuhan katabi ko.

Tumingin siya sa lapida ng kapatid ko.

"Kapatid mo ba siya?" Tanong niya sakin. Napatingin ako sa lapida.

"Oo." Tugon ko.

"A-anong nangyari?" Tanong niya. Napatingin naman ako sa kanya at nagtama ang tingin namin. "It's okay if you're not comfortable talking about it." Tuloy niya. Nag-iwas ako ng tingin at ngumiti.

"Tumama ang ulo niya sa semento nung 7 years old siya. Hindi sinsadyang n-naitulak siya ng nanay namin."

Natahimik siya.

"I-im sorry."

"It's okay. Matagal naman na yun. Tsaka binagbayaran narin ng nanay namin at pinatawad ko na siya."

"You really have a good heart, Erin." Napatingin ako sa kanya at nginitian at nag-iwas ng tingin.

"Erick.." Nagulat ako nung nagsalita si Ryan. Napatingin ako sa kanya at nakatingin siya sa lapida ni Erick at kinausap. "Magiging selfish muna ako sayo ha? Pasensyana at matagal mo pang makakasama ang kapatid mo. Ako muna ang makakasama niya." Naramdaman ko ang pamamasa ng mata ko. Nag-iwas ako ng tingin at pinunasan ang tumulong luha ko bago pa makita ni Ryan. "Alam kong ngayon lang tayo nagkakilala and I know you know kung anong pinaggagawa ko sa kapatid mo noon. Kaya humihingi rin ako nang tawad sayo dahil nasaktan ko ang kapatid mo."

Napatingin ako kay Ryan. Napatingin din siya sakin at nginitian niya ko.

"I-I'm sorry. I overheard you earlier. Sinabi mong malapit na kayong magkita..." Nakita ko ang takot at sakin sa kanyang mga mata. "Kung ano man ang iniisip mo sana wag mo nang ituloy. W..W-wag kang aalis. D-dito ka lang. A-alam kong gusto mong makasama ang kapatid mo pero magiging selfish ako Erin, para lang makasama ka."

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"So, don't leave okay? Stay beside me." Nakangiti niyang sabi at hinawakan ang mga kamay ko.

Ryan...


To be continued......

𝘜𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘞𝘦 𝘔𝘦𝘦𝘵 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon