Chapter 9 - Forgiven

32 4 0
                                    




Erin's POV


"Erin!" Napatingin ako nung tawagan ni Vina ang pangalan ko.

Tinapos ko ang paglilinis ng table bago ko siya lapitan sa counter kung nasan ang bar. Meron din bar tong restaurant na to, pero pag gabi lang nago-open. Pero hindi ako naassign dun pag-gabi. Ayoko din dun dahil maraming mga lasing, tsaka mas busy sa mga kumakain ng dinner kaya dun palagi ako naaassign.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Pinunasan niya ang mga baso para sa mga alak.

"Sorry alam kong busy ka pero pwede ka bang mag-over time para sakin? May emergency sa apartment ko kailangan kong pumunta dun dahil baka mapalayas ako ng mayari." Kinakabahan niyang pakiusap.

"Of course. Ako na dito, sige na magpaalam ka na."

"Salamat talaga Erin, promise babawi ako sayo bukas!" Nakangiti niyang sabi. Tumango naman ako at nginitian din siya bago siya umalis.

"Oh Erin, first time kitang makita dito sa bar ha." Napatingin ako kay Mark na bar tender. He's 3 years older than me. I called him Kuya nung una pero ayaw niya kaya tinawag ko nalang siya sa pagalan niya.

"May emergency kasing pinuntahan si Vina, kaya ako na muna  gagawa sa mga trabaho niya." Paliwanag ko sa kanya. Napatango naman siya at nagpaalam nung may nag-order.

Umalis ako dun sa bar at pumunta sa kusina para gawin ang mga hugasan. Pagkatapos ko dun lumabas na ko para kumuha ng mga orders ng bagong dating. Ganun lang ang ginawa ko. Kung hindi ako kailangan sa bar dun ako sa kusina o di kaya naman kumukuha ng mga orders.

Napatingin ako sa orasan sa wall clock na nasa restaurant. Hating gabi na at kailangan ko ng pumunta sa convenience store dahil may trabaho ako dun ngayon. Naghintay pa ako ng ilang minuto at nung tapos na ang shift ko nagpaalam na ko sa mga kasamahan ko at pumunta sa change room para magbihis.

Paglabas ko sa restaurant parang gusto ko ng takbuhin ang convenience store dahil malapit lang naman dito yun at malelate na ko. Pero baka aatake ang sakit sa puso ko kaya mas binilisan ko nalang ang paglalakad. Nakatagip ang panyo ko sa ilong ko para hindi ko malanghap ang maruming usok galing sa mga sasakyan.

Hindi nagtagal ay nakarating na ko dun. Buti nalang hindi ako na-late. Nagpaalam ang katrabaho ko dahil off na niya. Sinuot ko na ang vest para sa uniform ko dun tsaka ako pumesto at umupo sa high chair.

Huminga ako ng malalim, pinapakalma ang puso ko dahil nagsisimula nanaman tumibok ng malakas ito.

Ilang oras din akong tulala lang at hindi alam ang gagawin dahil walang customer. Kanina pa ko pagod na pagod at inaantok na ko pero nilalabanan ko ang antok ko. Wala naman kaming assignment kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Advance na rin ako sa klase kaya wala na kong re-reviewhin.

Napabuntong-hininga ako at napatingin sa sasakyan na pumarada sa harapan ng store. Bumukas ang pinto nito ngunit hindi ko mapansin kung sino ang lulan nito. Nung nakalapit na siya nagulat ako nung si Jace yun. Pasuray-suray siyang naglakad papasok ng store. Nahirapan pa siyang buksan ang pinto papasok dito.

Nung nakapasok na siya, hindi niya ko pinansin at pumunta sa likuran. Narinig ko ang pagbukas at sarado ng ref. Napatingin ako sa kanya nung naglakad siya palapit sakin na pasuray-suray. Nakapikit niyang nilapag ang dalawang can ng alak sa counter tsaka niya kinuha ang wallet niya. In-check ko naman yun habang pinagmamasdan ko siya. He smells alcohol and he's drunk. Tapos nakakapag-drive pa siya!?

"5---" I was about to tell him kung magkano ang babayaran niya but he cut me off.

"Keep the change." Sabi niya at nilapag ang isang libo sa counter tsaka niya kinuha ang dalawang can ng alak at lumabas.

𝘜𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘞𝘦 𝘔𝘦𝘦𝘵 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon