Chapter 21 - Sorry

46 4 0
                                    


Erin's POV


Hindi ko napansin na nakaidlip pala ako. Naalimpungatan lang ako nung may naramdaman akong humawak sa kamay ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at tumambad nanaman sakin ang puting kisame. Napatingin ako sa gilid ko at nagtama ang tingin namin ni Ryan.


"Hey..." He greeted, softly as he caressed my hand with his thumb. "How are you feeling?" Nag-aalala niyang tanong.

"I-I'm good..." Mahina kong tugon. "A-anong oras na?" Tanong ko sa kanya.

"Gabi na. Umuwi na sila Drew. Nagugutom ka na ba?"

"K-kanina ka pa dito?" Pag-iiba ko.

"Hindi naman ganun katagal." Tugon niya, ngunit alam kong nagsisinungaling siya.

"B-bat hindi mo ko ginising."

"Sabi ni Drew nahimatay ka dahil sa pagod, kaya pinagpahinga na muna kita." Tugon niya.

Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa sinabi niya. I felt guilty because I told Drew to lie for me. Pero hindi pa ko handang sabihin kay Ryan ang kalagayan ko. Hindi ko alam kung anong dahilan ko.

"Gusto mo na bang kumain? May prutas dito." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Napatango nalang ako dahil nagugutom narin ako.

Tumayo siya sa pagkakaupo sa upuan at pumunta sa counter para kumuha ng prutas sa basketball na puno ng iba't ibang prutas. Pumasok siya sa CR, baka para hugasan ang prutas tsaka siya lumapit ulit sakin.

"Here." Aniya tsaka niya biniyak ang apple sa dalawa gamit ang kamay niya. Napangiti naman ako at namangha sa ginawa niya.

"Yabang." Biro ko. Napangisi naman siya at binigay sakin ang isang apple na hinati niya sa dalawa. "Ikaw, hindi ka pa ba kakain?" Tanong ko sa kanya.

"Nakakain na ako kanina. Binisita ka kanina ni Dr. Dy. Sabi niya healthy foods lang ang pwede sayo, may sasabihin pa sana siya kaso kinausap siya ni Drew ng mag-isa."

Napalunok ako sa kaba at guilty na nararamdaman.

"Gusto mo pa?" Tanong niya pagkatapos kong maibos ang apple. Napailing naman ako. Nakasandal ako sa kama ko na naka-recline. Inayos niya pa ang kumot ko, napangiti naman ako.

"Okay lang ako Ryan." Natatawang sabi ko.

"Let me take care of you okay? You took care of me before, so It's my turn now." Nakangiti niyang sabi. Hinayaan ko naman siya.

Dun ko naalala na kailangan ko pala siyang kompermahin tungkol sa videok pinakita ni Izzy kanina sakin.

"ah...Ryan." Tawag ko sa pangalan niya.

"Hmmm?" Tugon niya tsaka umupo sa upuan niya sabay tingin sakin.

"A-ano kasi...m-may pinakita sakin si Izzy kanina na video." Panimula ko. Nakatitig lang siya sakin, hinihintay ang sasabihin ko. "I-It's a video o-of you with Jace and Drew." Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang tumingin sa kanya. "I-It's about the bet a-about me..." paniha ng pahina ang boses ko.

Narinig ko ang buntong-hininga niya. "Alam kong malalaman mo rin eventually," Napatingin ako sa kanya. He looked at me; regret, pain, and sorry filled his eyes. "I was planning to tell you today actually, matagal ko ng gustong sabihin sayo kaso natakot ako. Natakot ako na baka layuan mo ko at magalit ka sakin. But I deserve it. I don't have an excuse for my childish decision Erin. Nung una, oo. I approached you because of the bet, but even since you spend my birthday with me. Nagsisisi na ko. You're too nice to be playing. I was just a jerk and immature because I want to take revenge on you. I know, it's stupid reason." He chuckled bitterly.

𝘜𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘞𝘦 𝘔𝘦𝘦𝘵 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon