Chapter 13 - Kiss

41 5 0
                                    




Erin's POV


Naglakad siya papuntang harap ng ring.Napasimangot naman ako at sinundan siya. Sure akong mahihirapan akong maglaro nito! Nakapantalon ako at siya short at kumportable ang suot!

"Okay, ibaba mo muna ang bola." Utos niya. Binaba ko naman ang bola sa sahig tskaa ko siya hinarap, handa ng malaman ang next step.

"You can pass the ball to your teammate in any direction, but since tayong dalawa lang. Exception nalang ang mga step."

Napatango naman ako kahit hindi ko maintindihan.

"You can't run holding the ball, you have to dribble it."

Tango

"Alam mo naman kung paano hawakan ang bola hindi ba?"

"Alam ko! Hindi ako tanga." Sabi ko. Napangisi naman siya.

"You only have 5-second to throw the ball if you don't throw it within that second it's my ball."

Tango ulit

"If you dropped it it's my ball."

"Pwede bang exception yun ngayon? First time kong maglaro eh. I can't dribble that good."

"No. Rules are rules." Napanguso ako sa sinabi niya pero tumango nalang ako kahit hindi ako agree.

"Come." Aniya tsaka niya hinawakan ang palapulsunan ko at hinila ako papaunta sa harapan ng ring.

"If you throw, use your both hands." Paliwanag niya tsaka niya inalalayan ang kamay ko at pwinento sa parang magthro-throw ka ng ball.

My breath becomes rapid and my heart beats faster than it's normal pace! Naestatwa ako sa ginawang paghawak ni Ryan sa kamay ko! Nakaramdam ako ng kuryente sa buong katawan ko. Napalunok ako at hindi makapag-focus sa sinasabi niya.

"...bend your knee before jumping and at the same time throw the ball to the ring. The bent knee helps you jump higher. Do you understand?"

Hindi ako nakapagsalita. Tumingin ako sa kanya at para akong tumakbo at hinahabol ang hininga ko. Napahawak ako sa puso ko nung biglang kumirot yun! Shit!

"Hey, are you okay?" Nag-aalala niyang tanong nung makita ang itsura kong parang namamalipit sa sakit.

"Y-yeah." Pilit kong tugon sa kanya.

"Are you sure?" Tumango ako.

"If you're not feeling well tell me para mahatid na kita sa apartment mo." Tumango ulit ako.

Hinintay ko ang pagalis ng kirot sa dibdib ko bago ako ngumiti sa kanya.

"Start na tayo!" nakangiti kong sabi na parang walang nangyari.

I have the ball first. Nakatayo lang si Ryan sa harapan ko, relax na relax! Ang yabang, purket magaling siya sa basketball!

I dribbled the ball at nilagpasan ko siya. Hindi ko sinunod ang sinabi sakin ni Ryan na bend knee whatsoever. Basta hinagis ko nalang yun at...3 points!

Masaya kong nilingon si Ryan dahil naka-shoot ako. He chuckled and shook his head. Amusement spread through his eyes. Tumakbo naman ako papaunta sa bola at kinuha yun.

"3 points ba yun?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung basta nakaka-shoot ka 3 point na yun.

"That's 1 point." tugon niya.

"Ha?" Dismayado kong sabi.

"If you're close to the ring that's 1 point. That line." Turo niya sa puting line. "If you stay out of it then that's 3 points. Pero kung nasa loob ka ng  line then that's 1 point."

"Ang gulo." Sabi ko.

"Tss. You'll get used to it. Don't worry I'll teach you until you're good at it." Nakangiti niyang sabi. Napayuko naman ako sa sinabi niya. I smiled then looked at him.

"Sige! Laro ulit tayo!" masaya kong sabi at inalis ang inisip ko kanina.

Naglaro pa kami ni Ryan. Sobrang daya niya! Hindi niya na ko pinagbibigyan na ka score man lang! Hindi ko naman maagaw ang bola sa kanya dahil kahit nasa malayo siya agad niyang shinoshoot at nakakapasok rin naman sa ring! Naghahabulan pa kami dun habang dinidribol niya ang bola.

"Ayoko na pagod na ko!" Inis kong sabi sa kanya at iniwan siya dun. Bala siya.

Narinig ko nag tawa niya. "Come one Erin! Wag kang mapikon." Tumawa nanaman siya.

Umupo ako sa bench hingal na hingal. Nagpasalamat ako dahil hindi ganun sumasakit ang puso ko ngunit nahihirapan naman akong huminga. Sumandal ako dun at pinikit ang mga mata, pinapakalma ang puso ko.

"Okay, let's take a break." Rinig kong sabi ni Ryan at narinig ang mga yapak palapit sakin.

"Here water." Sabi niya kaya nagmulat ako ng mata. Kinuha ko ang water bottle na hawak niya at ininom yun. Nung tapos na ko isasara ko na sana kaso kinuha niya at iniinom yun.

"Hala ba't mo yun ginawa eh uminom na ko dyan." Sabi ko sa kanya.

"Ayaw mo yun nag-kiss na tayo." Nakangising sab niya tsaka niya sinara ang water bottle.

"Paano?"

"Tss. Indirect kiss yun." Paliwanag niya. Pero hindi ko parin gets.

"Free ka ba bukas?" tanong niya.

"Oo, bakit?"

"I want to ask you out."

"Saan naman tayo pupunta?"

"Somewhere."

"Where is that somewhere?"

"Secret." Napasimangot naman ako.

"Ayoko." Sabi ko.

"Akala ko ba gagawin mo lahat mapasaya lang ako?"

"Mukhang masaya ka naman na eh."

"Hindi! Magiging malungkot pa ko bukas."

"Paano mo naman nalaman yun?"

"Dahil hindi kita makikita."

"Anong konek dun?"

"Tss. Basta susunduin kita. Tsaka next month na pala ang prom, dika ba pupunta?"

Oo nga pala! Nakalimutan ko ang event na yun. Hindi naman ako pupunta and I never went kaya baka nakalimutan ko.

"Hindi." Tugon ko.

"Bakit naman?"

Nagkibit-balikat ako. "Wala naman akong gagawin dun kung hindi manood lang."

"Pupunta ako."

"Okay."

"Wala pa kong date." Sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya sa pagtataka kung bakit niya sinasabi ngayon sakin to.

"Okay...?"

"WALA PA KONG DATE!" Paguulit niya na mas malakas.

"Edi mag-aya ka kung gusto mo ng date dun."

"Tss, ikaw nalang maging date ko."

"Hindi nga ko pupunta. Ang kulit."

"Sabi mo gagawin mo lahat maging masaya lang ako." Seryoso niyang sabi. Napairap naman ako at nag-iwas ng tingin.

"Umaabuso ka na ah." Sabi ko sa kanya.

"Basta pupunta ka!" Padabong siyang sumandal sa bench at napanguso na parang bata. Tss. Bata nga talaga ata to na namumuhay sa katawan ng isang lalaking to.

But I have to admit he's....cute.


To be continued......

𝘜𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘞𝘦 𝘔𝘦𝘦𝘵 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon