Erin's POVDalawang linggo narin ang nakalipas nung birthday ni Ryan. Nagtataka ako pero nagpapasalamat din dahil wala ng nagbu-bully sakin. Parang nilalayuan na nga nila ako. Hindi ko alam kung bakit parang natatakot na nila akong lapitan.
Minsan nagkakasalubong ang mga landas namin ng tatlo. They actually smile at me, especially Drew. Siya lang ang kumakausap sakin kung may pagkakataon na pwede kaming magusap.
This past few days palagi narin sumasakit ang dibdib ko. Parang may pumipiga sa puso ko't nahihirapan akong huminga. Mas lalo na tuwing gabi, hindi ako makatulog at kung makatulog naman ako palagi akong nagigising dahil sa pagkirot ng dibdib ko.
Nararamdaman ko narin ang panghina ng katawan ko. Mahina narin akong kumakain at wala na kong ganang gumalaw. Pero I have to work, kaya minsan kailangan kong pilitin ang sarili ko.
Sabado ngayon, tinawagan ko kahapon ang boss ko sa convenient store na hindi ako makakapasok ngayon sa trabaho. Pati din sa restaurant. Kailangan ko rin umuwi in 2 weeks sa amin dahil death anniversary ng kapatid ko.
I also want to visit my mom. Baka yun na ang huling makikita ko siya dahil nararamdaman kong malapit na kong mawala sa mundo. But I'm happy, no more regrets. I already forgiven the people who bullied me in school.
Nagbihis ako ng damit dahil naisipan kong maggrocery ngayon. Hindi sa convenient store ako bibili, kung hindi sa Market talaga.
Lumabas ako ng apartment ko tsaka ko yun nilock bago ako umalis dun. I needed to walk for few minutes bago ako nakarating sa hintayan ng jeep. Hindi nagtagal ay umalis na rin ang jeep nung napuno yun. Nakatingin lang ako sa labas. Nag-stop ang jeep dahil may bumaba, nasa harap kami ng park ngayon. Napabuntong-hininga ako at iiwas na sana ang tingin ko sa labas pero naaninag ko ang pamilyar na mukha.
Ryan?
Mag-isa siya ngayon sa park at nakaupo sa may bench. Ang lalim ng iniisip niya at kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan. Nagsimulang umandar ang jeep. Hindi ko naalis ang tingin ko sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin at walang pagdadalawang isip na nag-para ako. Huminto ang jeep kaya dali-dali akong bumama.
Tinignan ko nanaman si Ryan. Pinagmasdan ko lang siya sa malayo at naisipan ko ng lumapit sa kanya. Hindi ako yung tao na nakikialam sa ibang tao, kahit kakilala ko pa man. Pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko kailangan ko siyang pasiyahin.
Lumapit ako sa ice cream vendor at bumili ng dalawang strawberry flavour. Naglakad ako palapit kay Ryan at huminto sa harapan niya. Nakayuko siya, nung tiningala niya ko kita ko ang gulat sa mata niya.
"Ice cream?" Nakangiti kong offer sa kanya. Hindi niya inalis ang tingin sakin. "Ryan?" Tawag ko sa pangalan niya. He blinked for many times bago siya natauhan.
"Ha?" Tanong niya.
"Ice cream." Paguulit ko. Napatingin naman siya sa ice cream na nilahad ko sa harapan niya.
"Thank you." Tugon niya at kinuha ang ice cream sa harapan ko ngunit hindi niya yun tinigman. Napasimangot naman ako tsaka umupo sa tabi niya.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba malayo to sa apartment mo?" Tanong niya sakin.
"Hmmm. Napadaan lang ako, gusto ko kasing magrocery sana kaso naisipan kong wag nalang." Tugon ko habang dinidilaan ang ice cream. "Ikaw? Malapit kalang ba dito?" Tanong ko pabalik.
"No." tugon niya.
"Matutunaw ang ice cream kung hindi mo kakainin." Nakangusong sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
𝘜𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘞𝘦 𝘔𝘦𝘦𝘵 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯
AdventureRyan Barrick is a heartthrob and rich kid in the school that his family owns. Bullying is Ryan's hobby to do. He likes making others suffer because that's what entertains him. No one dares to stand in front of him and lecture him about his childish...