Erin's POV
Monday na ngayon at handa na kong pumunta sa school. Inayos ko muna ang gamit ko sa bag ko bago ako bumaba. Pinatay ko lahat ng kuryente para hindi ako ganun kagastos. Kinuha ko ang bag ko at sinuot ang strap bago ako naglakad papunta sa pinto.
When I opened the door I stilled and gasped. THE HECK! What is Ryan doing here!?
"Hi!" Nakangiti niyang bati sakin tsaka siya nag-iwas ng tingin na parang nahihiya.
"A-anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko at nagbaba ng tingin sa hawak niyang bulaklak.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla nanaman yun nanikip. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Naalala nanaman ang pag amin niya sakin kahapon at nahiya rin dahil umamin din ako.
"E-eto pala, para sayo." Nahihiya niyang sabi at inabot sakin ang bulaklak na hawak niya.
Tumingin ako sa kanya tapos sa bulaklak tsaka ko yun kinuha. Napangiti ako at inamoy yun. Nakangiti akong tumingin sa kanya, dahilan para ngitian niya rin ako.
"Thank you." Masaya kong sabi sa kanya.
"Tara na?" Aya niya. Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka kung saan kami pupunta.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa school."
"Ah..okay." Tugon ko. He chuckled and I didn't expect na hahawakan niya ang buhok ko at guguluhin.
Pumunta kami sa sasakyan niya at pinagbuksan niya ko ng pinto. Hinintay ko siyang sumakay tsaka kami umalis pagkatapos namin mag seatbelt.
We talked about randoms things. Hindi nga namin namalayan na nakarating na kami sa school. Dun ko lang naramdaman ang hija dahil makikita nila kami ni Ryan! Napayuko ako at napapikit, wishing that I can vanished nalang ngayon.
"Hey, you okay?" Napatingin ako kay Ryan. Hindi ko namalayan nakaparada na pala siya.
Tumingin ako sa labas. Nakikita ko ang mga estudyanteng hinihintay si Ryan. Buti nalang at tinted ang sasakyan niya, kaya hindi nila ako makita sa loob. Ngunit paano ako lalabas nito!?
"Erin?" Pukaw ni Arrow sa atensyon ko. Tumingin naman ako sa kanya.
"Ha?"
"Are you okay? You look bothered."
"A-ano kasi..." Hindi ko madugtungan ang sasabihin ko.
"What's wrong?" Nag-aalala niyang tanong.
"N-nahihiya ako." Napayuko ako at hindi makatingin sa kanya. Hindi siya umimik at narinig ko ang buntong-hininga niya.
"Kinahihiya mo ko?" Gulat ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya.
"What!? No!" Agad kong tanggi sa kanya.
"So, what's wrong?"
"H-hindi ba dapat...i-ikaw ang mahiyang makasama ako?"
"Bakit naman?"
"You know why Ryan."
Tinignan niya ko tsaka siya napabuntong-hininga.
"Hayaan mo sila kung anong gusto nilang isipin. I don't care what they think about us, being together. What I only care about is you." Seryoso siyang sabi. Napatingin ako sa kanyang mga mata. Inaalam kung nag jojoke lang ba siya pero wala akong nakita kung hindi sensiridad.

BINABASA MO ANG
𝘜𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘞𝘦 𝘔𝘦𝘦𝘵 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯
AdventureRyan Barrick is a heartthrob and rich kid in the school that his family owns. Bullying is Ryan's hobby to do. He likes making others suffer because that's what entertains him. No one dares to stand in front of him and lecture him about his childish...