Erin's POV
"Gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin?" Tanong ko kay Ryan. Gabi na ngayon at oo, nag-stay ako. As if may choice pa ko tsaka na konsensya naman ako kung iiwan ko lang siyang mag-isa dito.
"Hmmm...Gusto ko chicken joy." Tugon niya na parang bata.
Shit! Wala akong sapat na pera ngayon!
"Okay." Tugon ko nalang sa kanya.
Bahala na, meron naman atang malapit na bangko dito nagwi-withdraw nalang ako. Tsaka gutom narin ako eh. Tumayo ako at kinuha ang wallet ko sa bag ko.
"Chicken lang gusto mo?" Tanong ko sa kanya. Shit! Ba't ko ba yun tinanong!? Wala nga kong pera diba!? Magwi-withdraw nanaman ako ng marami nito.
"Spaghetti at tsaka steak." Tugon niya. Napanganga naman ako sa mga order niya.
"Mauubos mo ba lahat yun!?" Gulat kong tanong sa kanya.
"Hindi." Simple niyang tugon.
"Eh ba't ang rami mong gusto?"
"Hindi naman para sakin yun eh. Pasalamat ka nga inisip pa kita para makakain ka. Tss." Snob niyang sabi at inirapan ako. Napanganga ako sa kanya, para talaga siyang bata! Batang hindi cute at hindi ako magdadalawang isip na patulan!
Napabuntong-hininga nalang ako at napailing-iling sa kanya.
"Alis na ko." Paalam ko at naglakad na papunta sa pinto pero napatigil ako nung nagsalita siya.
"Kunin mo to." Sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya at sabay niyang hagis sa----
"Anong gagawin ko sa wallet mo!?" Takang tanong ko sa kanya.
"Gamitin mo yang card ko dyan para sa pangbayad sa pagkain." Tugon niya tsaka pinikit ang mga mata at nahiga na.
Bumaba ang tingin ko sa wallet niya. Nagkibit-balikat nalang ako. Buti naman at siya ang magbabayad ng pagkain niya.
Lumabas na ko sa kwarto niya at sumakay ng elevator. Pagbukas nun nagtanong ako sa guard kung may malapit na bangko dito. Pumunta muna ako dun para mag withdraw bago ako pumunta sa Jollibee para bumili ng pagkain. I ordered what he likes. Chicken, spaghetti at steak. Ginamit ko ang card niya para sa pagkain niya bago ako nag-order ng para sakin. Kumuha lang ako ng dalawang burger, mabubusog naman ako dun. I used my money to pay for mine.
Nung nakuha ko na ang order ko bumalik na ko sa hospital. Kumatok muna ako bago ako pumasok sa loob. Nakaupo si Ryan at nakasandal sa kama habang hawak ang cellphone niya.
"Ang tagal mo!" Reklamo niya. Tinalikuran ko siya sinara ang pinto sabay irap.
"Kumain ka na." Sabi ko nalang sa kanya.
Nilapag ko ang supot na dala ko sa counter tsaka kinuha ang mga pagkain niya at nilagay sa tray at nilapit sa kanya. Binuksan ko ang mga pagkain para hindi niya na mabuksan at baka magreklamo nanaman. Pinapanood niya lang ako sa ginagawa ko.
"Oh yan, kain na." Sabi ko sa kanya tsaka ko siya tinalikuran para kunin ko ang saakin. Kinuha ko ang maliit na supot sa loob at ang water bottle tsaka ako naglakad papunta sa sofa.
I was about to sit daw pero nagsalita siya.
"Dito ka!" napabuntong-hininga ako tsaka ako ngalakad papunta sa upuang nasa tabi ng kama niya at nilayo yun tsaka ako umupo.
BINABASA MO ANG
𝘜𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘞𝘦 𝘔𝘦𝘦𝘵 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯
AdventureRyan Barrick is a heartthrob and rich kid in the school that his family owns. Bullying is Ryan's hobby to do. He likes making others suffer because that's what entertains him. No one dares to stand in front of him and lecture him about his childish...