Chapter 20 - Tell him

49 3 0
                                    


Erin's POV


Naalimpungatan ako nung makaramdam nanaman ako ng kirot sa dibdib ko. Napahinga ako ng malalim at naamoy ko ang pamilyar na amoy. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at tumambad sakin ang puting kisame.

Napatingin ako sa palikid ko. Nasa isang kwarto ako ngayon at mag-isa. What happened?

Napatingin ako sa pinto nung bumukas yun at nagtama ang tingin namin ni Drew.

"Erin..." Nakangiti niyang sabi at tuluyan ng pumasok. "I'm glad that you're awake now." Sabi niya at lumapit sakin.

"A-anong n-nangyari?" naghihina kong tanong sa kanya.

"Nahimatay ka kanina. Dr. Dy check on you." Tugon niya.

"Ohh..." Yun lang ang nasabi ko at nag-iwas ng tingin.

"Why didn't you tell us?" Tanong niya. Hindi ko siya nilingon. So, he knows now.

"Because..." Yun lang ang nasabi ko. I don't want to tell them, especially Ryan. Ngunit ano naman ang pakialam nila diba? After all, I'm just a bet, right?

"Does he know?" Tanong niya. Alam ko na kung sino ang ibig niyang sabihin.

"No." Tugon ko. Narinig ko ang buntong-hininga niya.

"Do you have plans on telling him?" Tanong niya. Hindi ako nakasagot agad.

"I don't think he wants to know." Walang emosyon ko siyang nilingon. "Drew, be honest with me." Naramdaman ko nanaman ang mga luha ko sa gilid ng mga mata ko. "I-is..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. "I-is it true that...I'm just a bet?" Mahina kong tanong sa kanya.

Natigilan siya sa sinabi ko. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Siguro nagtataka kung paano ko nalaman. Naniniwala ako sa video, pero may parte sakin na sinasabing baka fake at edited lang yun. I'm not gonna believe anyone except for the three of them.

"Erin.."

"Please...tell me. D-don't lie Drew."

Napabuntong-hininga siya at napaiwas ng tingin. Binasa ang ibabawng labi na parang kinakabahan na sabihin sakin ang katotohanan.

"Erin...I'm sorry." Yun ang nasabi niya at napayuko. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. "I tried to stop Ryan and Jace about their childish idea. Pero determinado sila." Tuloy niya.

"So, pinaglalaruan lang ako ni Ryan all this time." That wasn't a question. That was a statement.

"No." agad niyang tanggol sa kaibigan niya. "Yes, at first Ryan's motive is to make you fall in love with him. But believe me Erin, he really likes you. The bet stopped when you spent his birthday with you."

Napatingin ako sa kanya.

"If he confessed his feelings for you. He wasn't lying about it Erin. I know him if he's faking it or not. At totoo ang nararamdaman niya para sakin."

"P-paano ka nakakasiguro?"

"Because I have never seen him this happy. You gave him reason to be happy Erin."

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. My mind telling me to not trust them easily again. Lalo na ang pinagsasabi noon ni Ryan sakin. Pero iba ang sinasabi ng puso ko. My heart fully trusts them, especially Ryan.

"Alam kong dapat hindi kita pangunahan sa desisyon mo. Ngunit sa palagay ko kailangan mong sabihin sa kanya ang kalagayan mo."

"H-hindi ko alam.." Tugon ko.

𝘜𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘞𝘦 𝘔𝘦𝘦𝘵 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon