Ryan's POV
Nasa isang birthday party ako ngayon ng kamag-anak ko. I didn't want to attend pero pinilit ako ni Dad. I just want to get out of here and go to the hospital and be with Erin. Nag-aalala ako, ayokong iwan siya kahit kasama niya naman sila Drew.
Napahinga ako ng malalim at ininom ang juice na nasa harapan ko.
"Insan!" Napaangat ako ng tingin. I smiled at my cousin from mother's side.
"Hey." bati ko sa kanya nung nakalapit na siya sakin.
"How are you?"
"Good, you?"
"Eto gwapo parin."
"Tss. Yabang."
Tumawa siya. "Anyway sama ka samin bukas. Punta kami sa Boracay bago kami umuwi sa London."
"I can't may pupuntahan ako."
"Saan naman? Sa girlfriend mo?" Asar niya.
"Yes." Proud kong sabi. Well, nag-I love you naman na ko sa kanya, kaso hindi pa siya nag ah-I love you. Pero para sakin kami na.
"Really!? Kailan ko naman siya makikilala?"
"Soon." Tugon ko.
Magsasalita pa sana siya kasi tumunog ang phone ko. Agad akong nag-excuse nung si Drew ang tumatawag.
"Drew? Bakit?"
["Dre, you need to come to the hospital now..."] Bigla akong binalot ng kaba. ["Erin's is in the ICU."]
———————————-
Tumakbo akong papunta sa ICU kung nasan si Erin. Agad kong nakita dila Drew at Jace na nasa labas ng ICU. Tumakbo ako palapit sa kanila.
"Bro." Si Jace. Napatingin din sakin si Drew. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at tumingin sa ICU kung nasan si Erin innasikaso ng mga doctor.
"Anong nangyari!?" Naiiyak, kinakabang kong tanong sa kanila. Lumapit ako sa glass window at hinawakan yun habang natatakot na tinitignan si Erin.
"S-she almost d-died Ryan."
Napatingin ako kay Drew dahil sa sinabi niya. Nanhina ang katawan ko at parang nawala ang kaluluwa ko sa katawan dahil sa narinig.
"W-what?" Hindi makapaniwalang tugon ko.
"Kung hindi lang naagapan ng Doctor ay baka—-"
"Don't fucking say that!" Sigaw ko kay Jace kaya natagimik sila.
Magsasalita pa sana si Drew ngunit bumukas ang pinto at lumabas dun si Dr. Dy.
"Doc, k-kamusta na po siya?" Agad kong tanong at nilapitan siya.
Muli akong tumingin kay Erin at sa heart monitor niya. Mahina ang tibok ng kanyang puso. Nagdadasal ako na sana palajasin niya ang puso ni Erin at wag niya muna noyang kunin si Erin sakin.
"Ryan..." napatingin ako kay Dr. Dy. Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "Erin's heart almost gave up on her. Hindi na niya kaya pang lumaban at sobrang hina niya na. I know that it's hard pero kailangan niyo na siyang bitawan dahil nahihirapan na siyang lumaban. Especially you Ryan...She doesn't want to go yet because she can't leave you. You need to let her go."

BINABASA MO ANG
𝘜𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘞𝘦 𝘔𝘦𝘦𝘵 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯
AdventureRyan Barrick is a heartthrob and rich kid in the school that his family owns. Bullying is Ryan's hobby to do. He likes making others suffer because that's what entertains him. No one dares to stand in front of him and lecture him about his childish...