Erin's POV
Umaga na ko nakauwi sa apartment ko. As usual nagmadali akong maghanda papunta sa school kahit puyat ako. Tutal malapit na naman na mag sabado dun nalang ako magpahinga. Tsaka wala din akong work mamaya sa trabaho ko kaya magpapahinga ako pagkauwi ko sa school.
Paglabas ko naglakad ako papunta sa mga tricycle. Pumara ako nun at sumakay sa loob at sinabi kay Kuya na sa school ang punto. Iisa lang naman ang collage dito sa amin. Maglalakad sana ako kaso hindi ako pwedeng maglakad ng malayo.
Pagdating ko sa school, sa unang pagkakataon tumingin ako sa palaging tambayan nila Ryan. Wala dun ang dalawa ngayon. Napabuntong-hininga nalang ako tsaka tuluyan pumasok sa school.
I was actually surprised ng walang nambubully sakin habang papasok ako sa school. They don't look at me too gaya noon na parang mamamatay na ko dahil sa mga matatalim nilang titig.
Pagdating ko sa klase umupo na ko sa upuan ko at hinintay na lang ang teacher. Wala naman akong kausap kaya nag-aral nalang ako, baka handa ako kung may pa surprise quiz man ang teacher namin. Oh diba, advance mag-isip. Makakapasa pa ko nito, dahil handa ako nun.
Hindi nagtagal ay dumating narin ang teacher at tama nga ko. Nagpa-surprise quiz siya. Ang daming bulungan kanina at nagrereklamo sila sa teacher na kung pwede ipagpabukas na lang ang quiz namin.
But of course hindi pumayag ang teacher kaya wala kaming choice kung hindi i-take ang quiz na yun.
'Pota, hindi ko alam to!'
'Hindi pa ata natin naaaral tong mga to!'
'Naaral na natin, sadyang hindi ka lang naknig.'
'Wala akong maalala!'
'Wag kang mag-alala, lahat naman tayo babagsak.'
Mga naririnig kong mga bulungan sa likuran ko. Though I agree to the girl who said na hindi pa namin ito naaaral dahil tama siya. Some of them naaral na namin pero most of them hindi pa.
Madaya din ang mga teacher eh no? Mabagal silang magturo pero pag test,quizzes, and exams ang advance ng mga tanong.
Hindi ko nalang pinansin ang paligid ko at sinagot ang mga tanong sa paper. Some of them hinulaan ko nalang ang sagot dahil hindi ko alam yun.
"Pass your papers now!" Sigaw ng teacher namin.
Lahat sila ay nagreklamo dahil marami pa daw silang hindi nasagot. May nakita akong nag-circle nalang siya ng kung ano-ano.
Lahat kami ay tumayo at pinasana ang papers namin. Kasabay naman yun ay nag-bell na kaya umalis na ang teacher at hinintay namin ang second teacher namin.
Ganun lang ang naging araw ko. Sa lunchtime pumunta ulit ako sa rooftop, buti nalang walang tao dun. After lunch pumasok naman ako sa next class ko, hanggang sa huling class.
Uwian na ngayon at nililigpit ko ang mga gamit ko. Nagsisialisan na ang lahat ng mga estudyante sa school. Nung tapos ko ng ayusin ang mga gamit ko lumabas na ko sa classroom.
Nasa parking lot na ko nung may matigas na tumama sa likod ng ulo ko. Nadapa ako dahil sa gulat. Tangina ang sakit nun!
Masama kong tingnan ang likuran ko nung may narinig akong mga yapak. Hindi na ko nagulat nung nakangising lumalapit sakin ang QB. Napabuntong-hininga ako at pinampagan ang damit ko nung tumayo ako.
"Ops, sorry not sorry. Nakaharang ka kasi sa dinadaanan ko." Maarte niyang sabi. Nagtawanan naman ang mga kasama niya.
Nung nagtama ang tingin namin tinaasan niya ko ng kilay.
BINABASA MO ANG
𝘜𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘞𝘦 𝘔𝘦𝘦𝘵 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯
AdventureRyan Barrick is a heartthrob and rich kid in the school that his family owns. Bullying is Ryan's hobby to do. He likes making others suffer because that's what entertains him. No one dares to stand in front of him and lecture him about his childish...