Chapter 22 - First and Last

43 4 0
                                    


Ryan's POV


Tatlong araw na ang nakalipas. Mas lalong humina si Erin. Mas payat na din siya ngayon at nahihirapan na din siyang mag-salita. 2 days ago, she was having a hard time to breath kaya may suot siyang mask to give her oxygen.

Watching her suffering makes my heart hurt! Kung pwede lang akuin ko ang sakit na nararamdaman niya gagawin ko. She doesn't deserve this! I prayed and prayed to HIM to make her feel better at nagmakaawa akong wag niyo munang kunin si Erin sakin.

"Dre, sure kang hindi ka pupunta sa prom mamaya?" Napabuntong-hininga ako sa tanong nanaman ni Drew.

Nasa hospital kaming lahat ngayon. Nasa tabi ako ni Erin habnag nagpapahinga siya. Ang dalawa naman ay nasa sofa.

Mamayang gabi na ang prom and I'm not going to attend. Mas gugustuhin kong manatili dito sa hospital at makasama si Erin kaysa pumunta dun.

"No, I'll stay here." Tugon ko sa kanila.

"Sige, mauuna na kami." Paalam nilang dalawa. Napatango nalang ako sa kanila ng hindi tinatanggal ang tingin ko kay Erin.



Erin's POV


Pagabi na nung nagising ako. Wala si Ryan sa paligid at si Vina lang ang nakita ko.

"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong niya sakin.

"A-ayos naman..." Tugon ko sa kanya. Nakasuot ako ngayon ng mask para bigyan ako ng oxygen dahil nahihirapan na kong huminga.

"A-asan sila Ryan?" Tanong ko sa kanya.

"Ah umalis muna siya at babalik daw mamaya.Ngayon na kasi ang prom sa school niyo eh." tugon niya.

Ngayon ko lang naalala na ngayon pala yun. Nalungkot ako dahil hindi ko siya nasamahan sa pagpunta dun. But I'm happy na pumunta siya. He needs to enjoy and live his life. Kahit gustuhin ko man na palaging nasa tabi ko siya, ayoko ko siyang palaging nakatambay sa hospital para lang samahan ako.

Napailing-iling nalang ako at bumuntong-hininga. Hindi nagtagal ay pumasok si Dr. Dy kasama ang isang nurse. In-check nila ang kalagayan ko.

"Do you want to go out Erin?" Tanong ni Dr. Dy.

"B-bakit po?"

Nagkibit-balikat naman siya. "Kailangan mo rin ng makahinga ng mabuti."

"S-sige po." Tugon ko.

May umalalay sakin ng nurse paupo sa wheelchair. Si Vina ang nagtulak ng wheelchair ko at may kasama akong isang nurse. Sumakay kami sa elevator at nagtaka ako kung bakit sa rooftop pinindot ng nurse.

"B-ba't tayo pupunta sa rooftop?" tanong ko kay Vina.

"A-ano...mas maganda yun kasi maraming tao sa baba." Nakangiti niyang sabi. Napatngo nalang ako.

Nung nakarating kami sa rooftop, nagulat ako nung nakita nag disenyo nito. May mga ilaw na nakasabit sa nakatayong kawayan. May mga bulaklak sa semento at nagkurbang puso.

"Enjoy your night Erin." Napatingin ako kay Vina. Nakangiti siya pati ang nurse tsaka sila umalis.

"Saan kayo pupunta?" tanong ko sa kanya ngunit ngiti lang ang tinugon nila.

"Ehem." nagulat ako at napatingin sa harapan ko. Hindi ko namalayan nasa harapan ko na pala si Ryan. Anong ginagawa niya dito!? Aakala ko ba nasa school siya ngayon?

"A-anong ginagwa mo dito?" Tanong ko.

"I'm here to dance with the girl that I like." Nakangiti niyang sabi tsaka mas lumapit sakin. Kasabay ng pagtugtug ng kanta ay naglahad niya ng kamay sa harapan ko. "Can I have this dance m'lady?" Nakangiti niyang tanong.

Hindi ko na rin napigilan ang ngumiti at hinawakan ang kamay niya. Inalalayan niya kong tumayo sa wheelchair at anglakad papunta sa gitna ng puso. Nasa balikat niya ang isang kamay ko at hawak niya ang isa. Ang isang kamay niya naman ang nasa bewang ko at nagsimula na kaming umikot ng mabagal.


"Binibini

Alam mo ba kung pa'no nahulog sa 'yo?

Naramdaman lang bigla ng puso

Aking sinta, ikaw lang nagparamdam nito

Kaya sabihin mo sa akin

Ang tumatakbo sa isip mo

Kung mahal mo na rin ba ako."


"A-akala ko nasa prom ka ngayon." Sabi ko sa kanya.


"Pupunta ba ko dun kung wala ka." Nakangiti niyang sabi.

"But you'll miss this opportunity to enjoy prom."

"Mas maeenjoy ko ang gabing to kasama ka." aniya tsaka ako niyakap. Napangiti naman ako at niyakap ko siya. "Being with you under the starry sky and dancing with you is the best feeling." bulong niya sakin.

"And we can do this again more in the future, right?" Naramdaman ko ang lungkot sa kanyang boses.

"Paano kung ito yung una't...huli?" Tugon ko sa kanya. Mas lalo niya kong niyakap.

"I will treasure every moment. Just please don't leave me...not yet Erin." Pakiusap niya.

Hindi ko napigilan ang lumuha. Mas lalo ko siyang niyakap at umiyak ng tahimik. Hindi ko napigilan ang hikbing kumawala sa bibig ko kaya tumingin siya sa mukha ko.

"Hey, don't cry please. Dapat masaya lang tayo ngayon." aniya tsaka pinunasan ang mga luha ko.

Tumingin naman ako sa kanya.

"R-Ryan...You'll be fine without me naman, right?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa mga mata ko at matagal na hindi nakasagot.

"I will never be fine Erin. Never. L-lets not talk about this now, okay? Let's just enjoy and treasure this moment, is that okay?" Pakiusap niya. Napatango naman ako at pinunasan narin ang sariling luha ko.

"I love you." Biglang sabi niya kaya natigilan ako at nagulat na tumingin sa kanya. "I should have said that a long time ago." Tuloy niya.

"Ryan..."

"That's why I can't live without you by my side Erin...Dahil mahal kita."

Hindi ako nakapagsalita at napatingin lang sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa labi ko at muli siyang tumingin sa mga mata ko.

"Is it okay if I kiss you?" He asked, respectfully. I smiled at him and nodded.

Napapikit ako nung maramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko. It was a long but soft kiss.

I'm glad that he's my first and last. First love, first dance, first kiss, first heartbreak, and first man who fixed my heart and he will be my last for all of that. At hindi ako aangal kung siya ang first and last ko sa susunod kong buhay.


To be continued......

𝘜𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘞𝘦 𝘔𝘦𝘦𝘵 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon