Chapter 8 - Save

44 5 0
                                    




Erin's POV


Ilang araw na din ang nakalipas simula nung yayain ako ni Ryan sa birthday niya. Friday na ngayon at bukas na ang birthday ni Ryan. Hindi ko alam kung bakit ako masaya't excited, siguro dahil first time na may lumapit sakin? Makipagkaibigan? After a long time, ngayon lang ulit may nakausap ako sa school. At hindi lang kung sino, kung hindi si Ryan pa.

Kanina pa ko nervous actually. I'm thinking kung ano ang ire-regalo ko sa kanya. Nakakahiya naman kung wala man lang akong regalo sa kanya. But then I wonder. What can I give to a guy who has everything? He's rich and can buy anything he wants. Baka hindi niya naman tanggapin ang cheap kong regalo kung sakaling may maisip ako.

"Class dismissed." Natauhan lang ako nung nagsalita ang teacher namin. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang class namin.

Napabuntong-hininga ako at tinignan ang oras sa wall clock na nasa harapan. It's 5 in the afternoon na at may trabaho ako sa restaurant ng 6:30 pm. Hinanda ko na ang mga gamit ko at niligpit iyon.

I picked up my bag on the floor at nilagay ang gamit ko sa loob ng bag ko. Ngunit natigilan ako nung may tumayo sa harapan ko. Napangat ako ng tingin at napabuntong-hininga nung makita nanaman ang QB.

Its been few days since hindi niya ko nilapitan at sinaktan. Ano nanaman ba ang ginawa ko at lumapit nanaman siya sakin? Naghilom na ang mga pasa't sugat ko sa kataan, ngunit parang may panibago nanaman.

Wala na yung teacher namin kaya malaya nila akong masasaktan. Wala ng pipigil sa kanila. Nagsitigil naman ang ibang estudyante dahilinaabangan ang gagawin sakin ni Izzy.

"Ang kapal ng mukha mo!" Inis niyang sabi sakin. Wala akong naging reaksyon at hinintay ang ibang sasabihin niya. "Who do you think you are to talk and go near Ryan!?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Akala ko basura kalang, malandi ka pa talaga! Hindi mo ba alam na ako ang gusto niya!? Hinding-hindi ka niya magugustuhan!" Inis niyang sigaw.

Napatingin ako sa paligid. May kumukuha na ng mga video namin. Napayuko naman ako at napabuntong-hininga. Nakakapagod narin ang kaartehan ni Izzy! I don't want to fight her but she's getting on my nerve.

"Ano napipi ka!?" Sigaw nanaman niya. Narinig ko ang mga tawa ng mga kaibigan niyang nasa likuran niya lang.

Napabuntong-hininga ako at tumingin sa kanya. "Izzy do you feel insecure towards me!?" Tanong ko.

I heard 'oohh' and 'woah' around us.

"Excuse me!?" Hindi makapaniwalang saad niya at napahawak pa sa dibdib niya. Tss. Ang arte talaga ng babaeng to! Hindi na ko makapagtimpi!

"Ikaw na ang nagsabi na hindi ako magugustuhan ni Ryan at sabi mo ikaw ang gusto niya. Hindi ko siya nilalandi Izzy. Sa tingin mo naman papatol siya sa isang katulad ko. Of all people in this campus, he hated me the most and you, of all people know that. Ano ba talaga ang problema mo sakin!? Am I that important to you that you're wasting your time and giving me your attention!?"

"WHAT THE FUCK!? OF COURSE NOT!"

"Eh yun naman pala eh! So ano ang ginakagalit mo dyan!? Tell me Izzy, what have I done to you na may karapatan kang magalit sakin!? Na may karapatan kang saktan ako!? Tell me! Kasi wala akong matandaan na may kasalanan ako sayo! If you're doing this to get everyone's attention, please stop. Wag kang magmukhang epal dahil kung sa lahat nang tao dito, natutuwa sa pinaggagawa mo! Pwes ako kinakawawa kita. I pity you because you look like a desperate girl who seeks the attention of other people."

𝘜𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘞𝘦 𝘔𝘦𝘦𝘵 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon