Chapter 6 - Believe

37 4 0
                                    




Erin's POV


Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit binilang ko ang araw ng pagbabalik ni Ryan sa school. Today babalik na siya sa school.

For the past day of my school life, tahimik lang. Marami parin ang masasamang tingin na natatanggap ko, especially ang QB pero hindi na nila ko ginogulo. I was actually thankful dahil bumalik na ang payapa kong mundo sa eskwelahan. Pero hindi ko mapigilan magtaka.

Nakikita ko rin minsan si Drew at Jace. Hindi ako pinapansin ni Jace pero si Drew pag nagtama ang tingin namin, nginingitian niya ako. Sinusuklian ko naman ang tingin niya bago ko iniiwas ang tingin ko.

Nung nakabihis na ko lumabas na ko at pumara ng tricycle papuntang school. Hindi nagtagal ay nakarating narin ako sa school. Wala pa ang mga sasakyan ng apat kaya tahimik ang kapaligiran. Yumuko nalang ako at pumasok na sa school.

Pagdating ko sa classroom, umupo na ko sa upuan ko at nilabas ang mga gamit. Nasa ganun akong sitwasyon nung nagtatakbuhan at nagsisigawan ang mga tao.

"Anong nangyayari!?" Rinig kong tanong ng babaeng nasa labas.

"Nandito na sila Drew! Kasama na nila si Ryan!" Tiling tugon ng kaibigan niya.

"Talaga!? Tara-tara!"

Napailing-iling nalang ako at ipinagpatuloy ang pag-review. Now everything is back, pero sana hindi na nila ako i-bully. Sana nga bumalik ang dati kong buhay sa school. Nung wala pang nakakapansin sakin. I rather have that life than getting a bruise and hurtful words.

Maya-maya pa ay naririnig ko na ang mga sigawan ng mga tao. It means na nasa loob na sila ng campus. Hindi ko na lang sila pinansin. Pero hindi na ko maka-concentrate sa binabasa ko. Paulit-ulit ang binabasa kong sentence at hindi pumapasok sa utak ko.

"Guys!" Napatingin ako sa kaklase kong pumasok. "Wala ang prof ngayon, pero kailangan mag-review dahil may test bukas." Sabi ng kaklase ko.

Nagsigawan naman ang mga kaklase ko sa saya pero nadismaya din dahil may test bukas. Napailing-iling naman ako at sinimulan ng iligpit ang mga gamit ko. Pupunta ako ngayon sa rooftop para dun magreview.

Paglabas ko ang daming tao sa hallway. Naglakad nalang ako sa kanan at nabangga ako sa matigas na dibdib. Nasapo ko ang noo ko at napaatras para tignan kung sino yun. Mas lalo ako napaatras at nanlaki ang mga mata dahil si Ryan ang nakabangga ko.

He's just looking at me emotionless. Tinagilid niya ang ulo niya na parang may hinihintay na sasabihin ko.

"S-sorry." Mahina kong sabi tsaka tinalikuran na sila para pumunta sa kabilang hagdan.

Naririnig ko nanaman ang mga bulungan ng mga tao. Lahat sila ay negative ang sinasabi. Kahit nakayuko ako ay nararamdaman ko ang mga masasama nilang tingin sakin.

Binilisan ko ang pag-akyat sa hagdan, konti lang ang tao sa third floor. Binuksan ko ang pinto papunta sa rooftop at umakyat ulit. Nung nakarating nako sa pinto papunta sa rooftop, binuksan ko yun.

Bumungad sakin ay masarap na hangin. I closed my eyes and inhaled a large amount of air.

Tuluyan na kong lumabas at tumingin muna sa paligid. Mukhang wala naman tao dito. Naglakad ako papunta sa bench na may table. Buti nalang hindi yun natatamaan ng araw. Nakasilong din yun kaya mas presko.

Nilapag ko ang bag ko sa table at umupo sa bench. Nilabas ko ang mga gamit ko para sa kailangan ko for review.

Nasa ganun akong sitwasyon nung narinig ko ang mga yapak sa likuran ko. Napatingin ako dun at ganun nalang ang gulat ko nung magtama ang mata namin ni Ryan. Kailan siya nandito!? Ba't di ko narinig ang pagbukas ng pinto?

𝘜𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘞𝘦 𝘔𝘦𝘦𝘵 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon