Chapter 2 - Care

49 5 0
                                    


Erin's POV


Nung nakarating na kami sa ospital agad naman kami inasikaso ng mga nurse. I was just watching kung ano ang ginagawa nila kay Ryan.

My hands are shaking, puno na ata ng dugo ang damit ko.

"Ma'am, i-check ko din po kayo." Sabi ng isang nurse na lumapit sakin.

"Ayos lang ako." Tugon ko habang nakatingin parin kay Ryan.

Inaasikaso na siya ng isang doktor. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila kay Ryan dahil sinara nila ang kurtina.

"Ma'am ang dami nyo pong pasa't sugat." Sabi ng nurse.

"Wala po akong pambayad Miss." Tugon ko at tumingin na sa kanya.

"Wala naman po kayong babayaran, iche-check lang ka po namin." Nakangiti niyang sabi. Wala na akong nagawa at inalalayan ako ng nurse papunta sa kama.

They checked my hand, feet and they even made me take off my t-shirt. Buti nalang at nakasara ang kurtina at babaeng nurse ang nagcheck sakin.

"Anong nangyari sa mga pasa mo Miss?" Tanong sakin ng nurse habang tinitignan ang pasa ko sa likuran.

"W-wala, clumsy lang ako sa bahay." Pagsisinungaling ko.

I don't want to tell people what really happened dahil alam kong kakaawain lang nila ko gaya ng mga kapitbahay ko.

"Mukhang matagal na ang iba, yung iba naman ang bago pa." Sabi ng nurse. "Imposible naman na ganito ka ka clumsy Miss." Humarap na sakin ang nurse at tinitigan ako na parang inaalam ang nangyari.

"A-ano." hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Sino ba kasing may gawa nitong mga to? May nananakit ba sa bahay niyo?"

Napailing ako.

"Eh kung ganun sino?"

"Clumsy lang po talaga ako." Tugon ko sa kanya.

Napabuntong-hining naman siya tsaka may sinulat sa siya.

"Wag ka muna aalis dito, may kukunin lang ako tsaka ibibigay sayo." Sabi niya, napatango naman ako.

"Salamat po." Tugon ko. "Y-yung kasama ko po?" Pag-aalalang tanong ko.

"Nasa OR na siya tinatahi ang sugat niya. Papunta narin dito ang dalawang lalaking nagngangalang Drew tsaka Jace?" tugon niya. So, he's friend is coming here? What about his parents?

"Sige po." Tipid akong ngumiti.

Nasa ER parin ako at nakaupo sa bench. Nakayuko lang ako tsaka nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko.

"Ayun po siya mga Sir." Rinig kong sabi ng isang nurse.

"Erin." Nag-angat ako ng tingin. Napatayo ako nung makita si Drew at Jace sa harapan ko.

"Anong nangyari sa kaibigan namin?" Agad na tanong ni Jace.

"Hindi ko alam. Nakit ako nalang siyang nakahandusay sa lupa na maraming dugo sa parking lot ng school." tugon ko sa kanya.

Matalim siyang nakatingin sakin, he really hates me that much like Ryan. Napabuntong-hininga siya tsaka umupo sa may bench.

"What about you?" Tanong sakin ni Drew. Napatingin lang ako sa kanya, naguguluhan kung anong ibig niyang sabi. "Are you okay?" Tanong niya.

𝘜𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘞𝘦 𝘔𝘦𝘦𝘵 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon