Chapter 5 - Done

45 5 0
                                    


Erin's POV


Pagdating ko sa kwarto ni Ryan, nakapagbihis na siya. He was wearing a uniform. He was buttoning the button of his pollo uniform. Napatingin siya sakin. Walang emosyon ang mukha niya at nag-iwas ng tingin at muling binutones ang uniform niya.

"May susundo ba sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah." Maikling tugon niya. Napatango naman ako.

"Eto pala yung mga gamot na kailangan mo." sabi ko at binigay sa kanya ang papel na hawak ko. Kinuha niya yun at nilapag sa kama at binutones ulit ang polo niya.

Napabuntong-hininga naman ako. He's starting to be cold towards me again. I guess we're back on being enemies ha? Well, it was actually nice spending the night here in hospital with him. This might be the first and last na magu-usap kami ng matino.

Tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa sofa at kinuha ang mga gamit ko. Sinabit ko ang isang strap ng bag ko sa isang balikat ko at lumapit na sa kanya. Kasabay naman yun ay pumasok ang dalawang kaibigan niya na si Jace at Drew.

Walang emosyon na tumitig sakin si Jace si Drew naman ay nginitian ako.Tipid akong ngumiti din sa kanya.

"Kailan ka daw pwedeng pumasok?" Tanong ni Jace kay Ryan.

"2-3 days from now." Tamad niyang tugon at inayos ang buhok niya. "Alis na tayo." Aniya tsaka naunang lumabas sa kwarto niya, sumanod naman si Jace sa kanya.

"Let's go Erin." Nakangiting aya ni Drew sakin. Napatango naman ako at nginitian siya tsaka naman sinundan ang dalawa.

Tahimik lang kaming lahat nung sumakay sa elevator. Kaming dalawa ni Drew ang nasa likuran ng dalawa. Nung bumukas yun, si Ryan ang unang lumabas. Pinagmasdan ko lang siya sa likuran niya. Ang lakas niya bigla ha? Hindi ba pang nasaksak ka hindi ka pa pwedeng maglakad?

Paglabas namin nagtungo ang dalawa sa sasakyan ni Drew. Aalis na din sana ako dun kaso napatigil nung may humawak sa braso ko. Nagulat kong nilingon si Drew.

"Hatid ka na namin." alok niya. Napatingin ako sa dalawa, nasa loob na sila ng sasakyan. I can't see them because the glass is tinted.

Ngumiti ako kay Drew at napailing. "Wag na, may dadaanan pa kasi ako." Tugon ko sa kanya.

"Sigurado ka?" Kunot noong tanong niya. Ngumiti ako at napatango-tango. "Sige mag-ingat ka."

"Salamat, kayo rin. Sige una na ko." Paalam ko at naglakad na paalis dun. Pumara ako ng jeep, hinintay kong bumaba ang mga tao bago ako pumasok sa loob.

Nagbayad ako tsaka ako sumandal sa inuupuan ko. Dun ko naramdaman ang pagbigat ng paghinga ko. I'm having a hard time breathing! Hindi ako pwede sa mausok pero wala akong choice. Napapikit ako at napahawak sa dibdib ko nung nagsimulang sumakit ito. Pinakalma ko ang puso ko at nag breathing exercise ako kahit madumi ang hangin. Nung medyo kumalma na dun lang ako nagmulat ng mata at tumingin nalang sa labas.

Hindi nagtagal ay dumating na ko sa trabaho ko. Hindi ako papasok ngayon sa school kaya magtatrabaho nalang ako.

"Oh Erin ang aga mo ha." Sabi ng isang katrabaho ko.

"Hindi kasi ako nakapasok kagabi." Tugon ko sa kanya at pumasok na sa change room.

Nagtrabaho ako dun for 10 hours bago ako umalis. Pumunta ako sa malapit na convenience store para bumili ako ng makakain ko this week. May sapat naman akong pero para mag-grocery pero nag-iipon kasi ako.

𝘜𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘞𝘦 𝘔𝘦𝘦𝘵 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon