Erin's POVNapabalikwas ako sa higaan ko nung narinig ko ang malalakas at paulit-ulit na katok sa pinto sa baba.
"Erin ako to si Vina!" Rinig kong sigaw ni Vina mula sa labas.
Napahawak ako sa utak ko dahil bigla akong nahilo sa pagkabigla kong gising. Narinig ko nanaman ang sigaw ni Vina sa baba. Nagmadali akong bumaba at binuksan ang pinto para sa kanya.
"Hi!" Bati niya sakin tsaka pinapasok ang sarili sa loob ng apartment ko. Nagkibit-balikat nalang ako tsaka ko siya sinundan sa sala.
"So, ano na? Hindi ka pa nagbibihis? Ngayon ang birthday niya!" Mas excited pa siya ata kaysa sa birthday boy ngayon.
"Ang aga pa eh." Reklamo ko. Maaga na kasi akong nakauwi kaninang umaga. Mga 3 hours lang ata ang tulog ko.
"Ano ka ba 7:30 am na no." Aniya tsaka pinaupo ang sarili sa sofa.
Iniwan ko siya dun at nagtimpla ng kape pangpatanggal sa antok ko. Pinanood ko lang siyang ilabas ang kung ano man yun sa bag na dala niya. Nilapag niya ang mga iba't ibang size ng brush sa table. Napailing nalang ako tsaka ko inubos ang kape ko.
"Maligo ka na at ako na ang pipili sa damit mo." sabi niya nung lumapit ako sa kanya.
"Ha?" Naguguluhan kong sabi. Hindi pa ata gising ang utak ko!
"Go! We don't have time!" naiinip niyang sabi tsaka ako tinulak papasok sa CR. Napabuntong-hininga naman ako tsaka naligo nalang.
I used the towel to cover my body bago ako lumabas. Nung nakalabas na ko wala si Vina sa sala kaya baka nasa taas siya. Umakyat ako at naabutan ko nga siyang tinatapon ang mga damit ko sa kama.
"Vina! Ba't mo ginulo ang mga damit ko!?" Inis kong tanong sa kanya tsaka ko pinulot ang mga damit na nahulog sa kama.
"Wala ka bang magandang dress dyan?" Tanong niya sakin.
"Wala, hindi naman ako nagdr-dress." Sabi ko sa kanya.
"Ay eto te! Perfect!" Masayang sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya kung ano ang kinuha niya. Bigla akong nalungkot nung makita ko ang dress na yun.
It's my white dress. Matagal ko ng hindi nakikita yun. Wala naman kasi akong paggagamitan at ayokong gamitin yun.
"Ang ang ganda te!" Sabi niya at pinagmasdan ang dress na yun. "Ang bongga, bago pa!" Nakangiting tuloy niya.
Napabuntong-hininga ako. I can't believe! Ang dress na binili ko para sana sakaling mawala ako yun ang gagamitin ko. But now I'm using it for Ryan's birthday.
"Eto nalang suotin mo oh." Aniya tsaka niya binigay sakin ang dress. Kinuha ko naman yun sa kanya at pinagmasdan yun. "Go! Iligpit ko lang to." Aniya tsaka nagsimulang iligpit ang ginawa niya sa cabinet ko. Napabuntong-hininga ako sinuot yun.
It's a white blouse dress na hanggang binti ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at pinagmasdan ang sarili kong suot ng dress na yun.
"Ay te! Hindi mo na pala kailangan ng makeover! Ang ganda mo na!" Napatingin ako kay Vina mula sa salamin. Nginitian ko siya at tinignan ulit ang sarili ko sa salamin.
"Pero bigyan lang natin ng konting color yan pisngi at labi mo. Mukha ka kasing may sakit." Biro niya. Natawa nalang din ako sa sinabi niya at napailing-iling.
"Kung alam mo lang..." Bulong ko sa sarili ko.
Bumaba kami ni Vina. Pinaupo niya ko sa sofa paharap sa kanya at sinimulan niya na kong lagyan ng make up. Sabi niya sakin makeup no makeup look daw ang gagawin niya. Ano yun!? Meron ba yun?
BINABASA MO ANG
𝘜𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘞𝘦 𝘔𝘦𝘦𝘵 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯
PertualanganRyan Barrick is a heartthrob and rich kid in the school that his family owns. Bullying is Ryan's hobby to do. He likes making others suffer because that's what entertains him. No one dares to stand in front of him and lecture him about his childish...