Binabaliw
I tried to forget what that Terrenz told me but the more I try too forget, the more I remember. I want to think that he is just flirting but I cannot deny the fact that he is really attracted to me. I felt it. The very first time he laid his eyes on me, he was magnetized. Ang lagkit ng tingin. I was not born two minutes ago, I know what men think! Hindi ako assuming, nagsasabi lang ng totoo. Magkakasunod na iling ang ginawa ko para mawala lamang siya sa isipan ko. Ano ba ang ginawa sa akin ng lalakeng iyon at bakit siya na ang buong laman ng utak ko. Ilang araw na to a!
"Doc." Tawag sa akin ng isang nurse kaya naiwala ko saglit ang Terrenz na iyon sa aking isip.
"Yes?" I plainly asked at nadako ang mata ko sa hawak niyang boquet of flowers. Pinantaasan ko siya ng kilay. Ano ba to?
"May nagpapamigay po doc. Hindi po ako." Napayuko pang sabi niya sa akin. Aba! Nabasa niya yung nasa utak ko?
"Sino daw?" Takang tanong ko at inabot na yung bulaklak. Sinilip ko pa doon kung may naiwang sulat man lang at hindi naman ako nagkamali. Meron isang kapirasong card doon. "Never mind. Salamat Carlos." I smiled and dismissed him. Napangiti naman siya at umalis na matapos mag welcome sa akin. Binasa ko ang nakasulat doon at muntikan na akong matawa ng mabasa ko iyon ng buo.
From: your secret admirer
"You shine brighter than the sun. I love the way you smile. And even if you crinkle your forehead, you still look so beautiful. God must have spent time for us both. I like you doctor."Napaismid ako pagkatapos kong mabasa ang sulat. For real? Nakikinig ba sa English teacher ng secret admirer kuno ko noong highschool? Wala man lang magandang grammar construction at chronological order ang sulat niya. Gusto ko na sanang itapon itong bulaklak pero sayang kaya inilagay ko na lamang iyon sa may vase sa office ko.
"Ang ganda naman doc. Kanino galing?" Pambungad na tanong ni Kelly. Napairap naman ako sa kawalan.
"Sa secret admirer ko daw. Akalain mo Kelly, uso pa pala ang ganoong kabaduyan sa panahon natin ngayon?" Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sa akin si Kelly na parang siya pa ang mas kinikilig sa akin dahil sa bulaklak na nakita niya sa mesa ko.
"Opo naman doc. Usong uso pa rin. Ang sweet nga eh. Kung ako ang bibigyan ng bulaklak. Naku, patulan ko na agad. Mahirap tumandang dalaga doc. Sige ka. Ikaw din." Maoang asar pa talaga niyang sabi. Napabusangot naman ako at napaisip. Oo nga. I'm 27 now. Next year 28 na ako. This is not good. Kailangan ko ng landiin si doc Miguel. Oh my gosh. Ang landi kong doktora. Napailing iling ako sa naisip ko. "Doc. Okay ka lang?" Nag aalalang tanong niya sa akin. Masungit ko naman siyang tinignan pero hindi ko naman pinahalata ang pagkairita ko.
"I'm fine Kelly. Anong oras ang out mo?" Pag iiba ko na lamang sa usapan.
"Mamayang 10:00 pa po doc. Bakit po?" Nagtataka niyang tanong. Ngayon ko lang kasi ako nagtanong about sa out niya eh.
"Wala naman. Natanong ko lang. May bago bang magpapacheck up ngayon?" Tanong ko sa kanya bago umupo na ng tuluyan. Binuklat ko pa yung records ng client ko habang siya ay tinignan ang listahan ng mga kliyente ko. Si Kelly, assistant/secretary/nurse ko. Eh di wow. Multi tasker ang peg niya diba?
"Actually meron po doc. Pero nakapagtataka. Lalake." Naguguluhang sagot niya sa akin. Awtomatiko namang rumehistro sa utak ko ang sinabi niya.
"Ang apelyido ba niyan ay De Vera?" Halos malunok ko na lahat ng laway ko. No! Hindi niya naman siguro tototohanin ang sinabi niya akin ano? Anas ko sa isipan. Pero nalaglag ang balilat ko ng tumango si Kelly.
BINABASA MO ANG
Locked out of Heaven (Completed)
General FictionTYCOON SERIES II She is successful. Everyone thought, he's a waste. She loves doing the right thing. He enjoys the bad thing. She is serious. He plays. She is a doctor. And he is the patient. Two people who are exactly opposite with one another. Wha...