Eyes on me.
"Doc. Meron pong scheduled check up si Mrs. Reyes mamaya ng mga two." Paalala sa akin ni Kelly. Tinanguan ko lamang siya bago muling itinuon ang atensyon sa hawak na papel. Lumabas na si Kelly kaya hindi niya napansin ang paghigpit ng hawak ko sa annulment paper namin ni Terrenz. Two days ko pa itong nareceive pero hanggang ngayon ay paulit ulit ko pa ding binabasa. Pinipilit ko ang sarili ko na hindi totoo ito, na binibiro lang ako ng pagkakataon, pero sa huli ay unti unting pumapasok sa utak ko ang masakit na katotohanang, sumuko na siya. Gusto kong magtampo sa kanya at sumbatan siya. Ipaalala yung sinabi niyang hindi siya susuko sa akin. Pero sinong binibiro ko? Kung gagawin ko iyon ay paniguradong ipapahiya ko din lang ang sarili ko sa harapan niya dahil alam kong ako din ang may kasalanan kung bakit nangyari ito sa amin.
Napabuntunghininga ako at ibinalik sa may drawer ang annulment paper. Tumingin ako sa relo. Past twelve pa lang kaya may oras pa akong magpahinga. Pero imbes na magpahinga ay kinuha ko ang phone ko sa may mesa at nag facebook. Noong una ay nag alangan pa ako kung mang i-stalk ako kay Terrenz pero sa huli ay iyon pa din ang ginawa ko. I stalk his facebook profile. Unang tumambad sa akin ang litrato niya. Tinignan ko kung kailan ito naipost. It was two minutes ago. Prente siyang nakasandal sa hood ng sasakyan niya. I think bago lamang iyon dahil hindi ito ang dati niyang ginagamit. I-skip ko na sana ang litrato pero nakuha ng atensyon ko ang caption niya.
"Trying to forget something. Left a scar in my heart. Memories in my old car is still haunting me. So I bought a new car."
He put words into riddles. Nag init ang mga mata ko sa nabasa. Pumunta ako sa comments.
Sabrina Jimenez-De Vera: Hey! Problem?
Blue De-Vera: Babe, why are you commenting on his photo? I'm jealous now. Do something about this.
Comment ng mag-asawa ang una kong nabasa. I scrolled it down but suddenly stopped when I saw her name.
Ava Dion Ferrera: I am always here. Forget about her.
50 likes. 68 comments.
Hindi ko na binasa pa ang lahat. I skipped. And continued stalking his profile. Nahinto ako ng mabasa ang post niya two days ago.
" Wish you feel me. Wish you hear my cries. At night, I wake up empty. I missed you terribly."
50 likes. 24 comments
Napapunas ako bigla sa mukha ko ng maramdaman ang pagtulo ng saganang luha sa mga mata. Napagpasyahan kong mag log out na. Two days ago, sinabi ko sa mga magulang ko ang desisyon ko. Two days ago din, hindi nila ako kinausap, pati si Ella. Lahat ng malalapit na tao sa buhay ko ay hindi panig sa akin. Rason nila, nawala na daw ako sa katinuan. Hindi ko naman sila mapipilit na unawain ako dahil naging malapit na sila kay Terrenz sa maiksing panahon na magkasama kami. Maybe we separated because we don't have a strong foundation. Masyado akong mahina para pagkatiwalaan siya. At sumuko siya dahil sa akin.
Ilang minuto pagkatapos kong magfacebook ay muling pumasok si Kelly. Mabuti na lang at naayos ko na ang sarili ko kaya hindi na halatang umiyak ako kani-kanina lang.
"Doc, invitation card po." Sabay abot niya sa akin non. Kunot noo kong tinanggap 'yon at tinignan sa likod ang nakasulat pero tanging pangalan ko lang ang nakalagay. Napasinghap ako ng mabasa kung ano ang nakasulat. Launch ng kumpanya ni Terrenz dito sa Pilipinas. Magpapakilala na siya sa buong mundo. Pagkatapos ng naging problema ng kumpanya niya ay eto na nga. He is finally letting the media know his success. What changed his mind?
BINABASA MO ANG
Locked out of Heaven (Completed)
General FictionTYCOON SERIES II She is successful. Everyone thought, he's a waste. She loves doing the right thing. He enjoys the bad thing. She is serious. He plays. She is a doctor. And he is the patient. Two people who are exactly opposite with one another. Wha...