Guardian
"Ate. Wala ka bang trabaho bukas?" Tanong sa akin ng kapatid ko. Awtomatiko naman akong napatingin sa kanya at pinantaasan siya ng kilay. Andito kami ngayon sa bahay at nanunuod ng movie. Wala akong pasok ngayon kaya naman kasama ko ang kapatid kong wala ng ibang ginawa kundi mangulit sa akin.
"Meron. Ngayon lang ang day off ko. Bakit?" Sagot ko sa kanya bago isinubo ang popcorn sa bunganga ko. Napaingos naman siya at itinuon na lamang ang atensyon sa pinapanuod namin. Binato ko siya ng popcorn. Aba!Bastos eh!
"Ate ano ba? Ba't ka nambabato?" Iritado pa nitong tanong sa akin.
"Hoy Graziella. Sumagot ka kapag tinatong kita ha? At huwag mo ako pantataasan ng boses." Sita ko sa kanya. Napabusangot naman siya at humalukipkip na nag indian seat sa sofa na nakaharap sa akin.
"Eh kasi naman ate. Lagi ka na lang busy kapag tinatanong kita. Pwede bang huwag ka na lang pumasok bukas. May meeting kasi sa school. Kailangang umattend ang mga parents o guardians." Pagmamaktol niya sa akin.
"Bakit hindi ba pwede si nanay Weng?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Si nanay Weng ang kaisa isang kasambahay namin dito sa bahay. Ayaw kasi ni mommy at daddy na maghire ng iba pang katulong dahil palagi kaming naloloko at nananakawan. At isa pa, hindi naman kalakihan ang bahay na nilipatan namin simula nung pumirmi sa America ang mga magulang namin ni Ella.
"Seriously ate? Si nanay Weng talaga? Eh baka mawala pa yun sa laki ng school namin! Remember what happened before? Nung pinapunta mo siya sa ospital?" Pangungutya ng kapatid ko kay Nanay Weng. May katandaan na din kasi si nanay at mahina siya sa mga directions. Minsan nga'y pinapunta ko siya sa ospital dahil may nakalimutan ako sa bahay,imbes na sa Gynecology Department siya magtungo, sa Neuro siya nakarating and 'twas too far from our department. Kaya naman hindi ko na siya ulit inutusan pa. Kahit nga mag grocery kami na lang ng kapatid ko ang bahala. Pambahay na lamang siya kumbaga. At kung tutuusin wala kaming reklamo sa kanya dahil malinis naman siyang trumabaho.
"I can't. I have two operations for tomorrow. And isa pa madami pang nakabanban na work sa hospi. I am sorry sis. Pero huwag ka mag alala, maghahanap ako ng pupunta. Don't worry okay?" I said in excused. Napabuntunghininga na lamang siya at tumango. Humiga siya sa sofa at may tinipa sa kanyang cellphone. Malamang sa malamang magdradrama nanaman siya sa mga gm's niya or probably sa fb. Teenager nga naman.
Kinabukasan, maaga akong umalis ng bahay dahil sa maagang operasyon na ako ang nakatoka. Being a doctor is really hard. Some may say,boring maging doctor. Dahil sa tagal ng taon na igugugol mo sa pag aaral. But for me, i love my chosen career. And lucky for me, nakapasa ako sa intermed kaya mas naiksihan ang taon ko sa pag aaral. I studied only for 7 years na sana ay ten years. And it's a good thing na maaga akong pinag aral ng mga magulang ko way back to my elementary days. I'm only 4 years old when i attended primary school. And i got accelerated when i was in grade two, i think.
"Doc. Buti at nandito ka na. May severe bleeding ang pasyente mong si Mrs. Geronimo." Agad na pambungad sa akin ni nurse Kelly. Kumunot naman ang noo ko sa narinig.
"What? Papaano nangyari 'yun?" Hindi makapaniwala kong tanong. Because the last time i checked, maayos ang health condition ng baby. It must have something to do with the mother. Two weeks from now,manganganak sa siya pero hindi siya nag iingat! Lakad takbo akong pumunta sa E.R. kung nasaan ang pasyente. "What happened Mr. Geronimo? Agad kong tanong sa mister. "Stan.George.Mark. please. Send her sa O.R." Utos ko sa mga nurse assistants.
"Yes doc." Mabilis na tugon naman nila at itinulak na ang bed papuntang O.R.
"Doc nadulas siya kanina sa kusina. Doc. Tulungan po ninyo ang mag ina ko." Sagot nito at nagmamakaawang sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Locked out of Heaven (Completed)
General FictionTYCOON SERIES II She is successful. Everyone thought, he's a waste. She loves doing the right thing. He enjoys the bad thing. She is serious. He plays. She is a doctor. And he is the patient. Two people who are exactly opposite with one another. Wha...