FOURTY ONE

5.2K 113 2
                                    

Doubts.

"Doc. Nasa opisina po ninyo ang asawa ninyo." Isang araw pagkatapos ng nalaman ko, nagbago ang pakikitungo ko sa kanya. God knows how much I don't want to despise him, but the feeling of being lied to is eating my trust. He didn't stop explaining to me since yesterday but my ears are close to hear his explanations. Masakit mang isipin pero ayaw kong marinig ang kahit na anong sabihin niya.

"Danielle." He tried to reach out my hand but I stop him. He sighed in defeat and frustration.

"I am busy Terrenz. We'll talk. But not now. You may go." Pagtataboy ko sa kanya sabay baling sa ibang direksyon.

"Okay. We'll talk. I'll wait whenever you are ready. I love you." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Hinayaan ko lamang siya at pumikit. He sighed again before he went out of my office. Napahawak ako sa may mesa dahil sa panghihina. Umupo ako sa may guest chair at nagpigil huwag umiyak.

"Doc, another patient." Tawag sa akin ni Kelly ilang minuto pagkaalis ni Terrenz. Pagkarinig iyon ay tumayo na ako at lumabas. I tried to concentrate on my job the whole day. I did great but I still feel empty. Pagkauwian ay wala na ako sa sarili dulot ng malalim na pag iisip.

"You know it isn't safe to walk alone when your mind is somewhere else." Napatingin ako sa nagsalita sa tabi ko. Nginitian ako ni Doc Miguel. "Hindi ka ba susunduin ng asawa mo?" Pag iiba niya sa usapan.

"I don't know. Hindi niya sinabi." Matamlay kong sagot.

"I know I don't have the right to meddle in your relationship doc, but I want you to remember, I am here as a friend. You can always lean on my shoulder when you feel heavy." Mapait akong nag iwas ng tingin sa kanya. Bumuntunghininga naman siya noong wala sigurong makuhang sagot sa akin. "I hope you two will be okay." Mapait akong napangiti sa sinabi niya. I heard that before with someone and I didn't expect, maririnig ko ulit iyan. Magiging okay pa ba kami? I don't think so.




"Thank you doc, we'll be fine. Simpleng tampuhan lang to." Tawa kong sagot. I am really such a good actress. Masakit pero kailangan kong magpanggap na okay kami sa harap ng ibang tao. Naestatwa ako ng bigla niya akong niyakap.


"I hope so." Halos pabulong niyang sabi. Yayakapin ko sana siya pabalik nang biglang nawala ako sa bisig niya.


"Fuck you! Anong karapatan mong yakapin ang asawa ko?" Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nakahandusay na sa sahig si doc Miguel. Kumaibabaw si Terrenz sa kanya at galit na galit na binubugbog si doc. Nagtilian ang ibang mga nakapaligid. Gusto kong awatin sila pero nanigas ako sa kinatatayuan ko. Inawat sila ng mga guards na nakakita. Itinayo silang dalawa. "Damn! Matagal na akong nagtitimpi sa'yo! Lapit ka ng lapit sa asawa ko sa tuwing makakakita ka ng pagkakataon! Tarantado!" Nasampal ko si Terrenz ng marinig iyon sa kanya. I saw him froze. Pati ako ay nagulat sa ginawa ko. Maya maya pa ay nakarecover na siya at tumigas ang kanyang panga sa galit at selos na din. "Tang ina! Pinagtatanggol mo pa ang isang to?! Nakalimutan mo ba kung sino sa amin ang asawa mo?!" Galit niyang asik. Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagsalita.


"Calm down will you? Mag usap tayo sa bahay. Don't make a scene here.!" Pagkatapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko siya at hinarap si doc.



"Doc Miguel. I am sorry for this." Napangiwi ako ng makita ang duguan niyang mukha. Tipid siyang ngumiti at tinapik ang balikat ko bago tumalikod na. May mga sumunod na sa kanyang nurses para gamutin siya. Humarap naman ako kay Terrenz at matalim siyang tinitigan bago tinalikuran at naglakad palabas. Ramdam ko ang pagsunod niya mula sa likuran ko. Tahimik siyang pinagbuksan ako ng pintuan ng kanyang sasakyan. Tahimik din siyang umikot at pumasok. I heard him sighed but I didn't talk to him. Buong byaheng nagpakiramdaman lamang kaming pareho hanggang sa makarating kami sa bahay. Noong maisara niya ang pinto ay isinandal niya ako sa pader doon. Idinantay niya ang noo niya sa noo ko at pumikit. Ikinulong niya ako sa magkabilaang braso kaya hindi ako makaalis.




"Please don't do that again. I swear you'll be the death of me." Nahihirapan niyang panguna sabay bukas ng mga mata niya. "Iwasan mo na siya." Maawtoridad niyang dugtong. Itinulak ko siya ng malakas at siguro dahil sa panghihina niya ay nagawa kong itulak siya.Yumuko siya pagkatapos at yumugyog ang kanyang balikat.




"Stop being immature Terrenz. This is not going anywhere." Malamig kong saad sabay lumampas sa kanya sana kaso mabilis niya akong nahawakan sa braso.





"Hindi ko na kaya." Bigla akong kinabahan ng sabihin niya iyon. Is he giving up on me? Umiling siya ng ilang beses. May luha sa mga mata niya. "I hate this kind of feeling. You are so cold. I can't even concentrate at work knowing that my wife is giving me a cold shoulder. Please listen to me sweetheart." Marahas kong tinanggal ang braso ko sa pagkakahawak niya ng marinig ang huli niyang sinabi.

"No! Ayokong marinig yan. Ayokong marinig ang paliwanag mo, sa ngayon. Maybe some other day." Humina ang boses ko ng sabihin iyon. Napabuntunghininga nanaman siya. Tinalikuran ko na siya at nagtuloy sa kwarto. Matapos kong mailagay ang gamit sa tabi ay pumunta ako sa banyo para magshower. Ilang oras din ang lumipas bago ako tuluyang lumabas. Nadatnan ko siyang inaayos ang kama namin. Nakasando na siya at pants na pantulog. Nagshower na siguro siya sa kabilang banyo. Napatingin siya sa direksyon ko at agad kong napansin ang paglikot ng mga mata niya sa katawan ko. Nakatapis lang ako ng twalya. Nag iwas na ako ng tingin dahil alam kong pareho kami ng naramdaman. Nagtungo ako sa closet at mabilis na pumili ng gagamiting pantulog. Pagkatapos ko doon ay pumunta na ako sa kama. Napahinto ako kanina sa paglalakad ng makita ang posisyon niya. Nakasandal ang ulo niya sa headrest at nakatunganga na parang nasa malalim siyang pag iisip. Naagaw ko lang ang atensyon niya noong tuluyan na akong humiga at tinalikuran siya. At sa ikailang beses ay bumuntunghininga nanaman siya. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Napapikit ako dahil doon. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas. Hinayaan ko lamang siya. Naramdaman ko ang iilang beses niyang paghalik sa balikat ko at sa gilid ng buhok ko. Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang anumang oras ay mawawala ako sa kanya.



"Terrenz." Tawag ko sa kanya dahilan upang lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Terrenz. We need to talk. I have something to say." Naramdaman ko ang sandaling pagnigas niya to a point na pati yata puso niya ay naramdaman ko ang sandaling pagtigil nito habang hinihintay ang sasabihin ko. Maya maya ay naramdaman kong bumilis bigla ang pagtibok ng puso niya. Humigpit na talaga ng sobra ang yakap niya sa akin. "I'll be out of town for two weeks. Nagleave ako. I think we need space." Napasinghap siya sa narinig. Narinig ko ang paghikbi niya mula sa likuran ko.




"Ikaw lang ang may kailangan yan. Hindi tayo. Kaya ayoko." Seryoso niyang sabi. Nainis naman ako sa sinabi niya.






"I already decided." Malamig kong sagot. He heaved a sigh and didn't say anything for a minute. Nagpakiramdaman lamang kami ulit bago siya nagsalita.




"Alright. Pero sa isang kundisyon." Now it is my turn to sigh this time.






"What is it?" Maikli kong tanong.






"Sasama ako. Hindi ako manggugulo. Hindi din kita lalapitan o hahayaang makita mo. Hindi ako magpapakita, basta please, hayaan mo lang akong makasama ka kahit sa malayo." Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya at parang gusto ko na siyang patawarin dahil doon pero pinigilan ko ang sarili. "Mahal na mahal kita Danielle. Kahit yun man lang sana paniwalaan mo. I know you have doubts now, but I assure you, I'll do everything to save this marriage. I love you so much." Hindi na ako umangal pa noong sabihin niyang sasama siya. That night, I let my doubts away and let my heart feel his warm and tight embrace. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari bukas. Ayoko na lang munang mag isip.

Locked out of Heaven (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon