Possession.
Nakatitig lamang ako sa kamay niyang nilalaro yung singsing ko sa daliri. We've been staying like this for about an hour. Andito kami sa may tabing dagat at tanging ilaw lang na nakapaligid ay ang buwan.
"I can't go home yet. May isang bagay pa akong gustong gawin." Matapang kong panimula. Tumingin siya sa akin kaya napatingin na din ako pero mabilis akong nag iwas at ibinaling ang mga mata sa dagat. Malalim siyang huminga bago ako binitawan Kinuha niya yung coat niya na tinanggal niya kanina sa tabi bago tumayo. Napatingala naman ako sa kanya. Ibinulsa niya ang isang kamay habang nakayuko para silipin ako.
"I understand. You know I'll always give you the right to decide. I can't do anything about that but I just wish you'll be back sooner than I expect." Matamlay niyang sabi. Ibinaling niya ang mga mata sa may dagat. "You'll always have my heart Danielle." He sighed heavily. "I think I should go back at my hotel then." Muli siyang yumuko upang tignan ako. He smiled genuinely at me. "Take care of yourself sweetheart." He reminded me before turning his back on me. Isinuot niya yung coat habang naglalakad. Mabilis naman akong tumayo at hinila siya sa may braso. Gulat siyang napatingin sa kamay kong nasa braso niya bago tumingin sa mukha ko. Mabilis kong tinanggal yung pagkakahawak ko. Humarap siya pagkatapos.
"What are you doing here with Tyrone?" I asked absentmindedly.
"Business." Maiksing sagot niya.
"Business." Patuya kong tawa. So kaya siya nandito dahil sa business at hindi dahil sa akin. Well maybe I overthink about what he said to me before he gave me the freedom to have my own vacation.
"But it's only today." Dugtong niya pa. "The real reason why I am here is you. You know that right?" Yumuko siya para magpantay kami ng mukha. Hinawakan niya abg pisngi ko.
"Pero bakit ngayon ka lang nagpakita?" Kinagat ko ang labi ko ng maunawaan ang sarili kong tanong.
"Because I promised you that I'll never show up and mess your vacation." Sagot niya. May kinuha siya sa may bulsa niya. Yung cellphone niya. May tinipa siya doon bago iniabot sa akib. "Here." Tinanggap ko iyon ng iabot na niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga kuhang litrato ko. "I've been stalking my wife for the past days. Iiling iling niyang ngiti. "And damn, muntikan na akong nagpakita sa'yo for wanting to wring the necks of those bastards looking at you. You have no idea how much control I've done just to keep that promise Danielle. You have no idea." Halos kapusin na siya ng hininga ng sabihin yung huli. Pinakatitigan niya akong muli bago ako hinalikan sa may noo. Awtomatikong napapikit ako at napakapit sa suit niya. Matagal niyang idinampi ang labi niya doon bago tuluyang humakbang para lumayo ng kaunti sa akin. Nagmulat ako ng mga mata at sa di inaasahan ay may tumulong luha sa mga mata ko. Nag iwas ako agad ng tingin sabay punas sa sariling luha. Narinig ko siyang nagmura bago ako hinagkan ng mahigpit. "Hush." Pagpapatahan niya. Bumigat ang paghinga niya. "Damn Danielle. Tell me to stay and I'll obey. Just tell me what to do. I'll do it." Dugtong pa niya. Napahagulgol na ako at isiniksik ang ulo sa dibdib niya. God. I miss him. His face. His pointed nose. His eyes. His lips. I miss everything about him. Niyakap ko siya at lalong napahagulgol. Humigpit naman ang yakap niya sa akin.
"Stay. Please." Pagkatapos kong sabihin iyon ay binuhat niya na lang akong bigla.
"Oh fuck. I will sweetheart. I will." Hindi ko alam kung saan na kami napunta. Ang tanging rumehistro na lang sa utak ko ay ang masuyong halik niya habang ibinababa niya ako sa may isang malaking bato. Bumaba ang halik niya sa leeg ko pero maya maya ay tumigil siya at mahinang napamura. Inayos niya yung damit ko. Napaayos din ako ng pagkakaupo. "I will not take you here. Someone might see us. Ako lang dapat ang nakakakita sa katawan mo." Seryoso niyang sabi. Napatingin ako sa ibang direksyon dahil namula na ang mukha ko. Hinawakan niya ang bewang ko kaya napatingin ako sa kanya. "Let's go sweetheart." Bulong niya at hinalikan ang tenga ko. Ibinaba na niya ako doon at mabilis na hinawalan ang kamay ko. Naglakad kami na magkahawak kamay.
"You can't ran away from me Frey." Pareho kaming napatigil ni Terrenz ng marinig namin ang boses ni Tyrone. Kunot noo kaming napatingin sa direksyon nila. Napabitiw ako sa pagkakahawak ni Terrenz para takpan ang bibig ko. Kitang kita namin ang pagkakaluhod ni Frey habang matigas ang ekpresyon ni Tyrone na nakatingin lamang sa asawa. Humahagulgol na ito at parehong nakatakip ang mga kamay sa mukha. May iilang tao pa sa labas kaya pasimple pa ang mga ito kung makausyoso. Tumingala si Tyrone sa langit kaya kitang kita niya ang pagtulo ng luha nito sa may gilid ng mukha niya. "No. I am not letting you go. You'll be my slave forever. I'll make you a prisoner and do whatever I want to you. Hindi ka tatakas. You're stucked with me forever my dear wife." Pagkatapos nitong sabihin kay Frey ay lumuhod na ito at binuhat ang nanghihina ng asawa. Hindi na umimik si Frey pero patuloy pa rin sa pag iyak. Ilang minuto kami doon at walang imikan ni Terrenz. Nang ibaling ko ang paningin sa kanya ay nagulat na lamang ako noong nalaman kong nakatingin na pala siya sa akin.
"He is possessive." Bigla ay sabi niya. Nakatingin na siya sa kanila. Unti unti na silang nawawala sa paningin namin hanggang sa hindi na namin sila makita. Bumuntunghininga siya at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. "You like that guy?" Napamaang ako sa tanong niya.
"No!" Agad kong sagot noong makarecover. "I just pity them. Pareho nilang mahal ang isa't-isa pero hinahayaan lang nilang magkasakitan. I can see they both love each other." Mahinang sabi ko. Nagkatitigan kami ng matagal ni Terrenz bago siya malungkot na ngumiti. Kumunot ang noo ko sa ipinakita niyang ekspresyon.
"You see them. The love. What they feel towards each other. But why can't you see me Danielle? I love you. And I am sure that you love me too. Too sad, you won't see it. Sa iba nararamdaman mo. Bakit yung sitwasyon natin hindi mo makita o bigyan ng effort?" Malungkot niyang litanya sa akin. Hinapit niya akong bigla at sa sobrang lapit ng mukha namin ay pinigilan ko ng huminga. "I think you want a possessive man. Fuck sweetheart, then I'll be one. I will own you from now on so get a grip on yourself 'cause I will make you fall in love with me more until you can no longer think of any reasons to leave me again." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinalikan na niya ako. Noong una ay kinilabutan ako sa klase ng halik niya pero sa huli ay nagustuhan ko. His kisses are possessive. He is owning my lip. At lahat ng desisyon kong lumayo muna sa kanya ay itinapon ko na sa kung saan.
BINABASA MO ANG
Locked out of Heaven (Completed)
Ficción GeneralTYCOON SERIES II She is successful. Everyone thought, he's a waste. She loves doing the right thing. He enjoys the bad thing. She is serious. He plays. She is a doctor. And he is the patient. Two people who are exactly opposite with one another. Wha...