SIX

7.5K 149 0
                                    

Invitation

"Ate. Nagtext sa akin si kuya Migs. He'll come here daw mamaya." Sabi sa akin ni Ella. Nahinto naman ako sa pagtulong kay nanay Weng sa kusina at sumandal akong humarap sa kanya.

"Bakit sa'yo nagtext? Ba't di sa akin?" Pinanliitan ko talaga siya ng mga mata. Napanguso naman siya na parang kinikilig pa kaya pinantaasan ko siya ng kilay ng wala sa oras.

"Eh baka sa akin na siya may gusto ate." Pang aasar pa ng kapatid ko. Napa whatever na lamang ako at tinalikuran ang tatawa tawang si Ella. Sarap saksakin ng kutsilyo!lol. Ipinagpatuloy ko ang pagtulong kay nanay pero ang isip ako ay lutang.

"Danielle. Okay ka lang ba? Naku bata ka, mabuti pa doon ka na lang sa sala at samahan ang kapatid mo. Utak mo lutang." Pansin pa ni nanay sa akin. Napatalon naman ako sa gulat ng magsalita siya at mapuna na parang malayo ang aking utak sa ginagawa ko.

"Okay lang ako nay. Sigurado po ba kayong okay lang kayong mag isa dito?" Concern ko namang tanong. Napangiti naman si nanay at itinulak na ako papuntang sala bago bumalik at itinuloy ang paglilinis at pagluluto na din. Napaupo na din ako sa sofa katapat ng kapatid kong busy sa pagtitipa ng cellphone niya. At dahil marahil sa nainggit ako sa pinggagawa niya,kinuha ko sa may side table ang cellphone ko at nag log in sa fb.

Terrenz: Are you free tomorrow?

Iyon agad ang nabasa ko pagkakita ko ng inbox. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, sa dami ng pwede kong buksang mga mensahe, itong Terrenz pa talaga ako nagka interes na unang basahin.

Ako: Yeah. Why?

Tipa ko sa chat box.

Terrenz is typing.....

Terrenz: Can I invite you to watch my play for tom?

Mabilis na tanong niya. Napakagat labi naman ako at pasimpleng sumulyap sa kapatid kong busy pa rin sa pagtipa tipa ng cellphone niya. Muli kong tinitigan ang screen aking cellphone at nag isip kung papayag ba ako.

Terrenz is typing....

Terrenz: Maybe, I'll get used to it, you, seenzoning me. :(

He sent me another message. Natawa naman ako sa sad emoticon niya sa huli dahilan para mapatingin sa akin ang kapatid ko.

"Anong tinatawa tawa mo dyan ate?" Naghihinala niyang tanong.

"Mind your own." Masungit kong sabi. Nagkibit balikat na lamang siya at ngumuso at itinuloy ang pagtipa tipa ng cellphone niya.

Ako: What's with tomorrow's event?

Tanong ko na sa kanya. Kawawa naman kung di ko man lang sasagutin ang message niya.

Terrenz is typing...

Kinagat kagat ko naman ang aking kuko habang hinihintay ang reply niya.

Terrenz: Papakainin ko ng alikabok ang race arena bukas. Pretty please come with me? I'll race a car. And I badly need a cheer leader to cheer me up. :)

Napataas naman ang sulok ng aking labi ng mabasa ang mensahe niya. So this is his hobby. His sport. Car racing. He might at least be friends with Marlon; because if he does, then I might come.

Ako: Are you somehow friends with M.S?

Interesado kong tanong.

Terrenz is typing...

Terrenz: M.S who? Meeting satanas?hahahaha.

Kalokohan niyang sabi. Lakas makapag trip ng lalaking ito talaga. Napapailing naman akong nagmessage ulit sa kanya.

Ako: Marlon Stockinger! The great car racer? The one and only half pinoy who had given the chance to have an f1 car?

Terrenz is typing....

Terrenz: Oh. Yeah Marlon. Of course. I do. He's my friends' boyfriend why?

Ako: Is he really handsome in person? Pwede mo ba ako ipakilala?

Natatawa ako sa message ko sa kanya. Naghintay din ako ng mabilis na sagot niya pero wala akong natanggap kaya naman sinagutan ko na lamang ang ibang mga messages at notifs sa facebook ko. I don't know why, but I'm becoming more active opening my facebook. Well maybe, dahil lumuwang ang schedules ko ngayon kumpara noong mga nagdaang buwan. Ewan ko! Basta ang alam ko, nag eenjoy ako, nawiwili ako, especially kung si Terrenz ang kachat ko. Damn De Vera!

"Ate! Napapadalas yata ang day off mo?" Puna ng kapatid kong nahinto sa pag cecellphone. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya habang hawak ko pa rin ang phone ko.

"It's not my usual day off sis. Nag leave ako ng isang week. I think I need rest." Sagot ko sa kanya at muling pinagtuunan ng pansin ang pagsagot sa facebook. Muli ay nagkibit balikat na lamang siya.

Terrenz is calling....

Muntikan ko ng maitapon ang cellphone ko ng makita sa screen ang pangalan ni Terrenz. Tumatawag siya gamit ang facebook messenger. Lihim naman akong tumingin sa kapatid kong parang may sarili ng mundo bago ako umalis doon at nagtungo sa may garden ng bahay namin para sagutin ang tawag ng lalakeng ito. Isinara ko ang sliding door at ini slide ang screen ng phone at sinagot siya.

"Hello?" Casual na pagbati ko mula sa kabilang linya.

"Hi doctor Danielle. Have you already decided yet?" Agad niyang tanong sa akin pagkatapos niya akong batiin. Napalunok naman ako at nag isip kung papayag ba ako sa imbitasyon niya.

"Okay. What time is it?" Did I just say that???

"Oh great. I'll fetch you around 7 am. Thank you for accepting my invitation. Yoi have no idea how much it means to me. Goodbye doctor Danielle." Mahimbing nitong paalam sa huli bago ako pinatayan.

Napaupo namam ako sa may swing sa gilid at matagal na nawala sa tamang pag iisipm Did I just accept his invitation? Hell no!

Locked out of Heaven (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon