Confuse
"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong sa akin ni Miguel. Kasama ko siya ngayon dito sa cafeteria. Dapat kinikilig ako dahil kasama ko siya. Dapat hindi ko iniisip yung Terrenz na yun. Pero bakit siya ang nasa isip ko at hindi si Miguel? Really? Anyare?!
"I'm okay doc. So. Kamusta naman ang department ninyo?" Nakangiti kong tanong. I need this. Ayokong isipin buong hapon ang lalakeng iyon. God. Please no.
"Ayun. Okay lang naman. Madaming pasyente pero masaya." Nakangiting sagot niya. Lumapit siya sa mukha ko. Akala ko hahalikan niya ako. Yun pala pupunasan lang yung spaghetti sa bibig ko.
"Thanks." At gaya ng nasa isip ko kanina. Dapat kinikilig ako. Pero bakit wala akong maramdaman?
"Are you free on Monday?" Tanong niya sa akin.
"Huh?" Wala sa sarili kong nasabi kaya inulit niya.
"Are you free on Monday? Doctor. Are you really okay?" Nag aalala na talaga niyang sabi sa akin pagkatapos. Napalunok naman ako dahil mukhang napapansin na niya na wala nga ako sa katinuan. Napapilig naman ako ng ulo. Ano bang nangyayari sa'yo Danielle? Get your pretty ass and say yes! Sita ng aking isipan. Pero imbes na umoo ay napa iling ako. Really what's your problem young lady?! Anas nanaman sa akin ng utak ko.
"Hindi ako pwede eh. I have two operations on Monday doc. Sorry. Maybe next time." I apologized. Totoo naman kasing may operasyon sa Monday. Bumagsak ang balikat niya sa sinabi ko. Hinawakan ko naman ang kamay niyang nakapatong sa mesa kaya napatingin siya doon bago sa akin. "But I am free next Saturday. Are you?" Nakangiti kong sabi. Ang landi ko. But at my age now? Hindi naman sigurong masama diba? Ngumiti naman siya at pinisil ang kamay kong nakahawak sa kamay niya.
"I will always be available for you Doctor Danielle. Anytime" He sweetly said. And with that, my heary fluttered.
"ATE DANIELLE! May bisita ka." Tawag sa akin ni na Ella. Napatingin naman ako sa may pintuan pero agad ding tumalikod papuntang salamin.
"Sino?" Takang tanong ko habang inaayos ang buhok ko. Paalis na ako papuntang trabaho.
"Si kuya Terrenz." Nakangising sabi niya dahilan para matigil ako sa pag aayos. Napalunok ako at mariing nakapikit bago siya muling hinarap.
"At anong kailangan naman niya? Pinapasok mo ba? Dapat hindi na." Inis kong pinagalitan ang kapatid ko dahilan para mapanganga siya sa narinig.
"Eh. Ate. Diba friend mo naman siya? Nanuod pa nga tayo ng competition niya diba?" Nagkamot pa ng ulo si Ella. Marahil nalito dahil sa mood ko ngayon. Inirapan ko naman siya at lumabas na ng kwarto. Nakayukong sumunod naman siya.
"What are you doing here?" Agad kong tanong kay Terrenz ng makita siyang prenteng nakaupo sa sofa ng sala namin. Napatayo naman siya bigla.
"Uh. I just want to talk to you doc." Uso yata magkamot ng ulo ngayon, dahil maski siya ay ginawa din yun.
"About what? Talk. Limited na lang ang oras ko. Dali." Masungit kong sabi sabay halukipkip. Napatingin naman siya sa kapatid ko kaya nagtaka ako. Anong meron?
"Uh ate. Alis muna ako." Mukhang nagkaintindihan silang dalawa.
"Yung totoo. Kinausap mo ba ang kapatid ko? Ginawa mong partners in crime?" Pinantaasan ko siya ng kilay. Mahina naman siyang humalakhak. And for the first time, my heart skips a beat. Napatagilid ako ng ulo. Anong nangyari sa puso ko?! Natigil naman siya sa paghalakhak at matamang tinitigan ako. And again, bumilis ang pintig ng puso ko.
"I just want to invite you on Saturday." Nakangiting namulsa siya habang nakatingin sa akin.
"Anong meron?" Takang tanong ko sa kanya. Napangiti naman siya lalo.
"It's my birthday." Simpleng sagot niya.
"Oh." Yun lang ang lumabas sa bibig ko. Saturday. Saturday. Saturday. Ano nga ba ang... Oh my gosh. Hindi nga pala ako pwede sa Saturday.
"So. Pwede ka ba doc?" Nakangiti pa rin niyang saad. Napalunok naman ako bago ko siya matapang na sinagot.
"I have an appointment on Sat kasi eh. Sorry ha? Nauna ng nag imbita si Miguel." Nahihiya ko na lang na sagot. Matapang ang aura ko but I feel like my knees are trembling. At gaya ng nakita ko kay Miguel, bumagsak din ang balikat niya. Napayuko pa siya.
"Ganun ba? Oh. Okay." Malungkod niyang sabi bago nag angat ng ulo at muling ngumiti pero hindi umabot sa kanyang mata. "Uh. Alis na pala ako. Yun lang naman ang ipinunta ko dito. Sige doc. Bye." Umiwas siya ng tingin sa akin at tumalikod na. Napabuntunghininga naman ako at nahabag sa klase ng itsurang ipinakita niya. Yung tipong naagawan ba ng laruan. Ang lungkot at mukhang maiiyak?
"Wait lang Terrenz." Bigla ay tinawag ko siya kaya natigil siya sa paglabas.
"Yes?" Malungkot pa rin ang mukha niyang humarap sa akin.
"I'll try to attend." Sagot ko. Ano nga ba ang pumasok sa utak ko at nasabi ko iyon? But it doesn't really matter. Dahil nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya. Lumapit siya sa akin bigla at walang kung anu ano'y niyakap ako na para bang tuwang tuwa na siya sa narinig kahit pa wala namang kasiguraduhan yung sinabi ko.
"Thank you doc. Love you." Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang huling sinabi niya. Hinalikan niya ako sa pisngi pero namanhid yata ang buong katawan ko dahil pa rin sa sinabi niya. "You are very beautiful." Dugtong pa niya na lalong nagpalakas ng tibok ng puso ko. "Don't get confuse of what you feel doctor. I know I have a space from your heart." Sinserong sagot niya na dahilan upang magpanting ang pandinig ko. Binatukan ko na pero tumawa lang siya.
"Masyado bang mahangin sa labas? At pati ulo mo nahanginan?" Sarkastiko kong tanong dahilan para lalo lamang siyang matawa.
"Oo doc. Masyadong malakas ang hangin pati tuloy puso ko naihangin papunta sa'yo." Nanlaki ang mata ko sa narinig at ako naman ang tumawa.
"Yun tayo eh. Yang pick up lines hindi bagay sa'yo. Tantanan mo nga ako De Vera." Natatawa kong sabi. Titig lamang siya sa akin kaya naasiwa naman ako sa paninitig niya. "Why are you looking at me like that?" Napaiwas pa ako ng tingin sa kanya pagkatapos. Ngumiti naman siya ng pagkatamis tamis bago kinuha ang kamay ko at inilagay niya sa kanyang dibdib. Nanlaki naman ang mata ko. Ang lakas ng tibok ng puso niya.
"Mabilis ba?Kasama kasi kita." Another pick up line from him. Mabilis ko namang tinanggal ang kamay ko na hawak niya. Parang napaso kasi. Posible pala talaga yun? Muli siyang namulsa at nakangiti pa ring tumitig sa akin. "I'll be expecting you on saturday doctor. See you my love." He said sexily. He even winked at me before leaving. Ano bang nangayayari sa akin? Why of a sudden am I attracted to that boastful guy? Really? I don't know why.
BINABASA MO ANG
Locked out of Heaven (Completed)
General FictionTYCOON SERIES II She is successful. Everyone thought, he's a waste. She loves doing the right thing. He enjoys the bad thing. She is serious. He plays. She is a doctor. And he is the patient. Two people who are exactly opposite with one another. Wha...