A man of surprise.
"Where do you want us to eat?" Tanong sa akin ni Terrenz habang naglalakad kami palabas ng kanyang kumpanya habang nakaakbay siya sa balikat ko.
"Anywhere as long as I am with you." Nakangisi kong sagot sa kanya. Hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng mukha niya kaya naman napagkatuwaan kong tuksuhin siya. "Kilig ka na niyan?" Pigil tawa kong tanong sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng masama bago nagsalita at nag iwas ng tingin sa akin.
"Hindi ah. You're flattering yourself too much." Kunwari ay masungit niyang sagot pero halata namang namumula na talaga siya lalo na yung tenga niya.
"Sus. Kunwari ka pa. Hoy. Umamin ka na. Once in a blue moon lang ako sweet. Sige ka. Hindi na to ulit mauulit. Bahala ka." Pagbabanta ko pa bago tumingin sa kung saan habang nagpipigil ng ngiti. Napatingin ako sa kanya noong bigla siyang huminto.
"Damn. Oo na. Aminado na ako. Basta, palagi kang sweet dapat sa akin ah?" At ang kaninang pigil na ngiti ko ay tuluyan ng lumabas. What Terrenz can do to me. Niyakap ko siya at naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. "God. I am so in love with you." Hindi na mapuknat ang ngiti sa labi ko lalo na ng sabihin niya iyon. Nang medyo mabalik na ako sa katinuan ay humiwalay na ako ng yakap sa kanya.
"Corny mo. Tara na nga. Ipunta mo ako sa favorite restaurant mo." Nakanguso kong sabi sa kanya. Napataas ang kilay niya sa sinabi ko. Tinaasan ko din siya ng kilay.
"How'd you know my favorite restau?" May duda niyang tanong bago humalukipkip at pinaningkitan ako ng mga mata. "Hah! So you're my stalker now?" Malapad na ang ngiti niyang tanong sa akin.
"Oi. Kapal mo ha. I'm a busy doctor. Do you really think I can find a time to stalk you?" Mataray kong sagot sa kanya pero may duda pa rin ang klase ng tingin niya sa akin. "Why are you looking me like that?" Taka kong tanong.
"Like what?" Pabalik din niyang sagot. Sinapak ko na! Kainis eh.
BINABASA MO ANG
Locked out of Heaven (Completed)
General FictionTYCOON SERIES II She is successful. Everyone thought, he's a waste. She loves doing the right thing. He enjoys the bad thing. She is serious. He plays. She is a doctor. And he is the patient. Two people who are exactly opposite with one another. Wha...