The bestfriend.
"Ano ba Terrenz. Stop tickling me." I tried to escape from him but he is too strong. Napatili na ako ng kiniliti niya ako ulit sa may tagiliran ko. Andito kami ngayon sa sala sa may sofa. Nakahiga ako sa hita niya. Napuno ng halakhakan naming dalawa ang buong sala.
"Not until you'll give me a territorial kiss sweetheart." Natatawang bulong niya sa tenga ko. Napahagikgik ako ng hipan niya ang tenga ko sabay tili muli dahil sa muli niyang pagkiliti sa akin. Inayos niya pa ang posisyon namin. Napatigil ako ng magtama ang mga mata namin. Halos sabay pa kaming napalunok at mapatingin sa labi sa isa't isa. He leaned down and give me the most passionate kiss ever. He bit my lip, seeking for an entrance. Maya maya pa ay parehas na kaming naghahabol ng hininga. "I can do this all day. God.." He said with love and adoration. Ang kaninang nakahiga kong posisyon sa hita niya ay naiba na. I wrapped my legs around his waist and kiss him again. We disregarded our clothes and almost ready to make love but we heard the doorbell rang. Pareho kaming natigil sa ginagawa at napatingin sa isa't isa. Napasimangot si Terrenz at ipinatong ang ulo sa may headrest ng sofa.
"Huy. Buksan mo na." Sundot ko sa kanya. He just groaned. Napailing na lamang akong tinignan siya sa ganoong pwesto.Akmang tatayo na sana ako pero bigla akong hinila ni Terrenz. Mabilis na nagpalit ang pwesto namin, siya na ang kumaibabaw. Muli niya akong hinalikan. Wala siyang pakialam sa kung sino man ang taong nasa labas. "Tj, we need to open the door sweetheart." Umungol lamang siya ulit. Magkakasunod na ang tunog ng doorbell kaya tinulak ko na siya. Humiwalay naman na siya sa wakas.
"Bad trip." Maktol niya sabay ayos na ng upo. Tinawanan ko na lamang siya sabay ayos ng sarili para pagbuksan na ang taong kanina pa nagdodoorbell. Tumayo na ako at iniwan siya sa sala. Maganda pa ang ngiti ko noong pinagbuksan ko ang bisita, pero bigla iyong nawala noong makilala kung sino. Sabay na nawala ang ngiti namin ng magsalubong ang mga mata naming dalawa.
"You need anything?" Walang kaamor amor kong tanong. Hinead to foot niya ako bago napangisi ng nang uuyam. Napakunot ako ng noo sa inasta niya.
"I just came here to personally give this to my bestfriend." Itinaas niya ang hawak niyang paper bag kaya napatingin ako doon. "Sa office niya sana ako pupunta pero ang sabi niya kaninang tinawagan ko ay nandito siya ngayon sa bahay niya." Mataray niyang salita. Magsasalita na sana ako ng biglang may yumakap sa likuran ko. Hinalikan ako ni Terrenz sa leeg. Sa tingin ko hindi pa niya napansin kung sino yung BWISITA namin. Tumikhim naman yung babae kaya napaangat na ang mukha niya.
"Ava." Umalingawngaw ang halakhak ni Terrenz pagkatapos niyang sabihin ang pangalan ng babae. Napasimangot na lamang ako noong umalis mula sa likuran ko si Terrenz para lapitan ang kaibigan niya. "What a pleasant surprise bestfriend." Halakhak niyang salita bago niyakap ang babae. Nanlaki ang mga mata ko ng maalalang walang damit pantaas si Terrenz at tanging boxer lang ang suot niya. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagkislap ng mga mata nung Ava. Is she into my guy? Lihim ko silang pinagmasdang dalawa. They seem too comfortable with each other. That girl is my husband's bestfriend huh. Pero bakit wala siya noong ikasal kami ni Tj? Tumikhim ako para ipaalala ang presensya ko. Naghiwalay sila ng yakap at sabay na napatingin sa akin. Una kong tinignan yung babae. Seryoso ang titig niya sa akin pero bukod doon ay wala na akong ibang mabasang emosyon sa kanya kaya nagkibit balikat na lamang ako. Tumingin na lamang ako kay Terrenz na hanggang ngayon ay hindi pa din maalis ang ngiti sa labi niya. "Babe, meet my wife." Napakunoot noo ako ng marinig ang sinabi niya. Babe?!!! Akmang magtatanong na sana ako kung hindi lamang humalakhak yung Ava.
"I didn't know you married a jealous one babe." Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Naalis lamang iyon ng hilutin ni Terrenz para matanggal ang pagkakakunot noo. Napatingin ako sa kanya. Nakangiting niyakap niya ako pagkatapos.
"I didn't see her on our wedding." Taka kong tanong.
"I was busy." Singit niya sa usapan.
"You're my HUSBAND'S bestfriend. You should have been there." Sagot ko naman sa kanya. Pareho na kaming nakataas ang kilay.
"Ava." Salita naman ni Terrenz. Napatingin ako sa kanya. His face is grim. Parang may banta din ang boses niya base sa pagtawag niya dun kay Ava.
"What now Ter? I haven't started yet." Kibit balikat naman niyang sagot. Umigting ang panga ni Terrenz pero hindi na siya nagsalita. "You are asking why I didn't attend right?" Nagkatitigan kami nung Ava ng tanungin sa akin iyon. "Because I don't want to see my bestfriend marrying a girl like you." Napasinghap ako ng marinig ang sagot niya.
"Ava! The fuck!" Sigaw na ni Terrenz. Namula na ang mukha niya sa sobrang galit.
"What? Ter! Hindi pa ba niya alam? Akala ko ba mahal mo? Eh bakit wala pa yata siyang alam tungkol sa nakaraan mo?!" Kunot noo at inosenteng tanong niya kay Terrenz. Biglang nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya. Meron ba akong dapat malaman?
"Walang kwenta iyon! At pwede ba? It's not your story to tell Ava." Mahinahon ng sagot ni Terrenz pero ramdam ko pa rin ang umusbong na tensyon sa pagitan nila. "Sweetheart, look at me." Masuyong hinawakan ni Terrenz ang pisngi ko. "Shit." Napamura siya ng makita ang ekspresyon ko.
"I cannot believe this piece of a joke!" Nakakairita ang pagtawa ni Ava ng sinabi iyon. Tinanggal ko ang kamay ni Terrenz na nasa pisngi ko at nagmatapang na hinarap si Ava.
"I believe I have the right to know his past. What is it?" Malamig kong tanong. I want to slap my face for trying to fake my strength.
"You look like the girl in his past. Ang babaeng nanakit kay Terrenz. Ang babaeng dahilan ng pagiging babaero niya bago ka. I lied when I talked to you when he was drunk at the bar. Kamukha ka niya." Malulutong na mura ang narinig ko mula kay Terrenz pagkatapos masabi ni Ava iyon sa pagmumukha ko. Tila namanhid ang buo kong katawan ng sabihin niya iyon. I can't feel anything. Parang sasabog ang utak ko sa rebelasyon niya. Hindi ko na alam ang nangyayari. Nakita ko na lamang na inilayo ni Terrenz si Ava at doon sila nag away. Nakita ko ang pagtalikod ni Ava at ang padabog niyang pag alis. Isinuklay ni Terrenz ang mga kamay sa buhok bago napatingin sa akin. He step forward but I stepped back which made him stop. Napailing ako sa kanya. Muli siyang nagmura at sinubukang lumapit sa akin pero itinulak ko lamang siya at tumalikod na sa kanya. Nang tuluyan na akong makatalikod sa kanya ay tsaka ko lamang naramdaman ang sakit. Na parang may tumusok na karayom sa akin at ginising ako sa matagal kong pagtulog. God. Why does it hurt?
BINABASA MO ANG
Locked out of Heaven (Completed)
BeletrieTYCOON SERIES II She is successful. Everyone thought, he's a waste. She loves doing the right thing. He enjoys the bad thing. She is serious. He plays. She is a doctor. And he is the patient. Two people who are exactly opposite with one another. Wha...