TWENTY EIGHT

5K 121 0
                                    

There's something more.


"Oh? Wala ka bang work ngayon ate?" Tanong ni Ella sa akin.

"Wala. Pero may pupuntahan ako. Gusto mo bang sumama?" Simpleng sagot ko sa kanya. Nagningning naman ang mga mata niya sa sinabi ko. "Joke lang. Di ka na mabiro. Dito ka na lang magbantay ng bahay. Sige alis na ako." Ngisi ko sa kanya. Nawala naman ang ningning sa mga mata niya at napalitan iyon ng pagkasimangot.


"Para kang pag ibig ate. Paasa. Tse!" Irap niya sabay talikod na sa akin.

"Hoy Graziella, anong pag ibig yang pinagsasabi mo? May boyfriend ka na? Come back here." Tawag ko sa kanya pero dinabugan lang ako.


"Joke lang din ate!" Sigaw niya sa akin. Naiiling na lamang akong kinuha ang bag sa may sofa.


"Alis na ako. Bye na." Akmang aalis na ako ng marinig ko siyang bumalik.



"Ate. San ka ba talaga pupunta. Ih. Sama na ako." Parang bata niyang padyak ng mga paa.





"Sa boyfriend ko! Oh sasama ka pa? Baka kawawa ka lang dun. Syempre mag isa mo kung sakali. Tapos maiinggit ka. Tapos..." Hindi niya ako pinatapos magsalita.

"Oo na! Ako na ang single since birth. Ako na ang walang boyfriend. Ikaw na ang may lovelife. Bwisit!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay muli siyang tumalikod at padabog na naglakad. "Hindi naman totoong may forever eh." Bubulong bulong pa niyang sabi. Natatawa naman akong nagtuloy na sa lakad ko.




****

"Saan ka?" Nakangiti kong tanong kay Terrenz mula sa kabilang linya habang nagmamaneho ako. Narinig ko ang malalim niyang buntunghininga. Problema sa kumpanya niya. As usual.





"Nasa company, sweetheart. Bakit?" Mahinahon niyang sagot pagkatapos.





"Oh. Still busy?" Tanong ko pagkatapos.




"Yeah. I still need to fix some problems. Kabago bago pa lang ng kumpanya ko dito sa Pilipinas,problema na agad." Reklamo niya pa. "Ikaw? Saan ka? Wait, are you driving right now?" Tanong niya sa akin. Nag beep kasi ang isang jeep sa likuran ko kaya siguro alam niya ng nagdra drive ako. "I told you not to use your phone while driving, didn't I?" Inis niyang sabi sa akin. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. "Don't do that again. I'll hang this up. And please, drive safely okay?" Hindi pa man ako nakakapagsalita ay binabaan na niya ako.



"Hmp. Di man lang nag ilove you." Parang baliw na salita ko sa sarili. Akmang ilalagay ko na sana sa dashboard ang phone ng biglang mag ring iyon. Natuwa ako ng makitang tumatawag siya. Mabilis ko namang sinagot iyon ng simpleng, "Oh? Akala ko ba bawal ang..." Nahinto ako sa pagsasalita ng magsalita siya.




"I just want to say I love you. I forgot to tell it awhileback. Drive safely. Huwag masyadong kiligin at baka makalimutan mo kung paano humawak ng manibela." Tatawa tawa at confident niya talagang sabi.





"Feeling mo naman. Oh sige na bye. I love you too. Punta ako ngayon dyan sa office mo. Bye!" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Napasilip ako sa labas ng bintana at napangiti. I'm here baby.





"Good morning ma'am. Pangalan po natin ma'am?" Nakangiting bati at tanong ng security guard sa akin sa bukana ng parking lot.






"Danielle Gutierrez." Napakamot naman ng ulo yung guard dahilan upang mapakunot noo ako.





"Ay girlfriend naman po pala ni boss." Mahinang salita niya pero narinig ko pa din. "Okay na po ma'am. Ipasok na po ninyo yung sasakyan ninyo." Napatango na lamang ako. Habang papalapit sa may pagpaparkehan ko ng sasakyan ay may lumabas mula sa elevator. Pinaliit ko ang mga mata ko at pilit na kinikilala kung sino iyon. Nang maipark ko na ay siya namang lumapit yung lalake at doon ko nakilalang si Terrenz pala. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at agad na niyakap ng makalabas ako.





"Namiss kita." Bulong niya sa akin bago lumayo bahagya. "What made you decide to visit me?" Taas baba ng kilay niyang tanong.





"Wala akong trabaho ngayon. Gusto sana kitang yayaing lumabas mamayang lunch." Napaiwas ako ng mata pagkatapos sabihin yung rason ko. I heard him chuckled. Napatingin ako muli sa kanya.





"Lunch it is." Napangiti ako sa sagot niya pero mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko ng halikam niya ako sa noo. "But before that, let me tour you to my secret company." He winked and held my hand. Sumakay kami sa elevator na tingin ko ay ginawa para lamang sa kanya.






"Halika. Ipapakilala kita sa mga empleyado ko." Masayang sabi niya pero pinigilan ko. Nagtatakang napatingin siya sa akin ng tumigil ako sa paglalakad.



"Kahit huwag na. Pumunta lang naman ako dito para makita ka. Tara na lang sa loob ng office mo." Pagpupumilit ko sa kanya. He sighed in defeat and nodded.






Napatingin ako sa buong opisina niya. And what's really amazing here is that, andami niyang collection ng mga laruang sasakyan na nakalagay sa glass.








"I love collecting toy cars since I was a kid. And maybe, that's the reason why I got obsessed in collecting real cars when I grew up." Inilabas niya mula sa salammin ang isang vintage car. "This one is my mmost favorite." Nakangiti niyang saad bago tumingin sa akin. "My dad gave this to me on my 9th birthday. Yung kay Blue, drawing materials naman. Mahilig kasi iyon sa pagdradrawing." Masayang kwento nuya pa. Ibinalik niya sa loob yung hawak niya kanina at may kinuha pang isa ulit. "This one is my least favorite." Kumunot ang noo niya at napalunok siya. Napansin ko din ang paghigpit ng pagkakahawak niya doon.





"Hey. Are you alright?" Nag aalalang tanong ko. Tumingin siya sa akin ng puno ng lungkot. Tumango siya bago muling ibinaling ang atensyon sa hawak niya.





"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yong itong laruang ito ang dahilan kung bakit ako ipinatapos ng mga magulang ko sa America?" Nagulat ako sa sinnabi niya. Malungkot siyang tumingin sa akin.






"Well, partly, it was my fault why they decided to shove me away. And this toy?" Mapait siyang ngumiti. "Ito ang rason kung bakit muntik ng mamatay si daddy. Dahil dito sa simpleng laruan na ito, muntik na siyang mapahamak. He almost died in saving this damn toy for me." Namaos siya sa pagkakasabi doon.





"Hey. Stop that. Whatever that is, it's all in the past now." Tumingin naman siya bago muling yumuko at tinignan ang laruan. Ibinalik niya iyon sa may salamin bago tuluyang humarap sa akin. Pinadausdos niya ang kanyang mga kamay sa bewang ko at inilagay ko naman sa kanyang batok ang mga kamay ko. "Andami ko pa palang hindi alam sa'yo." Saad ko bago inayos ang nagulo niyang buhok. Ngumiti siya sa akin bago nagsalita.





"It doesn't matter if you know less. What's important is that, you love me more." Korning saad niya. Napataas na lamang ako ng kilay. And the Terrenz I know came back. This is him. The funny. Jolly and loving guy I know. Pero alam ko din na, there's something more about him that I need yet to find, if he will only let me.

Locked out of Heaven (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon