Trust.
I scanned the place where I will be staying for two weeks. Umupo ako sa tabi. Mariin akong pumikit habang sinusubukang kalimutan ang nangyari kanina.
"You don't have to come Terrenz." Napatigil siya sa pag aayos ng bag sa may trolley at tumingin sa akin.
"And I told you I want to come with you. I will not let you see me. Just." Tumigil siya sa pagsasalita at mariing pumikit. Binuksan niya ang mga mata niya maya maya at muling nagsalita. "Let me come. I promise I will not disturb you." I saw his pain pero ako na ang naunang mag iwas sa takot na baka bigla na lang ako lumambot at makalimutan ang ginawa niyang pagtatago ng bagay na iyon patungkol sa nakaraan niya. Nag check in baggage na ako dahil ako lang naman ang may madaming dala. Hinintay namin ang pagtawag sa flight namin. Tahimik lang kaming nagpakiramdaman sa isa't-isa. Pinaglalaruan niya ang mga daliri ko pati ang singsing ko. Hinayaan ko siya dahil aminin ko man o hindi ay parang gumagaan kahit papaano ang mabigat kong nararamdaman sa simpleng ginagawa niya lang. Maya maya ay tinawag na ang flight. Tumingin siya sa akin. Nauna siyang tumayo hawak pa din ang kamay ko kaya wala na akong nagawa kundi hayaan na lamang siya.
Ako ang umupo sa may bintana ng makapasok kami sa eroplano. Inilagay niya sa may overheadbin yung dala niyang travel bag. Umupo na siya pagkatapos at muling hinawakan ang kamay ko. Napailing na lamang ako pero hindi ko binawi iyon. Tahimik lang kami hanggang sa lumipad na ang eroplano. Sa kalagitnaan ng byahe ay binigyan kami ng makakain ng flight steward. Nginitian ako nun kaya nginitian ko din pabalik pero malakas na tumikhim si Terrenz at pinanlisikan ng mga mata yung flight steward. Napangiti na lang siya sa kanya sabay alis sa pwesto namin.
"Jesus. Parang ayaw ko na yatang mahiwalay sa'yo." Pabulong niyang salita. Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. Kelan pa naging possessive ang isang ito? Nag iwas na ako ng tingin at sinubukang matulog. Naramdaman ko na lang na inihilig niya ang ulo ko sa balikat niya. "Hayaan mo na muna ako ngayon. Mamaya kasi hindi ko na magagawa ito sa'yo." Naluluha ako sa sinabi niya pero pumikit na lamang ako at pinilit matulog.
Nagising ako ng tapikin ako ni Terrenz. Inaantok akong tinignan siya.
"We're here." Malungkot niyang ngiti. Nag iwas ako ng tingin at ibinaling ang mga mata sa mga papalabas ng mga pasahero. Umalis siya sa tabi ko para kunin yung bag niya sa overheadbin. Hinintay muna naming makalabas ang lahat.
"Thank you for flying with us sir, ma'am." Malaking ngiti ng flight attendant. Nginitian ko siya at tinignan si Terrenz. Nakasuot na siya ng aviator at ni hindi pinansin yung magandang f.a.
Pagkalabas namin ng airport ay nakita ko agad ang pangalan ko sa may isang board na hawak ng isang hotel representative. Lumapit kami doon. Binati niya kami sabay kuha ng gamit ko. Papasok na sana ako ng maramdaman ang hindi pagsunod ni Terrenz kaya napalingon ako sa kanya. Malungkot siyang nakatingin sa akin. Magtatanong sana ako kung bakit hindi siya sasabay pero pinigil ko na ang sarili ko.
"You take care. Mauna na ako." Maiksing saad ko sa kanya. Akmang isasara ko na sana yung van ng bigla niya akong pigilan. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at tinitigan ng mabuti na para bang minememorya niya ang buong mukha ko. His eyes are bloodshot na konting tulak na lang ay iiyak na siya. Ngumiti siyang muli at hinalikan ako sa noo. Lalayo na sana ako ng bigla siyang magsalita.
"Stay still. I just want to savor this moment." Nakapikit niyang saad. Itinuloy niya ang paghalik sa noo ko. Kung hindi pa nagsalita yung hotel representative na aalis na kami ay baka hindi pa niya ako pinakawalan. "I love you. Come back to me once you are ready to face me. I love you. God, it hurts." Nanindig ang balahibo ko sa huling sinabi niya. His voice is in pain. He is suffering too. I want to say something that will comfort him but it will be a stupid move if I do that. Sa huli ay pinili kong lumayo na sa kanya. Lumayo naman siya at kinuha sa sahig ang travel bag niya. He waved at me as closed the car door. Nang makaalis ang van ay napatingin ako sa likuran. Tinignan ko siyang malungkot na nakatingin sa sinasakyan kong palayo na sa kanya.
Napabalik ako sa huwisyo at ipinilig ang ulo. Damn. Sa kagustuhan kong makalimot ay naghanap ako ng two piece na susuotin ko. I need to divert myself. And swimming can do. Pagkalabas ko sa casita ay agad kong nalanghap ang sariwang hangin na wala sa Manila. Nagpatong ako ng see through. Mag isa akong naglalakad sa may pampang ng may lumapit sa akin.
"You're alone miss?" Napatingin ako sa kanya. Gwapo. Iyon agad ang napansin ko. Ngumiti siya sa akin. Tumango na lamang ako sabay binilisan ang paglalakad. "Oh. Sungit." Halakhak niyang saad. Kunot noo ko siyang tinignan bago muling naglakad. "Hey. Hey." Tatawa tawa niyang habol. Napasimangot na ako. Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya. "Sorry. Did I scare you?" Hingi niya ng tawad sa ginawa niya. Bumuntunghininga ako sabay haklit sa braso ko. Napabitiw naman siya at itinaas ang dalawang mga kamay. "Sorry. By the way I'm Tyrone. And you are?" Magalang niyang pagpapakilala. Tingin ko hindi ako tatantanan nito kung hindi ako magpapakilala.
"Danielle." Saad ko. Hindi ko tinanggap ang pakikipagkamay niya at tinalikuran na siya. Narinig ko naman ang pagtawag ng isang babae sa pangalan niya. Napangisi na lamang ako habang naglalakad. Guys will always be the same. Iyon ang tanging tumatak sa isip ko.
Funny how love can make you so high and break you at the same time. Napaisip ako tuloy kung tama ba ang naging desisyon kong pakasalan ni TJ o hindi. I have no doubt that I love him. Pero hindi ko naihanda ang sarili ko sa posibilidad na mahila ako pababa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. I was too confident trusting him that I forgot to prepare myself into this kind of situation. I love him. But I don't trust him. For now. After what I've heard with Ava. No I can't trust him just yet.
BINABASA MO ANG
Locked out of Heaven (Completed)
General FictionTYCOON SERIES II She is successful. Everyone thought, he's a waste. She loves doing the right thing. He enjoys the bad thing. She is serious. He plays. She is a doctor. And he is the patient. Two people who are exactly opposite with one another. Wha...