If this is what you want.
Isinara ko ang zipper ng bagaheng dadalhin ko. Napatingin ako sa mga dala ko at malalim na napabuntunghininga. This is the right thing to do. I know it will destroy us both but I know time will heal all the pain soon. I know. Napatingin ako sa likod ng marinig ko ang nagmamadali niyang mga yabag.
"Danielle? Danielle?" Nanikip muli ang dibdib ko ng marinig ang natataranta niyang boses habang tinatawag ako. Nahinto siya sa pagtawag ng makita ako pero agad ding bumalik ang panic sa mga mata niya ng mapansin ang mga bagahe sa tabi ko. Nanghihina siyang lumapit sa akin at mabilis na may tumulong luha sa gilid ng mga mata niya. "May pupuntahan ba tayo?" Pilit ang ngiti niya noong tanungin iyon sa akin. Parang piniga ang puso ko ng sabihin niya iyon sa akin. Alam kong nararamdaman niya ang balak ko pero ayaw niya lang tanggapin. "I'm sorry. Late na akong nagising ha? Maliligo na ako. Mabilis lang ito pangako. Umupo ka muna ha? Maliligo na ako. Hintayin mo ako." Natataranta niyang dugtong. Tumalikod siya sa akin pero mabilis kong nahawakan ang braso niya. Tumagilid ang ulo niya pero hindi niya ako hinarap. "No. Don't say anything. Maliligo lang ako. Mabilis lang to." Piyok niyang saad kahit wala pa siyang naririnig na salita mula sa akin. Mariin akong pumikit upang pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.
"Terrenz. We need to talk." Pinalamig ko ang boses ko ng sabihin iyon sa kanya. Yumuko siya ng ilang segundo bago matapang na ngumiti paharap sa akin. Halos mabasag ako sa nakita kong katapangan niya. I know he is hurting inside but he tried to look okay in front of me.
"Kailangan mo ba ulit ng bakasyon na wala ako? Okay lang naman sa akin." Nagsusumamo ang boses niya. Namumula ang buong mukha niya at mukhang ilang segundo na lang ay babagsak na ang luha niya.
"Terrenz. Ayoko na." There I said it. I said the most brutal words I know he didn't deserve to hear. Nanlumo siyang tumingin sa akin. Ngumiti siya ulit sa akin bago hinawakan ang kamay ko at ilagay iyon sa pisngi niya. Doon na may tumulong luha sa mga mata niya.
"Ayaw mo na ng ganito? Yung nag aaway tayo? Yung malamig ang pakikitungo mo?" Pilit na humalakhak siya bago pinunasan yung luha niya. Kinagat niya ang pang ibabang labi niya para hindi mapahikbi. "Kung ganon, parehas lang pala tayo. Danielle. Ayoko ng ganito tayo. Sabihin mo lang kung may dapat ba akong baguhin sa sarili ko at gagawin ko. Gagawin ko. Please." Nagmamakaawa na niyang sabi sa akin. Napakagat din ako ng labi sa pagpipigil na huwag mapahikbi. "Oh kung yung babae ba sa nakaraan ko ang problema? Handa akong magkwento, makinig ka lang sa mga paliwanag ko. Wala na siya para sa akin. Matagal ko na siyang ibinaon sa limot bago pa kita nakilala. Danielle, mahal na mahal kita. Ikaw ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko maliban sa pamilya ko. Huwag mo naman akong iwan sa ere oh." Napahagulgol na niyang sabi bago ako niyakap ng mahigpit. "Gusto mong malaman kung sino yung babaemg yun? Siya si Ava. Ang bestfriend ko. Pero wala na yun. Wala na sa akin iyon." Mabilis niyang depensa. Mabilis ko siyang naitulak. Napasabunot siya ng buhok. Kinuha ko ang mga gamit ko pero mabilis niya akong napigilan. "Shit! Hindi ka aalis!" Galit niyang sigaw. Nagulat ako sa sigaw niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya bago tumingin sa akin. "For once, listen to my explanations. That's all I've ever wanted from you." Kalmado niyang sabi. Nag iwas ako ng tingin bago dinampot muli ang mga bagahe ko. Nagulat na lamang ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko.
"Terrenz. Stop this." Nanghihina ko ng sabi sa kanya pero inilingan niya lamang ako.
"You've made me so damn in love everytime I look at you. Do you really think I'll let you go that easily? Think again Danielle." Malumanay at kampante niyang sagot. Humikbi siya ulit. "I've been broken once, I admit that. But the kind of feeling that I feel for you is different from what I have felt for her. This is more extreme. Nakakapawala ng katinuan. I am lost everytime I look at you. I feel high when you hug me and say how much you love me. And I believe in you. I believe in our relationship Danielle. I believe you love me but you know what I realized this past few days?" Tumayo siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. He brushed my tears away which made me close my eyes. "I realized you didn't love me enough to fight me back. You didn't love me enough to trust me. You didn't love me enough that you chose to break me,fast and easy. Alam mo nakakatampo ka. Pero tang ina lang, kasi mahal pa rin kita. Sana dumating yung araw na kaya mo akong ipaglaban. Sana dumating din yung araw na kaya mo akong pagkatiwalaan. Sana mahalin mo ako ng lubos para hindi mo na ako basta basta na lang binibitawan. I admit, playboy ako dati pero simula noong makilala kita, kinalimutan ko na ang bisyo kong iyon. I even planned to marry you. That's how I love you. Pero gaya nga ng sabi ko sa'yo dati, I'll always give you the freedom to choose no matter how much it'll break me. I'll always choose you Danielle but I guess you don't want this love to work. Is this what you want sweetheart? If it is, then I'll let you go for the meantime but please don't ask me to let go forever because I don't have the plan. I love you. And I'm following what you want. If this is what you want." They say that love can also be painful. I believe that now. Did I choose the right decision? I let go of the person I love because of my ego. How stupid is this? But then, sometimes, letting go means fixing yourself. It does not only mean escaping.
BINABASA MO ANG
Locked out of Heaven (Completed)
Ficción GeneralTYCOON SERIES II She is successful. Everyone thought, he's a waste. She loves doing the right thing. He enjoys the bad thing. She is serious. He plays. She is a doctor. And he is the patient. Two people who are exactly opposite with one another. Wha...