TWENTY SIX

4.7K 120 0
                                    

Home.

"I'm sorry sweetheart. I can't fetch you today. May problema ang kumpanya. They need me. Pero pangako, babawi ako bukas." Napabuntunghininga na lamang ako ng marinig ang sinabi niya. He's been very busy for the past two weeks. Kaya naman bibihira ko na lamang siyang nakikita. And I must admit, I miss him already. "Danielle?" Tawag niya sa pangalan ko ng hindi ako agad nakapagsalita.

"Ganun ba? Okay. See you when you are not busy okay? Miss na kita." Matamlay at malungkot kong sabi. Siya naman ngayon ang napabuntunghininga mula sa kabilang linya.

"I miss you too. You have no idea how much I do." Malungkot niyang sagot.


"Goodbye na. May pasyente na ako.. I love you."  Nakangiti kong sabi sa kanya.




"Okay. Goodbye. I love you too." Pagkatapos naming mag usap sa phone ay nagsimula na akong ituon ang atensyon ko sa trabaho hanggang sa hindi ko nanaman namamalayan ang oras.



"Doc. Di ka pa ba uuwi?" Napaangat ako ng mukha ng nagsalita si Kelly. Napatingin din ako sa orasan sa harapan ko na nasa pader ng opisina ko. It's already past 12 midnight.

"Hindi pa. Mauna ka na Kelly. I'm fine here. May tatapusin lang ako." Tumango naman siya bago nagpaalam sa akin. Ilang minuto pa  ang lumipas ng tumunog ang phone ko. I smiled when I saw my boyfriend's name in my screen.

"Hello to the sweetest boyfriend in the world. Miss me?" Abot  tenga ang pagkakangiti  ko ng sagutin ko ang tawag niya.


"Hello. Is this Danielle?" Nawala ang ngiti ko ng marinig ang boses ng isang babae imbes na si Terrenz.


"Yes. Why do you have my boyfriend's phone?" I calmy asked but full of sarcasm.






"Uh. I'm a friend. He's drunk. Can you come and fetch him?" May pag aalinlangan pa niyang sagot. Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Papaanong lasing siya? Diba nga busy siya sa kumpanya?




"Give me the address." Malamig kong sagot. Pagkatapos niyang ibigay sa akin ang lugar ay hindi na ako  nagdalawang isip pang sunduin amg lalakeng iyon. All my life, I've always been secured about everything. Ni minsan sa buhay ko, hindi ako nagselos o nainggit. But now, I feel the signs of jealousy and insecurity. Why is he with a girl? Totoo kayang kaibigan  niya iyon? Napailing na lamang ako sa naisip at pilit na kinalma ang sarili. He is not cheating on me. Yeah. He won't. He can't. I tried to convinced myself and somehow, it did worked.





Kalmado akong pumasok sa bar kung saan naroon si  Terrenz. Medyo nahirapan pa akong hanapin siya pero mabuti na lang at nadako ang paningin ko sa may bar counter. Nakayuko siya sa may mesa habang hinihimas naman nung babaeng tumawag sa akin yung likuran ni Ter. Mabilis akong nagtungo doon at di ininda ang sikip ng dinadaanan sa dami ng tao dito sa bar. Nang makalapit na ako ng tuluyan ay inayos ko muna ang nagusot kong  damit bago tumikhim ng malakas dahilan upang mapatingin sa akin yung babae.




"You must be doctor Danielle. If I am not mistaken." Mahinahon at mabait niyang sabi sa akin. She's  gentle and she looks genuine in every word she says. Kaya naman kumalma ang naiinis kong puso. Ni head to foot ko siya ng palihim dahil  binalingan niya na si Terrenz.  Hinawakan nito ang balikat ni Tj. "Hey, T. Your boss is here now. Wake up." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. BOSS? Napatingin sa akin yung babae. "He calls you that everytime." Mukhang nabasa niya pa ang nasa isipan ko. Napatikhim ako at nilapitan na si Terrenz  ng tuluyan.





"Hey, sweetheart. Gising na. Iuuwi na kita." Mahinahon kong tinampal tampal ang pisngi niya ng iangat ko iyon konti. "Why is he drunk?" Baling kong tanong sa babae bago muling tinampal tampal ng mahina ang pisngi ni Terrenz.






"Nagkaproblema kasi kanina sa kumpanya. He's like that everytime he is stress. Sa alak niya binabaling lahat." My mouth formed into a thin line  after hearing her. Why do I feel like this  girl knows so much about my boyfriend's life, better than I do? "Can you take him home alone? I can call my boyfriend if you can't." Suhestyon niya. Napamaang ako sa sinabi niya. Natawa naman siya sa reaksyon ng mukha ko. "Yes. I do have a  boyfriend doctor Danielle. So stop your jealousy now. Ter  is  all yours." Nakangiti niyang sabi. Gumalaw naman si Terrenz kaya napatingin ako sa kanya.






"I love you Danielle. I'm sorry if I failed you. My company is at stake right now. But I promise, I'll do everything for you to be proud." Nakapikit niyang saad. He's sleep talking? Niyakap niya ang bewang ko. Naiilang naman akong napatingin muli sa babae.







"You don't really have to call him. I can take this man. And thank you for clearing everything but I am not jealous." Paliwanag ko.  Ngumiti naman siya ng nakakaloko bago nagsalita.






"Tell that to anyone but not to a psychologist doc." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi  niya. "Hailey Zamora. Nice to meet you doctor Danielle. Oh." Napatingin siya sa cellphone niya. "I have to go  doc. Sure ka bang kaya mo?" Paalam na niya pero sinigurado muna niya kung kaya ko bang iuwi si Terrenz.   Ngumiti na  lamang ako sa kanya bago siya  tuliyang nawala sa paningin ko.


**

"Mahal na mahal na mahal  kita Danielle." Patuloy na sinasabi ni Terrenz kahit tulog siya.  Nakakunot noo siya na para  bang may  matinding pinagdadaanan.  Iniuwi ko muna siya sa bahay kaya ang ending, sa kwarto ko siya dinala. Kinumutan ko na siya pagkatapos kong punasan ang mga kamay niya. Hindi ko na siya pinalitan pa ng damit  dahil baka kung ano pa isipin neto paggising bukas eh. Knowing him. Hinawakan ko siya sa noo at pilit na tinatanggal ang pagkakakunot noo niya.





"Mahal na mahal din kita. Goodnight." Hinalikan ko siya sa noo bago humiga sa tabi niya. Hindi naman siguro masama kung tatabihan ko siya diba? Iniunan ko ang braso niya at niyakap na siya. Tonight, I feel like I just found my home. And so I dozed into a deep  and peaceful sleep.

AN.. Bear with the wrong  english grammars and typo errors please?.   Goodnight.. 😴😴😴😴😴😍😍😍














Locked out of Heaven (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon