Sweet De Vera
I've been working my ass off the whole day without Terrenz bothering me which is reallly very unusual.
"Doc, andito na po ang huling pasyente ninyo." Tawag pansin sa akin ni Kelly.
"Okay. Tell them to come in." Ngiti ko sa kanya. Tumango naman siya at sinunod ang utos ko. Saktong pagsandal ko sa upuan ay siyang pagpasok ng dalawa. Si Blue at Sabrina. "It's nice seeing you here. So, ready ka na ba Sabrina?" Nakangiti kong sagot. Yumuko naman siya at sinundot sa tagiliran ang asawa. Kumunot ang noo ko ng nagkamot ng ulo si Blue.
"Eh doc. Pumunta po kami dito para lang sabihing false alarm. Hindi po siya buntis. Nasobrahan lang ng kain kahapon kaya nagsuka. And about sa menstruation niya, delayed lang. Dinatnan siya kagabi." Malungkot na saad niya sa akin.
"Oh. I'm sorry. I thought you're really pregnant. You can try it again after your cycle." Tipid kong sagot sa kanila.
"Akala nga din po namin. Pero di ko to susukuan doc. Aaraw arawin ko na lang siya hanggang sa makabuo. Aray." Natawa ako dahil sa pagkurot ni Sabrina kay Blue.
"Puro ka kalokohan. Tara na nga. Doc. Una na po kami. Pasensya na po." Paalam na ni Sabrina sa akin. Tumayo na siya at nakipagkamayan bago piningot ang asawa palabas ng opisina ko. Natatawa na lamang akong nakatingin sa kanila. Ipinagpatuloy ko na lamang ang trabahong naiwan sa opisina bago napagdesisyunang umuwi na. Hihikab hikab pa akong lumabas ng hospital ng biglang may humintong black audi sa harapan ko. Nagtaka ako noong una pero ng ibaba ng may ari ang bintana ay mukha ni Terrenz ang bumungad sa akin.
"May bago ka nanamang sasakyan? Wow ha!" Di makapaniwala kong tanong. Kinindatan lang niya ako at binuksan ang pinto mula sa loob.
"Get in my love." Napairap naman ako sa kakornihan niya. May palove love pa siyang alam. Pumasok na lang din ako.
"Paano na yung sasakyan ko?" Kunwari ay galit kong sabi sa kanya. Nasa parking lot kasi iyon. Hindi kasi niya ako inihatid kanina eh kaya sarili kong kotse ang ginamit kong pumasok.
"I'll just fetch it tomorrow. You don't have to worry about it. Hindi yun mawawala." Masaya lamang siyang nagsasalita. Naweirduhan naman ako sa kanya.
"Okay ka lang ba Tj?" Kunwari ay nag aalala kong tanong. Humalakhak naman siya sa tanong ko.
"Bakit doctor? Concern ka kung hindi ako okay? Ui concern siya." Pang iinis pa niya sa akin. Binatukan ko na. Kapal eh! Pero ang mokong, tumawa lamang at madaling nahawakan ang kamay kong ginamit kong pambatok sa kanta. Hinalikan niya ang kamay ko. He held my hand into his free hand while driving. Napangiti naman ako. I found his simple gesture sweet. "Just smile doc. Huwag mong pigilan. Alam kong kinikilig ka sa akin." Mayabang na sabi niya. "Alam ko, nararamdaman kong mahal mo na talaga a... ouch! Amazona ka talaga doc." Ngingisi ngisi niyang sabi ng muli ko siyang batukan. Marahas kong tinanggal ang isa kong kamay na hawak niya at inirapan siya. Tatawa tawa lamang siya habang ako ay inis na inis na sa kanya. "Even if you're so cranky to me, I still find you beautiful Danielle. And I am falling harder everyday." Bigla ay sumeryoso siya. Napatingin naman ako sa kanya. Muli niyang kinuha ang kamay ko at hinalikan iyon habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho.
"Ganyan ka ba talaga magsalita sa mga babae?" Bigka ay tanong ko. Kunot noo naman siyang tumingin sa akin saglit bago muling itinuon ang mga mata sa daan.
BINABASA MO ANG
Locked out of Heaven (Completed)
General FictionTYCOON SERIES II She is successful. Everyone thought, he's a waste. She loves doing the right thing. He enjoys the bad thing. She is serious. He plays. She is a doctor. And he is the patient. Two people who are exactly opposite with one another. Wha...