16

1K 54 5
                                    

   "Anong bang pumasok sa isip mo at gusto mo pa akong sunduin Alejandro?"
Hinapit siya nito. "Masamang bang sunduin kita? Teka lang, may nanliligaw ba sayo rito? Tell me..."
            "Wala..."

Inipit nito ang magkabila niyang pisngi sa dalawang palad nito. Inaarok kung nagsasabi ba siya ng totoo.
           "Baliw! Nagseselos ka ba?"
           "Yes."
Siya naman ang nabigla sa sagot nito.
            "Yes, I am jealous. Akala ko kaya ayaw mong magpahatid sundo kasi may iba ka rito." He looked like a jealous teenager trapped in Alejandro's body.
            "Tanga! Ayaw ko lang na pag-usapan ka nila kapag nakita nila tayong magkasama. Ma-issue pa tayo no!"
Ito naman ang mukhang nairita sa sinabi niya. "Why would people talk about us? Eh, ano kung makita nila tayong magkasama? Binata ka, dalaga ako. I can see nothing wrong with that."
             "Mayor ka..."
            "And because of that, I would limit myself from doing things like going out with you?"
Itinulak niya ito palayo sa kanya. "Ang gulo mo!"
           "Anong magulo sa sinabi ko?"
Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa inis na kanyang nararamdaman. Hindi niya maintindihan kung anong gusto nitong palabasin sa relasyon nila. "Magkaliwanagan nga tayo Alejandro.Anong relasyon meron tayo?"
Nakakainis na ang paulit-ulit niyang pagtatanong dito. Kaya ngayon pa lang,mabuti pang magkaliwangan na sila.
            "Alam mo naman ang stand ko diyan,baby.Basta dito ka lang. Sa akin ka lang, ha? Akin ka lang."
Diyos ko! Narito na naman sila sa akin ka na lang sessions nito. At sa tuwina na lang ay nadadala siya sa mga linyahan nito.
           "Bakit ba kasi nandito ka?" Pinasadahan niya ito ng tingin. Gwapo talaga nito. Hindi niya masisisi ang mga babae rito kahit pa walang kasiguruhan ang ibinibigay nitong label.Isa na siya roon.
            "I haven't eaten the whole day..." Tila batang nagsusumbong sa ina ang itsura nito. Napatingin ang siya ng kuhanin nito ang kanyang kamay at ipinagsiklop sa kamay nito. Pilit niya iyong binabawi ngunit hindi naman siya nito binibitawan. Nakita niya kung paanong habol ng tingin ang mga kababaehan sa lalakeng kasama niya. Sino ba naman ang hindi? In his casual wear, he look fresh and handsome. Parang gusto mong nakakulong ka sa yakap nito.
Napasimangot naman siya ng makita niya ang iba na lantaran kung landian si Alejandro. Ngiti naman ang sukli ng siraulo. Mukhang nag-eenjoy sa atensyong ibinibigay ng mga babae rito.
Ipinaghila siya nito ng upuan bago ito naupo sa tapat.
           "I miss you, baby girl." He playfully winks at her.
Napairap siya rito. Kung hindi niya lang alam na busy ito sa trabaho, iisipin niya babae na ang kinakalantari at tinatrabaho nito kanina.
            "Sorry pero hindi kita namiss, eh..." Naisip niyang alaskahin ito. Nakakatuwa lang kasi ang itsura nito everytime. Pigil niya ang ngiti ng makitang nag-iba ang timpla ng mukha nito dahil  sa sinabi niya.
            "Kaya mo pinatay ang cellphone mo para hindi kita matawagan? Hindi mo man lang naisip na nag-aalala ako sa'yo?" Mali atang pinagtripan niya ito dahil nakita niya ang pigil nitong galit. Ramdam niya iyon nang dumako ang kanay nito sa ibabaw ng kanyang hita.Mariin iyon.
            "I didn't mean to make you worry, okay? Nakakainis ka kasi, eh...."
            "Ang ending, ako pa ang nakakainis ngayon? Ikaw nga itong may kasalanan, eh." 
Oh my God! Ang hirap pa lang paliwanagan ang taong ito. Unbelievable talaga ang ugali  nito.
            "Be it my fault then pero hindi naman pwedeng ikaw ang masunod sa buhay ko, Alejandro! You know how I hate people  talking behind my back kaya umiiwas ako sa mga bagay na magiging sanhi upang pag-usapan tayong dalawa. But here you are, dragging me here and letting all those people talk something about us." Pigil ang inis niya habang nagsasalita. Maski ng idating ng waiter ang pagkain nila, pinili niyang maging kaswal.
             "Thank you." Nginitian niya ito pagkatapos.
             "You don't need to smile at him." He whispered, still sulking like a child.
            "Kapag hindi ka tumigil, I swear,iiwanan kita rito," mariin niyang sabi. Nang hindi ito umimik, she made a sign of a cross, and silently, she started thanking God for the blessings infront of them. Nakita niyang akma na itong susubo subalit ng makita ang ginagawa niya, he also made his silent prayer.
Lihim siyang napangiti. Kahit paano, may mga katangian itong masasabi niyang kamahal-mahal pa.
Nakita niyang hiniwa nito ang order nitong steak. Nag-iwas siya ng tingin. She doesn't know but she doesn't eat steak and the like. Those meat or fresh fish that are served raw is not her thing. Hindi niya feel ang pagkaing ganoon.
            "Ayoko." Nanatiling tikom ang bibig niya ng iumang nito ang tinidor kung saan may nakatusok na steak.
             "You don't like it?"
Umiling siya. "I'm okay with this one." Turo niya sa pasta. May kasama naman itong tinapay na hindi din naman niya alam ang tawag.
            "Do you want me to order something for you?"
           "Okey na nga ito." Tanggi niya. Baka kung ano pa orderin nito tapos hindi din naman pala niya kayang kainan. Kundangan ba naman at sa isang French restaurant siya nito dinala. Bukod sa hindi niya kilala ang mga pagkain roon, hindi din niya feel ang pagkaing banyaga. Solve na siya sa banana cake na nabibili niya doon sa kanto tapos ipapares niya sa paborito niyang hot chocolate.
            "Lipat na lang tayo." Akma itong tatayo ngunit sinamaan niya ito ng tingin.
            "Sabi ng okey na, eh! Gutom na ako kaya pwede ba kumain na tayo? Pwede ba?" Naiinis na siya. Tanging sandwich lang ang kinain niya buong maghapon. Wala siyang gana.
Inabot nito ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw nng mesa. "I'm sorry...inaalala lang naman kita, eh. But since you insisted here...let's eat."
Napatawa na siya ng marinig niya ang pag-alburuto ng tiyan ng binata. "See, gutom ka na rin!"
So far, naging masaya at magaan ang dinner nila.Kahit pa nahihiya, pinababayaan niya ang binata kapag sinusubuan siya nito. She's not into public display of affection ngunit ng mga oras na iyon, gusto niyang makita at malaman ng lahat na siya ang espesyal na babae sa buhay nito. Dahil kung nakamamatay ang mga tingin, kanina pa siya tumimbuwang dahil sa dami ng dalagang nakatingin sa direksyon nila.
Who could've thought that the mayor was having dinner with her?
           "I'll just go to the powder room." 
            "I'll just wait for you here. I have something for you when you come back." Hawak nito ang kanyang kamay habang nakatayo siya sa harap nito.
            "Sure.Saglit lang ako sa loob."
Tumango lang ito. Nakita pa niyang tinawagn nito ang waiter asking for their bill. She went straight to one of the cubicle, kanina pa siya naiihi eh.
            "Have you seen the girl that Alejandro's with?" Narinig niyang tanong ng isang babae.
             "Yeah. Maybe his new flavor now...poor girl. Hindi niya alam na pinaglalaruan lang siya ng binatang alkalde."
            "Bakit mo naman nasabi 'yan?"
            "Knowing Alejandro? Hindi mo ba alam ang bansag ng mga babaeng naikama niya? They call him f*ck and run man. Dahil pagkatapos niyang makuha ang gusto niya sayo, tatakbo siya papalayo sa'yo as if nothing happened between the two of you. Di bale na kung katulad rin lang naman siya ng babaeng nagdaan sa buhay nito na kuntento ng matikman man lang si Alejandro. Pero,atin-atin lang 'to, ha?Hindi mo naman masisi ang babae kung maghabol sa binata. Girl! Bukod siyang pinagpala..."
Sabay na humagikhik ang dalawa. Tsaka lang siya lumabas ng marinig niyang lumabas na ang mga ito. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis, eh.Dahil base sa sinabi ng mga babaeng iyon, hindi umubra ang f*ck and run sa kanya. Dahil mas lalo itong naghigpit at naging demanding simula ng may mangyari sa kanila. Napakaseloso rin nito. Could it be a sign that he's falling for her too?
Malabo naman yata.
Lumabas na siya pagkatapos masigurong maayos pa rin ang kanyang itsura. Buong kumpiyansa siyang naglakad patungo sa mesa nila. Nakita naman niyang umaliwalas ang mukha ng binata ng matanawan siya. Tumayo ito upang salubungin siya.
 Agad nitong pinagsiklop ang kamay nila bago siya iginiya nito palas kung saan nakaparada ang motorsiklo nito. Isinuot nito sa kanya ang helmet bago ito naupo sa unahan. He guided her hands unto his waist.
            "Uwi na ba tayo?" she asked.
           "Bakit? May gusto ka bang puntahan natin?" 
Binuksan niya ang face shield ng suot niyang helmet. "Pagod na ako, eh. Pwede bang umuwi na lang tayo?"
            "Sure baby."
Masarap sa pakiramdam ang hanging malamig na tumama sa katawan niya habang binabagtas nila ang kahabaan ng daan pabaki ng San Agustin. Maganda sa paningin ang mga alitaptap na nakikita niya sa mga punong nadadaan nila.Nakakakalma sa pakiramdam.
           "Hey! Slowdown..." Saway niya sa binata ng maramdamang bumilis ang takbo nila.
Ramdam niya ang tensiyon sa katawan ng binata. Alam niyang may mali. Nang tingnan niya ang side mirror ng motor nito, a black BMW is chasing them. Pamilyar ang sasakyan ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita.
A loud screeching of tires filled the road. Wala pa namang gaanong dumaraan na sasakyan sa parteng iyon kaya nakaramdam siya ng takot. Mabilis na bumaba sa motor si Alejandro, hinapit siya nito at niyakap nang mahigpit. Narinig niya ang pagkasa ng baril sa kanyang tagiliran. Nang tingnan niya, Alejandro was already holding a gun.
Teka...Papaanong nagkaroon ito ng baril?
Yumakap siya ng mahigpit sa binata ng makita niyang bumukas ang unahang bahagi ng BMW. Fear consume her when she saw the silhouete of a man holding a MAC 10 gun. Naglakad ito papalapit sa kanila.
            "Let go of my sister, Martinez!" Umalingawngaw sa kadiliman ng gabi ang boses ng taong huli niyang maiisip na nasa kanyang harapan ngayon.
            "Kuya... " bulong niya nang makita ang mukha ng estrangherong humarang sa kanila. And to her horror, itinutok nito ang dalang baril kay Alejandro.






ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon