3

2.1K 86 9
                                    

Inis na kinapa ni Rosaline ang cellphone niya ng panay ang pagtunog noon. Nang silipin niya ang oras, alas nueve pa lamang ng umaga. Antok na antok pa kasi siya. Alas singko na yata siya nakatulog dahil sa dami ng orders na cake sa kanya.

Kung sino ka mang tumatawag, you better be a good news, piping sigaw ng kanyang isipan.

"Hello," sagot niya. Unti-unti namang nanlaki ang kanyang mga mata ng maunawaan ang sinasabi ng kausap niya. Nadinig yata ng Panginoon ang kanyang panalangin dahil good news nga ang dumating. It was the Mayor's secretary informing her na isa siya sa nakapasa as one the municipals scholars. Nawala lahat ng antok niya dahil sa narinig. Kahit pa nga siguro wala pa siyang tulog ay mabubuhayan siya dahil sa magandang balita na kanyang narinig. Bukas na bukas ay kinakailangan niyang magpunta ng munisipyo at magkakaroon daw ng orientation regarding sa lahat ng mga nakapasa. Wala siyang ginawa kundi magpasalamat dahil sa biyayang kanyang natatanggap. Napakalaking tulong kasi noon sa kanya. Masyado kasing magastos ang kursong kinuha niya kaya lahat ng posibleng malapitan niya ng tulong ay talagang pinupursige niya. Kita mo nga naman, nakakuha siya ng financial assistance galing sa munisipyo. Well, babayaran din naman niya iyon pagkatapos. Ang mahalaga ngayon, hindi na niya kailangang ipagbili ang bahay na iniwan ng kanyang ina sa kanya.

Masigla siyang bumangon at agad na naligo. Balak niyang pumunta ng simbahan upang magpasalamat sa biyayang natanggap niya ng araw na iyon.

Naging maayos at masaya ang kanyang maghapon dahil bukod sa magandang balita na kanyang natanggap, lahat ng pre-order cake na ginawa niya ay nakuha na lahat. May bunos pang kasama mula sa kanyang loyal buyers. Kung tutuusin ay inumpisahan niya ang pagbe-bake as a hobby pero kumukita na rin siya kahit papaano. Tulong na rin sa kanyang daily expenses. Kung hindi lang siguro sa lasenggo at babaero niyang ama, malamang may ipon pa siya kahit paano.

"Erase! Erase!" bulong niya sa sarili ng magsimulang magbaliktanaw ang kanyang isipan. Ayaw muna niya ng negative vibes ngayon. Dapat happy lang. Huminga siya ng malalim upang payapain at pagaanin ang emosyon niya. Sumakay siya sa kanyang kotse at pinaandar iyon pauwi ng bahay. Kailangan niyang makapagpahinga ng maaga. Time for her beauty rest.

Maaga siyang nagising ng umaga iyon. Nauna pa nga siyang magmulat ng mata bago ang itinakda niyang alarm sa cellphone. Natakot kasi siyang hindi magising ng maaga, parang mantika pa naman siya kung matulog. Nang tingnan niya ang orasang nakasabit sa dingding, it says 5:30 in the morning. Marami pa siyang oras para mag-ayos at maghanda. Lahat naman ng mga kakailanganin niya ay naihanda na niya kagabi pa.

Ipinasya niyang isangag na lang ang natira niyang kanin kagabi para sa almusal niya. Nagprito na lang siya ng hotdog at itlog tsaka nagtimpla ng paborito niyang hot choco. Pagkatapos niyang kumain ay naligo na siya at nagbihis, and then she's ready to go. Sinipat ulit niya ang sarili an hour before she left, at nang masiguro na okey na ang lahat ay lumabas na siya at sumakay sa kanyang kotse.

The moment she steps inside the auditorium where the orientation is to be held, she only saw a few.

"Kakaunti lang yata ang pinalad ngayong taon," bulong niya sa sarili. Inilibot niya ang paningin. May mga namataan siyang pamilyar na mga mukha. Nagulat pa nga siya ng makitang naroroon din ang maarteng babae na nasa kanyang unahan noong nakapila pa sila para magpasa ng mga requirements. As usual, pa-bida at maarte pa rin.

"Good morning everyone! I am Mrs. Cruz, Mayor Alejandro's secretary. Please have a seat everyone so we can proceed. As we all know, all of you are gathered here today for the Annual Scholarship Orientation. Ibig sabihin noon, lahat kayo ay pumasa sa required criteria para mabigyan ng financial assistance galing sa munisipyo. Ito ay dahil sa kabutihang loob ng ating mahal na Mayor. Marapat po na siya ay ating pasalamatan. Without farther ado, let us all welcome, Mayor Alejandro Martinez!"

ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon