Nagising na lamang si Rosaline sa isang hindi pamilyar na silid. Agad siyang naging alerto ng maalala ang nangyari. Sinuri niya ang sarili kung may kakaiba siyang nararamdaman o di kaya ay may iba siyang napansin sa sarili. Nakahinga siya nang maluwang ng mapagtanto na wala naman siyang dapat ipag-alala.
But her heart beats faster than the usual nang makita niyang nakaupo sa isang single sofa si Alejandro. He was watching her every move. Nagsimulang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang magtama ang kanilang mga mata. Hindi na niya alam kung natatakot ba siya o nako-conscious lang sa uri nang tingin nito sa kanya. Hindi niya kasi ini-expect ang ganoong klase ng tingin nito sa kanya. He's looking at her as if he's longing for her.
Nakita niya kung paanong nagtaas-baba ang adams apple nito while his breathing became uneven.
"I'm s-sorry if I brought you here.Hindi ko kasi alam ang kwarto mo," sambit ni Alejandro. Hindi nito maalis ang titig sa dalaga sa takot na bigla na lang itong mawala. Kahit pagkurap ay natatakot siya. Na baka wala na ito sa kanyang paningin.
Hindi naman magawang sumagot ni Rosaline. Nililis niya ang kumot na nakapaikot sa kanyang katawan. Kanina pa niya gustong lumabas sa kwarto ni Alejandro.
"Baby girl- " tawag nito sa kanya.
Matalim niya itong tiningnan. "Stop calling me that! Nawalan ka na nang karapatan na tawagin ako sa ganyang pangalan ng pinili mong saktan ako!"
Ramdam niya ang pagragasa ng kanyang emosyon. Dali-dali niyang dinampot ang sling bag sa gilid ng kama tsaka siya nagmartsa palabas ng silid nito. Ngunit naging mabilis ang kilos ng binata, nayakap siya nito sa likod.
Bigla siyang nanigas. Natakot. Alam niyang ramdam ni Alejandro ang panginginig niya dahil panay ang hingi ng tawad nito. Pati yakap nito sa kanya, humigpit lalo. Ramdam din niya ang takot sa yakap at boses nito. Oo, pareho silang takot ngayon. Isa lang ang alam niya, she has already moved on. Tanging takot na lamang ang nararamdaman niya sa lalakeng dati niyang naging mundo. Subalit agad na kumontra ang isang bahagi ng kanyang isipan? Naroon ang mga tanong. Takot nga ba siya kay Alejandro dahil nasaktan siya nito o takot siya kasi hanggang ngayon, sa kabila ng lahat nang mga nangyari, mahal niya pa rin ito.
"Bitaw na." She said, her voice just enough to hear what she said.
Nang hindi pa ito bumitaw sa kanya,binaklas niya ang magkabila nitong braso na nakapulupot sa baywang niya.
"I love you..dito ka lang please! Baby girl, please..." Panay ang pakiusap ni Alejandro. Ni hindi na niya namalayan na nasabi na niya ang tatlong salita na dapat noon pa niya nasabi kay Rosaline.
Kusa namang tumaas ang kamay ng dalaga patungo sa pisngi ni Alejandro nang marinig niya ang sinabi nito. Ramdam niya abg pananakit ng palad niya na dumapo sa pisngi nito.
Just how dare he say those words at her? Ganoong lang ba kadali para dito na magsinungaling just to have her again? Sa tingin ba nito, madadala ulit siya sa matatamis nitong salita?
Paulit-ulit niyang dinuro-duro ang dibdib ng binata. "Don't you ever say those words again dahil hindi mo alam ang intensity ng salitang iyon? You love me? Really?" Mapaklang tumawa ang dalaga. "Huwag mo akong pinatatawa Alejandro! Dahil alam nating dalawa kung ano lang ang habol mo sa akin? Paulit-ulit mo na naman akong naangkin, so why bother me now? Hindi ka pa ba nagsasawa sa akin? Hindi ka ba makuntento sa mga babae mo?"
Hindi alam ni Rosaline kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na sabihin ang lahat ng iyon. Ang kaninang takot na nadarama niya ay napalitan na ngayon ng galit. Galit at sama ng loob ang sabay niyang nararamdaman ng mga oras na iyon plus the agony that he had inflicted years ago. Lahat ng iyon ay nasa puso niya hanggang ngayon.
Panay naman ang sunod ni Alejandro sa dalaga. Everytime that he would touch her, pumipiksi ito at lumalayo sa kanya. Kabaliktaran sa dating Rosaline na gustong-gustong nakasiksik palagi sa kanya. And its killing him. Nasasaktan siya sa tuwing umiiwas ito na para bang diring-diring na mapadikit sa kanyang balat.
"Rosaline, baby," Panay ang tawag ni Alejandro sa dalaga. Hindi rin niya kasi alam kung ano ang sasabihin dito dahil alam niyang kahit anong paliwanag ang gawin niya, he can't justify his wrongdoings.
Hindi inasahan ni Rosaline ang sunod na ginawa ni Alejandro. He kneeled down habang nakayapos ito sa kanyang binti. Hindi niya alam kung matatawa ba o maiinis sa iginawi nito. Naalala niya bigla ang anak.Katulad na katulad din sa ama nito kapag may nagawang kasalanan.
Nang tingnan niya ang mukha ni Alejandro, nakikita niya si Zaffiro dito. Napiling na lang siya.
"Tumayo ka diyan, Alejandro. I'm not a saint para luhuran mo!" angil niya dito. Hinawakan niya ang manggas ng t-shirt nito para hilahin ito patayo but he chooses to stay that way. Nakakapika lang.
"Pinagsisisihan ko lahat ng mga maling ginawa mo sayo but I will never regret those days na masaya tayong magkasama.Iyong lang ang baon ko araw-araw to keep myself sane." Tumayo na rin ang binata. Nakita niya kasi kung paanong nanlisik ang mga mata ni Rosaline sa kanya. "Hindi mo man ako mapatawad ngayon, hinding-hindi ako susuko kahit anong mangyari!"
Napailing si Rosaline. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis kay Alejandro, eh.
Bahagya niya itong itinulak nang tangkain nitong yakapin siya. Tuluyan na nga atang nawala ang takot niya ukol dito. Siguro nga, takot lang siya sa mga bagay na mangyayari pa lamang. Nakakainis mang aminin ngunit sadya marupok siya.
"Why are you pestering me, now, Alejandro? Nanahimik na ako, eh," inis na saad ng dalaga.
Alejandro looked like hell. Pati puso niya, hindi na normal ang tibok ng mga oras na iyon. Mabilis ang tibok noon, na para bang sayang-saya niya pero naroon ang takot at the same time.
"Hindi mo ako madadala sa mga paluhod-luhod mo, Alejandro! You have all the time to show me how you feel about me pero hindi mo ginawa because you were so full of yourself that time! Hindi ka nga naniniwala sa pag-ibig dati, eh, so why bother now? Sa tingin mo maniniwala ako ngayon? Think again!" Nasapo ni Rosaline ang kanyang dibdib nang makaramdam ng paninikip ng hininga. Ito na nga ang sinasabi niya, eh.That Alejandro would just give her more pain.Kanina pa niya pinipilit kalmahin ang sarili nang maramdaman niyang nahihirapan siyang huminga. Napasandal siya sa dingding, doon kumukuha ng lakas.
Taranta namang lumapit si Alejandro nang makita niyang nagtataas-baba ang dibdib ng dalaga habang may kung anong dinudukot ito sa bag.
"W-what's happening? Baby..." Inalalayan ng hinata si Rosaline na maupo sa kama. Pinakialaman na rin niya ang bag nito at tiningnan kung ano ang dinudukot nito roon. Agad niyang kinuha ang isang maliit na botelya na may lamang mga maliliit na tableta. Pilit iyong inaabot ng dalaga. Siya na ang kusang nagbukas ng bote at kumuha ng isang tableta. Nakita niya kasi na para iyon sa hika nito.
Nanatiling nakaluhod si Alejandro sa harapan ng dalaga. Hindi siya aalis sa tabi nito hangga't hindi niya ito nakikitang maayos na. Nakahinga lang siya ng maluwag nang makitang maayos na itong nakakahinga. Tatayo sana ito para abutin ang bag nito dahil kanina pa iyon tumutunog ngunit naunahan na niya. Matigas din kasi ang ulo, eh. Muntik pa ngang matumba sa pagtayo pero mas inuunan pang kunin ang cellphone kaysa sa sarili nito.
Inis niyang sinagot ang tawag noon without looking at the caller.
"Hello, Mommy? Sobrang miss na kita. Kailan ka po ba uuwi? Isama mo si Daddy Alejandro ko, ha?I love you po, Mommy ko." Sunod-sunod na sambit ng isang bata sa kabilang linya. Paulit-ulit nitong sinasambit ang salitang mommy.
BINABASA MO ANG
ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIAN
RomanceALEJANDRO, the damn arrogant Mayor of the town. Rude and intimidating. But what lies behind his deep brown eyes that only Rosaline could see? ROSALINE is naughty and a pain in the ass as Mister Mayor always calls her. Really? Then let the...