Nagpupuyos ang kalooban ni Rosaline ng makapasok siya sa kwarto nilang mag-ina. Naiinis siya! Nahihiya rin. Pakiramdam niya, sinisilaban ng apoy ang buo niyang katawan dahil sa sobrang kahihiyan. Ang lakas ng loob ni Alejandro na sabihin ang mga katagang 'yon!
We made love three times in a row! She might get pregnant. And that I wish to marry her right away! Ang lakas ng loob nitong sabihin iyon sa harapan ng kanilang magulang.
Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa dahil mahimbing nang natutulog si Zaff sa ibabaw ng kama nila. Umupo siya sa gilid noon para lang magitla nang biglang may kumatok sa pintuan. Kasunod noon ay ang pagtawag ni Alejandro sa kanya.
"Open the door, baby," sambit nito sa labas ng pinto.
Naglakad siya patungo sa pinto saka pabulong na nagsalita, "Siraulo! Umalis ka na at baka kung ano pa magawa ko sa'yo!"
"Baby," tawag ulit nito.
"Kapag nagising ang anak ko, Alejandro, malilintikan ka talaga sa 'kin!" she hissed at him.
Buong akala niya, umalis na ito dahil wala na siyang naririnig sa labas. Subalit ng buksan niya ang pinto dahil kukuha siya ng tubig sa kusina, nagulat na lang siya sa biglang paghaklit ni Alejandro sa baywang niya saka mabilis na pumasok sa kwarto nila.
"Ano ba, Alejandro! Bitiwan mo nga ako!" Impit niyang tili habang pilit na kumakawala sa pagkakayapos nito sa kanyang baywang.
Subalit mas lalo lang siyang nitong hinapit palapit sa dibdib nito saka pabulong na nagsalita sa may punong-tainga niya, "Sshh, baby. Zaff might hear us."
Mariin niyang nakagat ang ibabang labi upang hindi mapasigaw dahil sa sunod nitong ginawa. His lips were now tasting her shoulders and her neck. Samantalang ang isa nitong kamay ay naglilimayon na sa kanyang pang-upo.
"Alejandro-"
Hindi niya magawang tapusin ang kanyang sinasabi dahil sinakop na nito ang kanyang mga labi. Mapang-angkin at mariin ang mga halik nito sa kanya. Kung hindi pa niya ito itinulak, baka kapusin na siya ng hininga.
"I love you. I love you, baby," paulit-ulit na sambit ni Alejandro.
Pilit naman siyang umaalis sa pagkakayakap nito ngunit hindi talaga siya nito pinakakawalan.
"Bakit ba kasi nandito ka? Kapag nakita ka rito ng Papa at ni Kuya, mabubugbog ka na naman!" yamot niyang sabi rito.
Bumitiw ito sa pagkakayakap sa kanya pagkatapos ay sinapo nito ang magkabila niyang pisngi. "Baby, mas lalo akong mapapahamak kapag umalis ako rito.""What do you mean?" takang tanong niya.
"Kapag umalis ako dito, baka hindi ko na kayo makita ulit. Saka, baka hindi na lang sapak ang abutin ko sa tatay at kuya mo." Animo batang sumbong ni Alejandro sa kanya.
"Diyan ka lang!" Utos niya sa binata saka nagmamadaling lumabas ng kwarto nila upang kausapin ang kanyang papa at kuya.
Walang nagawa si Alejandro kundi sundan ng tanaw si Rosaline. Naiwan siya roong samu't sari ang tumatakbo sa kanyang isipan. But nonetheless, nakahanda siyang magpaalipin sa papa at kuya nito kung ang kapalit naman ay panghabang-buhay na pagsasama nila.
Samantala, naabutan naman ni Rosaline ang kanyang papa at kuya na kasalukuyang nagkakape sa kusina.
"Pa! Bakit naroon sa itaas si Alejandro?" tanong niya agad sa ama.
"At bakit hindi? Tutal naman, sa madaling panahon ay ikakasal na kayo?" saad nito na para bang hindi big deal ang usapang iyon. For goodness sake! It was Alejandro!Nang lingunin niya ang kanyang kuya, mataman lang itong nakatitig sa kanya.
"What?" maang nitong tanong. "Di ba mahal mo pa rin ang gagong 'yon? Kaya dapat kang matuwa na sa kabila ng lahat ng mga ginawa niyang pananakit sa'yo, kayo pa rin sa huli."
"What's wrong with the two of you?" Hindi niya napigilan ang pagtaas ng kanyang boses. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Pagkuwan ay tumuon ang kanyang tingin sa kanyang Kuya Michael. "You! Pwede ba, Kuya, stop putting words on my mouth! Kung makapagsalita ka, akala mo, ikaw ang sinaktan ah!"
"Tumigil na nga kayong dalawa! Tumataas ang dugo ko sa bangayan niyo, eh," sabad ng kanilang ama. Tumuon ang mga tingin nito sa kanyang kuya saka nagsalita, "Ikaw naman, itigil mo na 'yang bibig mo kasi hindi 'yan nakakatulong. Saan ba makakarating 'yang galit mo kay Alejandro? Sa tingin mo, anong mararamdaman ni Zaff kapag nalaman niyang ganyan ang tingin mo sa tatay niya."
Natahimik naman si Michael. Naalala niya ang galit sa mga mata ng pamangkin ng magkapagsalita siya ng hindi maganda sa ama nito. What more kapag nalaman nitong binugbog niya si Alejandro.
"And you," Tumingin ang muna ang kanyang ama sa kanya, "huwag mo akong paandaran ng mga kaartehan mo, Rosaline, ha? Huwag mong itanggi sa harapan ko na hindi mo na mahal si Alejandro dahil hindi ko bibilhin ang palusot mo," naiinis nitong sambit. "At pwede ba, hbuwag niyo na akong paikot-ikotin sa nangyayari sa inyong dalawa dahil alam naman nating gusto niyo pa rin ang isa't-isa. Kung mahal, mahalin mo lang. Huwag paulit-ulit na ibalik ang nakaraan kung nakahanda naman kayong bumuo ng mga panibagong alaala."
"Oh, God!" Michael groaned as he gives that look to their father. Na para bang diring-diri sa mga salita ng papa nila. "Oh common, Pa! Huwag mong sabihing pati ikaw ay magdra-drama na rin?" Huminga ito nang malalim saka nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang mag-ama. "Sa inyo pala nagmana si Rosaline, eh!"
Sinamaan ito nang tingin ng dalaga. Kahit kailan talaga, madali siyang mainis sa mga sinasabi ng kanyang kuya.
"Ewan ko sa inyo! Bahala nga kayong dalawa!" naiinis niyang sambit. Mukha kasing wala namang patutunguhan ang pag-uusap nilang iyon dahil nararamdaman niyang buo na ang desisyon ng kanyang ama na ipakasal siya kay Alejandro.
Pagkabalik niya sa kwarto nilang mag-ina, agad siyang humiga sa tabi ng anak. Si lejandro naman ay nasa beranda ng kanyang kwarto habang may kausap sa telepono. Marahil ay naramadaman nito ang kanyang presensya kaya lumingon ito sa gawi niya. Inirapan niya lang ito ng ngumiti ito sa kanya.
Tumagilid siya sa pagkakahiga, payakap sa anak na natutulog na. Maya-maya, kusa nang bumabagsak ang talukap ng kanyang mga mata. Kanina pa naman kasi siya inaantok, eh. Pero kung kailan mawawala na ang diwa niya, saka niya naramdaman ang paglundo ng kama sa likuran niya. Kasunod noon ay naramdaman niya ang pamilyar na amoy ni Alejandro. She could feel his warm breathing on her nape. And then his hands traveled down from her breasts down to her abdomen and then it settled in between her thighs.
"Stop it, Alejandro," usal niya nang pabulong. "Inaantok na 'ko, eh."
"Hmm? What did you say, baby girl?" anas ni Alejandro sa punong tainga ng dalaga. "You want something, hmm?"
Pilit tinatanggal ni Rosaline ang kamay ng binata sa kanyang sentro subalit tila ba naka-magnet na iyon doon dahil hindi man lang gumalaw ang kamay nito ng tangkain niyang tanggalin iyon.
"Huwag nang malikot, baby. Baka magising si Zaff." Sunod-sunod naman ang ginawang paglunok ng binata dahil ramdam na ramdam niya ang sentro ni Rosaline sa kanyang mga kamay. "Payagan mo na ako, okey? I love it. Damn!" He even hissed because he could feel how ready she is for him pero hindi niya ityo pwedeng pilitin kung ayaw nito.
Mabuti na lang at hindi na ito nakipag-argumento pa. A contented and happy smile formed on his lips as he slowly drifted to sleep.
BINABASA MO ANG
ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIAN
RomanceALEJANDRO, the damn arrogant Mayor of the town. Rude and intimidating. But what lies behind his deep brown eyes that only Rosaline could see? ROSALINE is naughty and a pain in the ass as Mister Mayor always calls her. Really? Then let the...