6

1.9K 93 20
                                    

Naging sobrang abala nila ng araw na iyon dahil pagkatapos ng meeting nito kasama ang lahat ng mga kapitan ng bawat barangay ay nagsunod-sunod ang mga event at meetings nito. Kasalukuyan silang nasa panghuli nitong schedule for the day, ang pasinaya sa bagong patayo na ospital sa kanilang bayan. Labis ang katuwaan niya ng mabalitaan niya ang naturang proyekto dahil malapit iyon sa kanyang puso. Eversince she was a kid, she always dreamed of working in a hospital where she could serve as a doctor specializing on internal medicine.

Pasimple niyang hinimas ang nananakit na binti sanhi ng matagal niyang pagkakatayo.

"Tired already?" She heard a voice coming from behind. A good-looking man was smiling at her. He looks neat and clean but he doesn't give her that vibe and "kilig" she had whenever Alejandro is around.

Teka nga lang. Bakit napasok si Alejandro sa isip niya samantalang ibang lalake ang nasa kanyang harapan?

"A little bit, but I'm fine," matipid niyang sagot. Ayaw niya sana itong kausapin ngunit baka magmukha namang siyang bastos.

"I'm Antony by the way. And you are?" Inilahad nito ang kamay sa kanya. Atubili siyang tanggapin iyon dahil nasa trabaho siya. Nang sulyapan niya si Alejandro ay matiim ang pagkakatitig nito sa kanya. His eyes screams danger lalo na ang kamay nitong mahigpit ang pagkakahawak sa bote ng tubig. Maya-maya lang ay ito na mismo ang nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Rosaline...Rosaline Acosta," sagot niya. Kinamayan na din niya ito. Ramdam niya ang pagpisil nito sa kanyang kamay kaya agad niyang binawi iyon.

Nakita niya ang pagngiti ng kaharap. Humakbang ito palapit sa kanya. "You're so cute."

Pa-simple siyang lumayo rito. Nayabangan siya agad dito at hindi niya maintindihan ang naramdaman ng pisilin nito ang kanyang kamay kanina. Parang kinilabutan siya.

"You're new here? Ngayon lang kasi kita nakita eh."

Alumpihit siya sa kanyang tayo. Hindi niya gusto ang vibe ng lalakeng ito. Pakiwari ba niya ay may hindi ito gagawing maganda sa kanya.

"Miss Acosta...." Hindi man siya lumingon ay alam niyang si Alejandro ang tumawag sa kanya.

"Yes, Mister Mayor! May kailangan po ba kayo?" Bahagya siyang tumango kay Anthony bilang pamamaalam dito. Agad siyang sumunod sa tupakin niyang amo na malayo na agad ang narating. Kinakailangan niya tuloy lumakad-takbo upang makahabol dito. Sa iksi ng kanyang mga biyas, kinakailangan niyang bilisan upang makaagapay sa lakad nito. Lalo tuloy nanakit ang kanyang binti.

Nagulat siya ng bigla itong huminto at humarap sa kanya. "Are flirting with Anthony? May I remind you Miss Acosta. It's still office hours at may trabaho kang dapat gampanan."

Halos lumuwa ang kanyang mata dahil sa sinabi nito. "Paano ako makikipag-flirt sa lalakeng iyon?Mukhang manyakis 'yon ah! Mister Mayor, may taste naman ako no! My goodness, mukha lang malinis sa katawan pero 'yong mata, the way he talks and his body languages, nagsusumigaw ng kamanyakan! Hindi pa ako nasisiraan ng bait para patulan ang lalakeng 'yon.

Alejandro burst out laughing. Kahit pa nga nasa loob na sila ng sasakyan nito ay hindi nito mapigil ang pagtawa. Kahit si Carlo ay halatang nagulat na nakitang tumawa ang amo nito ng ganoon. Na para bang isang malaking himala ang nangyari.

Hawak-hawak nito ang panga ng tumingin sa kanya. Pigil pa rin ang pagtawa. "You are really something, Miss Acosta. Pati ba naman iyon ay napansin mo kay Anthony? Unang beses niyo pa lang na nagkita pero para bang kilalang-kilala mo na siya base sa naging description mo sa kanya."

Nagkibit-balikat siya. "Alam ko ang likaw ng bituka ninyong mga lalake, Mister Mayor. Isa yata sa hidden talent ko ang bumasa ng pagkatao ng isang tao kaya sorry na lang siya, alam ko na agad ang hilatsa ng pagkatao ng Anthony na iyon. F*ck and run lang ang gusto noon."

ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon