34

1.8K 89 12
                                    

     Habang nasa biyahe sila pabalik ng bahay, wala silang imikan habang nasa sasakyan. Ngunit kahit wala mang nagsasalita sa kanila, mukhang nagkakaintindihan na sila.
 Pinanatili ni Rosaline ang kanyang tingin sa kalsada. Hindi siya makatingin ng tuwid kay Alejandro. Nahihiya siya. She was so aggressive earlier that she had already thrown all her inhibitions. Naalala niya bigla kung paano siya humalinghing at umungol kanina. God! Ramdamniya ang pamumula at pag-iinit ng kanyang mukha. 
         "Baby," 
Napalingon siya sa binata ng magsalita ito.
          "Are you alright? Kanina ka pang tahimik ah," tanong nito sabay gagap sa kanyang kamay na nasa ibabaw ng kanyang hita. 
           "I'm fine," maikli niyang tugon.
Marahil hindi  nakuntento si Alejandro sa sagot niya kaya itinigil nito saglit ang sasakyan sa gilid ng kalsada. 
           "Tell me, baby, hmm? What's wrong?" malambing na tanong ni Alejandro. 
Napayuko ang dalaga. Hindi niya alam kung mahihiya ba o matutuwa sa mga nangyayari ngayon. Parang kinain niya kasi lahat ng sinabi niya noon na pahihirapan niya si Alejandro pero heto siya, kaunting lambing lang nito, bumigay na agad.
Naramdaman niya ang kamay ni Alejandro sa may baba niya, pilit itinataas ang kanyang mukha upang matitigan siya nito.
          "Spill it, baby. Come on," pangungumbinse pa niya ngunit panay lang ang iling nito. Maya-maya, nakita na niyang nag-uunahan na ang mga luha sa pisngi nito. 
Mabilis niyang tinanggal ang kanyang seatbelt upang mapalapit dito. Dumukwang siya upang yakapin ito ng mahigpit, aluin at sabihing naroon lang siya sa tabi nito. At kung may dapat mang mahiya, siya dapat 'yon.
         "Shh, shh. Stop crying, baby. You're making me worried." Panay ang haplos ni Alejandro sa likod ng dalaga, umaasang huhupa agad ang emosyon nito. Kinakabahan kasi siya. Hindi niya kasi alam kung bakit ito umiiyak, eh. Besides, it just hurt him more seeing her cry. 
Sa huli, hinayaan niyang umiyak ito nang umiyak. Kalaunan ay tumigil din ito, medyo maaliwalas na ang mukha pero hindi pa rin siya nito kinakausap. 
         "Gutom na 'ko," maya-maya lang ay bulong nito. May bahid ng hiya ang mukha nito.
Lihim naman siyang nagpasalamat. Kung hindi pa ito nagutom, malamang hindi pa rin siya nito kakausapin.
He droved the car to the nearest restaurant, just a few minutes away from his place. Pagkarating nila, mabilis siyang bumaba  ng sasakyan tsaka tinungo ang side ng dalaga saka ito pinagbuksan ng pinto.
           "Alejandro, ang kamay mo naman," may bahid ng angal at hiya ang boses ng dalaga ng magsalita. Nakapulupot kasi ang kamay ni Alejandro sa kanyang baywang habang naglalakad sila papasok ng restaurant. 
            "There's nothing to be ashamed of, baby. And besides, I like this. Being this close to you." Hindi nga nahihiya ang binata kahit pa pinagtitinginan sila. Hindi na rin siya nagreklamo lalo na at nakita niya kung paanong tingnan ng ibang babae si Alejandro.
Habang kumakain sila, walang ginawa si Alejandro kundi ang pagsilbihan siya at titigan. Naroong, nako-conscious siya dahil sa mga titig nito ngunit wala siyang magawa upang pigilan ito. He's such a hard-headed male species. Katulad pa rin ng dati.
          "Kumain ka na, please," pabulong na pakiusap ni Rosaline. Gutom na siya pero hindi niya ma-enjoy ang kanyang kinakain dahil nako-conscious siya sa mga titig ni Alejandro. "Alejandro naman, eh..."
Natawa na lang si Alejandro ng makita kung paanong pamulahan ng mukha ang dalaga. Sinugod na na alng niya ito dahil baka magalit na naman ito sa kanya. Kanina pa masama ang tingin sa kanya, eh.
         "I love you," bulong niya bago sumubo ng pagkain. "I love you so much, baby girl."
Tumigil sa pagkain ang dalaga pagkatapos ay tinitigan si Alejandro. He still looks handsome and naughty, just like before. Malandi pa rin.  But there is something in his eyes that caught him. Katulad ng dati, may nakikitang siyang lungkot at kakulangan doon. Mas lumala pa yata ngayon, eh. Pero kung ang pagbabasehan ay ang mga kilos nito ngayon, masasabi niyang malaki na nga ang ipinagbago nito. Subalit, sapat na na ba iyon upang bigyan niya ulit ito ng chance sa buhay niya?
Pero, sh*t lang talaga! Ang gwapo kasi nito, eh! Tapos anglabi nito, palagi niyang nai-imagine na sakop ang kanyang labi o di kaya, naglilimayon sa buo niyang katawan. Ang mga braso nito, God! Gustong-gusto niyang niyayakap siya nito dahil kahit nasaktan siya nito noon, sa mga bisig pa rin nito siya nakararamdam ng kapanatagan. Bahagya naman siyang napalunok ng maalala ang mainit na tagpo na namagitan sa pagitan nilang dalawa. Goodness! Makailang beses niyang narating ang ligaya sa piling nito. And now, she could feel the dampness in between her thighs. Lalo na at nararamdaman niya ang mabining paghagod ng paa ni Alejandro sa parteng 'yon.
She hissed at him. Pero ang loko, nagpatuloy lang sa pagkain, akala mo walang ginagawang kalokohan sa ilalim ng mesa.
         "Alejandro!" saway niya rito.
          "Yes, baby? Do you need anything?" tanong nito na may nakakalokong ngiti sa mga labi.
          "Tigilan mo 'yang kalandian mo. Sisipain ko 'yang harapan mo, makikita mo!" 
Bigla itong tumuwid sa pagkakaupo, saka yumukod at pabulong na nagsalita, "Huwag naman, baby. Mawawalan na tayo ng kaligayahan nito."
           "Buwisit ka talaga!" naiinis na sambit ng dalaga. Kahit kailan talaga, magaling mang-inis ang siraulong 'to. 
           "I love you," usal nito habang masuying nakatitig sa kanya.
           "Ewan ko sa'yo! Kumain ka na nga diyan!" Patay malisya niyang sabi, kunwari hindi apektado sa paulit-ulit na pagpapahayag nito ng pagmamahal sa kanya. Pero alam niyang sa loob-loob niya, she's still deep into him. That she still loves him despite everything. At kung totoo man ang sinasabi nitong mahal siya nito, sana mapanindigan nito dahil baka hindi na niya kayanin pang masaktan ulit lalo na kung ito ang dahilan.
Pagkatapos nilang kumain, niyaya na niya itong bumalik sa bahay nila. Siguradong hinahanap na sila ng matatanda. 
Hindi nila inaasahan na sa ilang oras nilang pagkawala, naroon pa ang lahat at mukhang kanina pa sila hinihintay. Ang kanyang Papa Arnulfo ay masama ang tingin sa kanila habang ang kanyang Kuya Michael, kita niyang namumula na sa galit ang buong muha. Alam niyang anytime soon, maaaring sumabog ang galit nito.
         "Saan kayo galing?" Malumanay ngunit puno nang awtoridad ang boses ng kanyang Papa ng magsalita ito.
Hindi makasagot si Rosaline. Hindi niya maaaring sabihin kung saan sila galing. Pagkuwan ay bumaling ito kay Alejandro ng hindi siya umimik. 
           "Saan kayo nanggaling, Alejandro?" tanonmg ulit ng kanyang Papa. "I want an honest answer. Sa sagot mo nakasalalay kung itutuloy ba namin ang kasal niyo ni Rosaline o hindi kaya ayusin mo ang sagot mo!"
Napalunok si Alejandro dahil sa kaba subalit ng makita niyang nahihintay ng sagot ang lahat, pilit niyang pinatatag ang expression bago nagsalita, "Rosaline and I have...I mean we've-"
         "Ayusin mo ang sagot mo!" hiyaw ni Arnulfo.
         "We went to my place earlier. We made love three times in a row. With no protection. Kaya nagmamakaawa po ako sa inyo na payagan niyo na po akong pakasalan ang anak niyo dahil malaki ang tendency na mabuntis siya ulit." Dire-diretso ang mga salita ni Alejandro. Nang makita niya ang expression ng mga kaharap, noon lang niya napagtanto ang mga sinabi. 
Nang sulyapan niya si Rosaline, doon na siya tuluyang kinabahan. Lalo na ng damputin nito ang isang figurine sa tabi nito saka inihagis sa direksyon niya. Mabuti na lang at nakailag siya kung hindi, sapol siya sa mukha. Akma niyang hahabulin ito ng magtatakbo ito paakyat sa kwarto nito ngunit naharangan siya ni Arnulfo at ni Michael na mukhang anumang oras ay kakatayin na siya.

ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon