Hindi magawang sagutin ni Alejandro ang tanong na iyon ni Rosaline. Alangan namang sanihin niyang ang kuya nito ang may kasalanan kung bakit may pasa siya sa mukha at nananakit ang buo niyang katawan dahil sa pambubugbog nito sa kanya kagabi. Kung hindi lang umawat si Seb tsaka si Alexander, baka tinuluyan na siya nito. Hindi naman niya ito masisisi, eh. Sinaktan niya ang kapatid nito kaya naiintindihan niya ang galit nito sa kanya dahil kung siya man, galit sa sarili niya dahil nagawa niyang saktan ang babaeng nagpakita ng tunay na pagmamahal sa kanya.
"What happen to your face?" tanong ulit ni Rosaline.
Umiling lang si Alejandro, "Nothing serious."
Napakunot ang noo ng dalaga, napapailing dahil mukhang alam na niya kung sino ang may kakagawan ng mga pasa nito.
Pasimple naman niyang inalis ang kamay nitong nakapulupot pa rin sa kanyang baywang. She's not liking the sensation it brings. Nakakatakot. At nakakadarang.
Itinuro niya ang isang silyang naroon, "Umupo ka roon. Gagamutin ko ang mga sugat at pasa mo."
"No need. Bearable naman ang sakit," sagot nito.
Mabilis na lumipad ang kamao ng dalaga patungo sa mukha ni Alejandro na ikinagulat nito.
"Ouch! Why did you do that?" manghang tanong ng binata sa kanya. Hawak nito ang nasaktang mukha.
"Akala ko ba hindi masakit pero bakit umaaray ka?" singhal ng dalaga. Matalim niyang tiningnan si Alejandro.
Hindi na niya ito hinintay na tumugon sa kanya. Tinungo na niya ang medicine cabinet kung saan nakalagay ang mga panlinis at panggamot sa mga sugat nito.
Naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa habang nilalapatan niya ng paunang lunas ang mga sugat nito. Rosaline could feel his warm breath on her face. Alam niyang nakatitig ito sa kanya ngunit sa tuwina ay iniiwasan niyang magtama ang kanilang mga mata. Takot siyang masalamin nito ang tunay niyang nararamdaman.
"I'm sorry, baby-"
"That's all in the past," putol niya sa sasabihin nito. "It's better to move on with each other's lives now. Masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon. Mukhang masaya ka na rin naman-"
"Hindi ako masaya." Hindi matanggap ni Alejandro na mukhang naka-move on na ang dalaga sa kanya. Hindi niya talaga matatanggap. "Hindi ako magiging masaya hangga't wala ka at si Zaff sa buhay ko. Hindi ko kaya, baby."
Lakas-loob na nag-angat ng tingin ang dalaga. Sinalubong niya ang tingin ng binata. Subalit gusto niyang pagsisihan ang ginawa nang makita niya ang paghihinagpis at pangungulila sa mga mata nito. Parang kaunti na lang ay bibigay na ito.
Ibinababa niya ang kamay na may hawak na bulak saka nagsalita sa mababang tono, "Tapos na ang lahat sa atin, Alejandro. Sinayang mo kasi 'yong chance na ibinigay ko sa'yo kaya humantong tayo sa ganitong sitwasyon. Hindi mo alam ang naging epekto mo sa akin. Hindi mo alam kung paano ako mamatay-matay sa bawat araw sa tuwing naiisip ko kung paano mo ako sinaktan. Kung paano mo dinurog ang pagkatao ko."
Naramdaman niya ang paghawak ni Alejandro sa kanyang mga kamay, gusto niyang bawiin iyon ngunit hindi niya magawa dahil mahigpit na ang pagkakakapit nito.
"Alam ko. Naiintindihan ko pero hindi ibig sabihin no'n na susukuan na kita. Pwede mo akong saktan at pahirapan pero hindi mo ako mapipigil na patunayan ko ulit ang sarili ko sa'yo." Conviction was in his voice as he speak.
"Hindi ko alam, Alejandro. Hindi ko alam." Panay ang iling ni Rosaline dahil siya mismo, hindi na rin niya alam kung ano ang gagawin. Bago pa man dumating ulit si Alejandro sa buhay nilang mag-ina, sigurado siya sa mga desisyon niya. Sigurado at alam niyang ang kanyang mga plano pero ngayong nasa harap na niya ito, nawala lahat ng mga plano niya. Lumihis lahat ng kanyang mga desisyon. At hindi niya nagugustuhan iyon dahil parang bumabalik siya sa dating Rosaline na pabugso-bugso kung magdesisyon. 'Yong Rosaline na hindi man lang nag-iisip at basta lang sinusunod kung ano ang nararamdaman.
They just stood there, facing each other. Hawak pa rin ni Alejandro ang kanyang mga kamay, mukhang walang balak na bitiwan ang mga iyon. Nasa ganoon silang posisyon nang bigla dumating si Zaff. Dinaluhong nito ang ama at sabik na niyakap. Zaff was smiling, but when he saw the bruises on Alejandro's face, his little hands caress Alejandro's face.
"Sino pong may gawa nito sa inyo?" tanong ni Zaff habang hinahaplos ang mukha ng ama nitong puro pasa at sugat.
"I'm fine, baby," tugon ni Alejandro. Tumingin ito sa kanya, nanghihingi ng saklolo.
"Daddy's fine, baby. May aksidente lang na nangyari kaya nasugatan siya," paliwanag niya sa anak. Thankfully, mukhang naniwala naman ito sa kanya.
"Mommy, I want some cake. Naggawa ka po ba?" Zaff eyes were already twinkling just by saying the word cake. Mukhang namana nito sa ama ang pagkahilig nito sa cake.
Nginitian niya ang anak saka tumango. "Yes, baby. Kaya maupo ka na nang maayos dahil isi-serve ko na ang paborito mong cake."
Iniligpit niya ang mga ginamit niya sa paglilinis ng sugat ni Alejandro saka ibinalik iyon sa medcine cabinet. Pagkatapos ay kinuha niya ang cake sa loob ng oven na nakalimutan niyang kunin dahil sa pagdating ni Alejandro. Inilagay niya iyon sa ibabaw ng lamesa saka niya hiniwa. Ipinaglagay niya ang mag-ama sa plato saka inihain iyon sa harapan ng dalawa.
Hindi niya alam kung matataw ba siya o hindi sa itsura ng mag-ama. Kapwa nanlalaki angmga mata ng mga ito habang nakatitig sa chocolate cake na ginawa niya. Kulang na lang ay tumulo ang laway ng mga ito. Nakita pa niya kung paanong napalunok si Alejandro habang nakatitig sa slice ng cake na nasa plato nito. Unang sumubo si Zaff. Nakita nita niyang napapikit pa ito ng isubo ang kapirasong cake.
"Ang sarap po, Mommy!" Hindi napigilang hiyaw ni Zaff. Naging sunod-sunod na rin ang pagsubo nito sa natitirang cake sa plato nito.
When it was Alejandro's time to eat, she was already anticipating his reactions. Nakasunod ang tingin niya sa bawat nitong galaw. Mula sa paghawak nito ng kutsara, sa pag-scoop nito ng cake sa plato hanggang sa pagsubo nito. Bawat nguya nito ay nakatatak sa kanyang isipan at ewan ba niya, pero umaasa siyang magugustuhan nito ang ginawa niya. Just like before, she was always rooting for his approval and praise.
Tumigil ito sa pagnguya pagkatapos ay tiningnan siya samga mata saka nagtanong, "You baked this one?"
"Yes," tugon niya. "Hindi ba masarap?"
"Masarap is an understatement, baby girl!" tuwang-tuwa nitong sabi. Maya-maya, nakita niya ang pagkunot nito ng noo. "Teka, may nakain na ako noon nito eh. Kapareho niya ang lasa."
Tumango-tango ang dalaga. Hati ang nararamdamn niya dahil noon pa man ay cake na niya ag mdalas na kinakain ni Alejandro pero hindi man lang nito nalaman na siya ang gumagawa ng cake na kinakain nito. Maybe, he wasn't that interested enough to know more about her.
"Oo. Noon pa man ay mga gawa kong cake ang madalas mong kinakin. Regular costumer ko ang iyong mommy pero hindi kami personal na nagkikita noon dahil isa mga resekkers ko ang mismong nagdadala sa bahay ninyo ng mga ginawa kong cake. Small world, isn't it?"
"Kaya naman pala...ikaw ang nag-bake kaya palagi kong hinahanap-hanap ang cake mo," nakangising sambit ni Alejandro. "It suits my taste. Hindi gaanong matamis pero nalalasahan mo lahat ng ingredients."
I love you, baby," bulong sa hangin ni Alejandro. He just can't help it. Gusto din niyang araw-araw na malaman ni Rosaline kung gaano niya ito kamahal.
Hindi naman magawang salubungin ni Rosaline ang mga titig ni Alejandro kaya tumalikod na siya upang itago ang pamumula ng kanyang mga pisngi.
Pagkatapos kumain ng mag-ama ay nagyaya si Zaff sa itaas. Gusto na raw nitong maligo dahil mainit daw sa Pilipinas. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin makapag-adjust ang katawan nito sa bansa kaya sa loob ng isang araw ay nakakailang ligo ito.
Naabutan niya ang dalawa na naghaharutan sa loob ng shower. Pati si Alejandro, basang-basa na rin. Napailing na lang siya sa kakulitan ng dalawa.
"Ano ba 'yan, Zaff! Magpaligo ka na sa daddy mo, okey?" Bilin niya sa anak ngunit mukhang gusto pa talaga nitong maglandi ng tubig kasama ang ama nito. Wala an siyang nagawa kundi ang magtungo na lang sa closet at ipaghanda ng damit ang dalawa. Mabuti na lang at may mga extra white t-shirts at shorts ang kanyang daddy kaya iyon na lang ang ipahihiram niya kay Alejandro.
Makalipas ang halos kalahating oras na paghaharutan ng dalawa, nagawa na ring paliguan ni Alejandro ang anak nila. Inabot niya ang extrang damit kay Alejandro saka binuhat ang anak sa kama nila. Ipinagtimpla niya ito ng gatas saka binuhay ang tv at pinanood ito ng paborito nitong cartoons.
"Baby?" rinig niyang tawag ni Alejandro sa loob ng banyo. "Paabot naman ng towel oh, Wala na kasing extrang nakalagay dito."
Nagtaka siya. Paanong wala ng towel doon eh, kalalagay lang niya roon. Iniabot pa rin naman niya ang isang towel dito.
Narinig niyang bumukas ang pinto ng banyo. Basta na lang niyang inabot dito ang towel. Baka kasi kung ano pa ang makita niya eh. Subalit naging mabilis ang kilos ni Alejandro. Nahila siya nito papasok sa loob kaya napasubsob siya sa dibdib nito nang ma-out balance siya.
Oh, God! Hindi siya makagalaw dahil nararamdamn niya nag kahubdan nito. And worst, tumatama ang nag-uumigting nitong pagkalalake sa may sikmura niya. Mabilis siyang napahiwalay rito kasaby ng pagpikit ng kanyang mga mata.
"I'm sorry," hinging paumanhin ni Alejandro. "Okey ka lang ba?"
Sunod-sunod na tumango si Rosaline. "Okey lang naman ako. May ano lang...may tumusok lang! Ay wala pala! Ay ano nga ba!"
Nagkandabuhol-buhol na ang mga salita niya. Mabilis niyang naitulak si Alejandro kasabay ng pagmamadali niyang paglabas ng banyo.
BINABASA MO ANG
ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIAN
RomanceALEJANDRO, the damn arrogant Mayor of the town. Rude and intimidating. But what lies behind his deep brown eyes that only Rosaline could see? ROSALINE is naughty and a pain in the ass as Mister Mayor always calls her. Really? Then let the...