Hindi makatingin ng diretso si Rosaline kay Alejandro ng lumabas ito ng banyo. Nagpatay-malisya siya, kunwari may kung ano-anong kinukutingting.
"I need to go," pamamaalam nito. "But I'll be back later.
"You should be," tugon ni Rosaline. "Ayokong umiyak na naman ang anak ko dahil sa paghahanap sa'yo."
Lihim na napangiti ang binata. Naglakad siya sa bandang likuran nito, yumuko siya upang magpantay ang kanilang mukha saka pabulong na nagsalita, "Ikaw, hindi mo ba ako mami-miss?"
Matatalim na irap ang isinagot nito sa kanya. Naglakad ito palayo sa kanya.
"Umalis ka na kung aalis ka. Kung ano-anong kalokohan ang pumapasok sa kukute mo." Mabuti na lang at hindi siya nagkanda-utal utal habang nagsasalita. Sa totoo lang kasi, hindi siya mapakali sa presence na dulot ni Alejandro.
Naramdaman niya ang mga yabag nito na papalapit sa kanyang likuran. Tumigil ito sa tagiliran niya pagkatapos ay yumuko ito, kapantay ng mukha niya saka nagsalita, "Babalik ako agad. May kailangan lang akong ayusin, baby."
God knows kung paanong pigil-pigil niya ang kanyang hininga habang nasa tabi niya ito. Halos maduling na rin kasi siya sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya.
Tumaas ang kamay niya sa balikat nito upang itulak ito ngunit ang siraulo, hinawakan lang ang magkabila niyang kamay saka siya hinapit sa dibdib nito pagkatapos ay niyakap siya nito ng mahigpit. Naramdaman din niya ang masuyong paghalik nito sa ulo niya.
"Alam ng Diyos kung gaano ako nagpapasalamat na nakita ulit kita. That I had given the chance to hug you like this," bulong ni Alejandro. "Kung maibabalik ko lang ang nakaraan, hindi ko gagawin ang mga bagay na ginawa ko sa'yo. Hindi sana kita nasaktan. Baby, mapapatawad mo pa ba ang gagong ito pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa'yo?"
Hindi sigurado si Alejandro sa isasagot ni Rosaline sa kanya. Aaminin niyang natatakot siya sa maaring isagot sa kanya ngunit kailangan niyang tanggapin maging anuman ang resulta nito.
"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, Alejandro," pabulong na sagot ni Rosaline. "Ang mahalaga para sa akin ngayon ay ang kapakanan ng anak ko. Let's just start from there. Tingnan natin kung saan makararating ang kalokohan mong iyan."
Kumalas siya mula sa pagkakayakap at mariing tinitigan ang babaeng mahal. Hindi niya ito masisisi kung isang kalokohan para rito ang lahat ng ginagawa niya ngayon. He can't blame her.
"Babalik ako mamaya." Sa huli ay sabi niya ng hindi na nagsalita pa si Rosaline. Hindi na ito nakahuma ng mabilisan niyang kintalan ng halik ang labi nitong bahagyang nakaawang.
"Ano ba!" hiyaw nito sabay bato ng suklay na hawak nito sa kanya.
"One violent move, one kiss!" mabilis niyang sambit. Ang akmang pagbato nito ng bote ng pabango na hawak nito ay nabitin sa ere dahil sa sinabi niya.
Sa huli ay nagdabog ito palapit sa kanya pagkatapos ay marahas siyang pinalabas sa kwarto ng mga ito.
"I love you, baby girl," bulong niya bago nito tuluyang isara ang pinto. Alam niyang narinig nito iyon dahil nakita niya kung paanong natigilan ito.
Pagkababa niya ay naabutan niya ang ama nito, mukhang kanina pa naghihintay. Naglakad siya papunta sa tabi nito, nagbigay ng paggalang at pagkilala bilang head of the family.
"Good morning, sir!" bati niya rito.
Tumango lang ang matanda pagkuwan ay mataman siya nitong tinitigan na para bang isa siyang kriminal. "Gusto kong makausap ang mga magulang mo. Imbitahan mo silang maghapunan dito mamaya. May kailangan kamo kaming pag-usapan."
"Yes, sir," sagot niya.
May mga ipinagbilin pa ito tungkol kay Rosaline at sa apo nito, wala siyang ibang masabi kundi 'yes sir at opo sir'. Mahirap na, baka kung ano pa ang masabi niya na hindi nito magugustuhan.
Pagkaalis niya sa bahay ng mga Acosta, bitbit niya ang saya at excitement para mamayang gabi. Hindi man niya alam kung ano ang mangyayari pero pero umaasa siyang magiging positibo ang mga mangyayari.
Siya naman ay nagtungo sa MSA headquarters kung saan kanina pa naghihintay si Jessica. Ang boss nila sa security agency na kinabibilangan niya. it was a secret organization/agency that caters high ranking people who need their service to protect them.
Kusang bumukas ang isang malaking pinto sa ground parking ng isang mall kung saan idi-direkta sila sa opisina ni Jess. Not everyone could access them unless you're one of them. Kusang bubukas iyon once ma-scan ang buo nilang katawan.
Nadatnan niya roon si Jess, si Hunter, ang kanilang IT specialist at si Atty. Sebastian Almodovar. Naroon din si Michael, Rosaline's older brother. Oo, they knew each other well kaya ganoon na rin ang galit nito sa kanya kasi alam nito kung gaano siya kaloko sa mga babae noon. Akala nito siguro na hanggang ngayon ay lolokohin pa rin niya ang kapatid nito. No way! Hindi na siya ang dating Alejandro na gago at pakakawalan na lang ang babaeng pinakamamahal. Lalo pa ngayong may anak na sila. Never!
"Gusto kong manmanan niyo ang mangyayaring party mamayang gabi na gaganapin sa Aquarius Event Centre," sambit ni Jess sabay tayo, inisa-isang tingnan ang mga lalakeng nasa kanyang harapan. "Alejandro and Michael will be in charge of the close combat. Hunter would be busy with his laptop and Sebastian will just do his job to protect Miss Keith, Senator Galindo's daughter.
"I want everyone to focus on their job since this could be bloody if mistakenly executed. Am I understood, gentlemen?" Jess voice exudes authority that all of the men nod in unison. "Everyone dismissed except for Alejandro and Michael."
Buong akala niya kung ano na ang sasabihin ni Jess sa kanila ngunit ng silang tatlo na lang ang natira sa loob, magkasabay sila nitong binigyan ng baril, 'yong mataas pa ang kalibre. Pagkatapos ay inutusan silang barilin ang isa't isa. Nagkatinginan sila ni Michael, hindi naiintindihan kung bakit ipnagagawa sa kanila iyon.
"Hindi ba, gusto niyong magpatayan noong isang gabi?" Malumanay ang boses ni Jessica ng magtanong siya. "Sige, ngayon kayo magpatayan habang nasa harapan ninyo ako para may testigo kung sino ang magiging suspek at biktima sa inyong dalawa?"
Sa huli, kapwa nila inilapag ang hawak na baril pagkatapos ay magkasunod na silang lumabas ng kwartong iyon ngunit ramdam pa rin ni Alejandro ang masamang tingin ni Michael. Hinayaan na niya lang ito dahil kung siya man ang nasa katayuan nito, mas malala pa ang gagawin niya.
Pagkalulan niya sa kanyang motor, nagtungo siya sa kanyang bahay sa Taguig pagkatapos ay naghanda na siya para sa kanyang trabaho. Tinawagan muna niya ang kanyang mga magulang para sabihin dito ang paanyaya ng matandang Acosta. Sinabi niyang hahabol na lang siya dahil may kailangan lang siyang asikasuhin. That was according to his plan. Subalit ng gabing iyon ay nabaril siya sa tagiliran ng tugisin niya ang mag humahabol sa mag-amang Galindo. Hindi pa man nagsisimula ang party ay nagkaroon na ng komosyon kaya ipnasya ni Sebastian na iuwi na ang mag-ama. Nang mga oras na iyon siya aksidenteng natamaan ng bala.
It was already, seventy thirty in the evening. Kalahating oras na lang bago ang napag-usapang dinner sa bahay ng mga Acosta kaya nagmamadali siyang naglinis ng katawan saka nilagyan ng benda ang parteng may tama ng bala. Mabuti na lang at daplis lang kaya hindi fatal ang naging tama niya pero masakit pa rin at dumudugo iyon. Ilang b eses siyang nahigit ang hininga, umaasang mababawasan ang sakit na nararamdaman. Pa-simple niyang sinipat ang sarili sa harapan ng salamin. Marahas niyang pinunasan ang tigbi-tigbing pawis sa kanyang noo. Ilang hingan malalim muna ang pinakawalan niya bago tuluyang tinungo ang kotse niya. He won't ride on her bike because there were traces of blood.
Halos paliparin niya nag kotse makarating lang agad sa bahay ng dalaga. Bahagya pa silang nagkagulatan ni Michael nang madatnan niya ito sa bungad ng bahay.
"What are you doing here?" tanong ni Michael. His eyes roam on Alejandro's body, as if looking for something horrible. "Shouldn't you be in the hospital?"
Umiling siya, "I'm fine. Malayo pa sa bituka ang tama ko. Matagal-tagal pa rin ang ipagtitiis mo sa pagmumukha ko."
"Gago!" Hindi mapigilang magmura ni Michael. Hati ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon. He hated the man in front of him but he can't deny the fact that he's worried about him. For goodness sake! May tama ito ng baril at base sa nakikita niyang itsura nito, tinitiis lang nito ang sakit na nararamdaman just to be here.
"You should be thankful that you still got the chance to be here. Malaman ko lang, Martinez na umiyak na naman ang kapatid ko dahil sa katarantaduhan mo, ako mismo ang maghuhukay ng paglilibingan mo."
Alejandro didn't expect those words to come from him. Binalingan niya ito saka nakakalokong nginitian ito. "Thanks, Kuya." Biro niya rito.
"Gago!" singhal nito sa kanya bago nagpatiunang pumasok sa loob ng bahay.
Ang balak niyang pagsunod dito sa loob ay hindi na niya nagawa nang makita niyang lumabas si Rosaline sa likod bahay. Sinundan niya ito.
"Baby-"
"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito eh!" Nagulat siya nang bigla itong humarap sa kanya sabay tulak ng malakas sa kanyang dibdib. "This is your plan, right?"
Nagtataka ang binata kung ano ang ikinagagalit nito sa kanya. He could see how frustrated she is now.
"Why? I didn't do anything. Kararating ko nga lang eh," tanngi niya sa kung anumang ipinararatang nito.
Mabalasik siya nitong tiningnan saka nagsalita, "Bakit nila ipinipilit na ipakasal tayo? Plano mo ba 'to?"
"K-kasal? Anong kasal?" tanong niya. Wala rin siyang ideya sa kung anumang sinasabi nito. Pero kung totoo man na ipakakasal sila, why not? Favorable iyon sa kanya dahil ang ibig nitong sabihin, she would be officially his. Magiging asawa na niya ito. An evil grin form on his lips.
"Mrs. Rosaline Acosta Martinez....sounds good, right?" sambit niya na may katuwaan sa puso.
Akmang lalapitan niya ang dalaga nang makaramdam siya ng pagkahilo. Napatigil siya sa paghakbang kasabay ng paghigit niya ng kanyang hininga. Kanina pa kasi kumikirot ang kanyang sugat.
Hindi naman magawang mag-alala ni Rosaline nang makitang hindi maganda ang pakiramdam ni Alejandro. Para bang may dinaramdamn ito. Tuluyan na siyang nag-alal nang makita ang akas ng dugo sa tagiliran nito.
"What happen to you?" singhal niya. Inilang hakbang niya ang pagitan nilang dalawa saka awtomatikong itinaas niya ang suot na polo shirt nito upang tingnan kung bakit may bakat ng dugo roon. "My God, Alejandro! Ano na naman ba 'tong pinasok mo?"
Unconsciously, inalalayan niya ang binata at iginiya ito patungo sa kwarto niya. Nang makita sila ng mga matatanda, napuno nang pag-aalala ang mukha ng mga ito ngunit agad na nakabawi ang mga ito nang maalalang may kasama silang bata.
Pa-simple siyang nagbigay ng mensahe sa mga ito na kailangan niyang tingnan at asikasuhin ang binata.
Hirap man ay nagawa niya itong mai-akyat sa kanyang kwarto. Nang pahihigain niya ito sa kama, kasama siyang tumimbuwang nito kaya nakakubabaw siya rito.
"Yong sugat mo," bulong niya.
Alejandro just groans.
"Okey lang. Basta magkaroon lang ako ng kahit ilang segundo na mayakap ka ng ganito. I'm more than willing to accept pain just to hold you." Nanatiling nakapikit ang mga mata ng binata habang nagsasalita. "Gusto ko kasing maramdaman na nasa tabi kita. Na nag-aalala ka para sa akin. Gusto kong maramdaman ulit na importante ako sa'yo. Gusto kong marinig ulit mula sa mga labi mo na mahal mo pa rin ako."
Rosaline was lost for words. Lalo na nang maramdaman niya ang pag-alog ng mga balikat ni Alejandro. Ramdam din niya ang mainit na luhang galing sa mga mata nito. And his cry, she could sense that he is in deep pain. Mukhang mas kailangan nitong patawarin ang sarili nito kaysa sa pagpapatawad na hinihingi nito mula sa kanya.
BINABASA MO ANG
ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIAN
RomanceALEJANDRO, the damn arrogant Mayor of the town. Rude and intimidating. But what lies behind his deep brown eyes that only Rosaline could see? ROSALINE is naughty and a pain in the ass as Mister Mayor always calls her. Really? Then let the...