9

2.3K 73 2
                                    

Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa kwarto niya. Sadyang makulit si Alejandro. Hindi siya nito tinantanan hangga't hindi siya bumabalik sa kwarto. Inaantok pa daw ito.
            "You need to go home. Kanina pa umiilaw ang cellphone mo. Malamang nag-aalala na sila sa'yo," ungot niya.
Dinampot naman nito ang aparato at sinagot iyon. Rinig niyang kausap nito si Carlo. May mga inutos ito roon pagkatapos ay pinatay na ang telepono nito.
            "Okey na?" tanong nito.
Wala siyang nagawa kundi ang tumango.
            "Now, we can sleep again." Sabay yakap nito sa kanya. Hinila pa siya lalo nito. Halos hindi na siya makahinga dahil sa pagdidikit ng katawan nila. Ramdam niya ang mainit nitong hininga sa bandang leeg niya kaya nakikiliti siya.
            "Alejandro...nakikiliti ako." Halos walang boses na sabi niya. Pilit niya itong itinutulak.
            "Stay still, baby girl. Inaantok pa rin talaga ako, eh."
Hindi niya magawang magreklamo. Alam niya kung gaano ito kasipag at ka-dedicated sa trabaho nito. And lately ay marami silang ginawa at pinuntahan kaya alam niyang pagod ito. Mukhang mamaya pa nila makakain ang niluto niya.
Hindi na rin naman niya namalayan na nakatulog na din pala siya. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatulog basta ng magising siya ay madilim na naman sa labas at malakas ang ulan.
Nagulat siya ng may humawi sa buhok niyang nakatabing sa mukha niya.
It was Alejandro. Masuyo itong nakatingin sa kanya.
            "Bakit ang ganda mo pa rin kahit bagong gising ka?"
Sinapo niya ang mukha. Nahiya siya sa sinabi nito. Ano bang maganda ang sinasabi nito? Alam niyang sabog ang buhok niya...baka mamaya may mga tuyong laway pa siya, eh. Hindi pa rin siya nagto-toothbrush.
Hindi siya makahuma ng sapuhin nito lahat ng buhok niya at iniayos ito papunta sa likod niya. She found the gesture sweet. Lalo itong naging gwapo sa paningin niya. Pero kahit naman saang anggulo niya ito tingnan ay talagang gwapo naman ito.
Itinulak niya ito.
            "Why? You don't want anybody to touch your hair?"
Umiling siya. Isinenyas niyang hindi pa siya nagto-toothbrush.
Ngumuso lang ito at akmang hahalikan siya sa labi. Mabilis siyang umalis sa kama, muntik pa siyang matapilok papunta niya ng banyo. Narinig niya ang pagtawa nito.
Pagbalik niya ay nadatnan niya itong prenteng nakaupo sa kama niya at pinagmamasdan ang mga litrato niya mula noong bata pa siya hanggang sa kasalukuyan. Ewan ba niya, pero halos mapuno ang kwarto niya ng mga pictures niya. Courtesy of her Mom. Palibhasa nag-iisang anak siya kaya sa kanya ibinuhos lahat ng atensiyon nito.
            "Ang taba mo pala noong bata ka pa?"
            "Baboy kamo..." nakasimangot niyang sagot.
Ngumisi ito. "Oh, I love pork so damn much!"
Inabot niya ang isang unan at inihampas dito. Tawa lang ang isinagot nito sa kanya.
            "You went home?" Sabay turo niya rito. Napansin niya kasi na iba na ang suot nito.
            "I had it delivered by Carlo."
            "Pinapunta mo siya rito habang malakas ang ulan? Masyadong madulas ang daan. Baka kung mapaano iyon."
Masama ang tingin nito sa kanya. "Why do you care about him so much? May gusto ka ba sa kanya?"
Siya naman ang napatanga rito. "Concern lang ako doon sa tao, Alejandro! Tingnan mo naman kung gaano kalakas ang ulan."
            "Hindi pa gaanong malakas ang ulan kanina." Hinila nito ang kamay niya at dinala siya sa kitchen niya.
            "At home ka na ah..." Natigil ang pagsasalita niya ng makita niya ang nakahain sa mesa. Pinakagusto niya sa lahat ay ang nilagang baka na umuusok pa ang sabaw. Pinainit nito ang kanyang iniluto kanina. Pakiwari niya ay tutulo na anumang oras ang laway niya dahil sa gutom na nararamdaman.
Pinaupo siya nito. Ito na rin ang nagsandok sa kanya.
            "Hindi ako nagfe-feeling na gentleman at maasikaso. Ganito sadya ako."
Umirap siya rito. "Wala naman akong sinabi ah!"
            "I know that look, Rosaline," buska nito.
            "Yeah, yeah...dala din ito ni Carlo?" tanong niya rito. Nagsimula na siyang kumain. Naiinis lang siya dahil panay ang titig nito. "Kumain ka na rin. Hindi ka mabubusog sa katitingin mo sa akin!"
            "Busog na ako, matitigan ka lang!"
            "Oh my goodness, Alejandro! Tantanan mo ako sa mga linyahan mong ganyan. Sa ganyan bang linyahan mo nakukuha ang mga babae mo?"
            "No! We end up in bed already."
            "Buwisit! Manyak na 'to..." bulong niya.
Umalingawngaw ang tawa nito sa buong bahay. "Natakot ba kita?"
            "No! Mas lamang ang pagtataka kung bakit ganyan ka. Ibang-iba sa pagkakakilala ng mga tao ang personalidad na meron ka kapag tayong dalawa lang. Alin ba ang totoo?" Nanatili siyang nakayuko at abala sa pagkain. Sarap na sarap siya sa buttered shrimp kaya lang struggle is real for her habang binabalatan niya ang mga iyon. Maya-maya, ito na ang nagbalat sa kanya.
Ipinagsalin siya nito ng tubig pagkatapos ay inilapit iyon sa kanya. "That's both me. When it comes to work, dapat trabaho lang. At pagkatapos ng trabaho, it's time for me to be laid off, lose a little bit. Toxic din minsan ang trabaho lalo na sa pulitika. You should know it by now."
Tumango siya. "Being in politics, is that something you feel passionate about?"
            "Yes...I know I can help them in my own little ways, pero iba pa rin kapag nasa posisyon ka."
Napatango-tango siya. "Do you see yourself running for a higher position? See, for congress or senate?"
            "Ayaw kong magsalita ng tapos pero sa ngayon, wala sa plano ang tumakbo sa mas mataas na posisyon. Kuntento na ako na pagsilbihan ang mga kakabayan natin. Teka lang, interesado ka ba sa akin?Dami mong tanong, eh."
            "That was just a random question. It has nothing to do with you, okay?"
Tinitigan siya nito. Seryosong nakatingin sa kanya. "Hindi mo talaga ako gusto no?"
Tumayo siya upang ligpitin ang kinainan nila. Tumayo din ito at tinulungan siya. Ngunit pasulyap sulyap ito sa kanya. Naghihintay sa isasagot niya.
            "It's not that hindi kita gusto. You're a good looking man.." She rolled her eyes when she saw him smirk. "Ayoko lang sa mga lalakeng babaero, hindi stick to one at ayaw sa commitment."
            "But I'm more than willing to commit myself to you..."
            "What kind of commitment can you offer, Alejandro? The first time you talk about it, gusto mong maging tayo pero dapat walang label. Ano tayo? F*ck buddies? Ano ako? Regular mong pugad just in case na mangati ka, may madadapuan ka kaagad? Parang dehado naman ako kapag ka ganoon ang nangyari..." bulalas niya.
            "It's not like that, okay? Bakit sa tingin mo sa tuwing magkasama tayo, paglalabas lang ng init ng katawan ang manyayari sa pagitan nating dalawa? Hindi ganun 'yon...we could explore things together..dine together and have fun."
            "Ridiculous! We could do things even if we're not together. You're just making things complicated evenmore. Why skip the label and commitment if we would act like boyfriend and girlfriend? Such a coward."
            "I'm not a coward, baby girl...dahil kung ganoon ako, we won't be discussing things like this. Talking like mature people. Mas mabuti nang sa umpisa pa lang ay alam na natin ang sitwasyon.'
            "What if we feel in love?" pabulong niyang tanong.
Mapait itong ngumiti sa kanya. Hinawakan nito ang baba niya at pinaharap dito. "I don't do love, baby girl. This is me. That's all I can offer. But I assure you that it's only gonna be you, if you let me."
            "Really? What about that big booty woman who knocked at your door the other night?" she asked sarcastically.
            "You mean, Janice?" A playful smile was on his face.
Hindi siya umimik. Bagkus ipinagpatuloy niya ang paghuhugas ng pinagkainan nila.
            "You don't have to get jealous, baby girl. Janice was a constant companion but I ended up between the two of us the moment I laid my eyes on you."
            "Naku po! Mga linyahan mo talaga...nakakadala. Sige kumbinsihin mo pa ako at baka sakaling maalog ang utak ko at pumayag ako sa gusto mo! Grabe 'to! Di mo aakalaing mayor, eh..."
            "You're fun to be with, Rosaline. Being with you, I can be who really I am without worrying anything. Thank you...really."
            "Tinotoo nga ang pangungumbinsi..." She pouted. At the back of her mind, natatakot siya sa maaaring kahantungan ng kanyang kapusukan. Una pa lamang ay mali ng pinayagan niya itong nasa bahay niya. Lalo niyang inilapit ang sarili sa kumunoy at alam niyang malabo na siyang makaahon pa kapag naumpisahan na ito.
Nahigit niya ang hininga ng maramdaman niyang sakop na ni Alejandro ang kanyang labi habang nakapulupot ang braso nito sa kanyang baywang. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanya. Natatakot siya dahil unti unti na siyang nadadarang at ang depensang inilagay niya sa pagitan nilang dalawa ay natutupok na.Kasabay na malakas na ulan sa labas ay ang pag-alsa ng init mula sa kanilang katawan.
Nakakadarang. Nakakatupok.






 

ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon