Talagang sinulit nilang mag-asawa ang bawat araw nila sa Indonesia. Ngunit imbes na magliwaliw sila, madalas ay naroon lang sila sa loob ng resthouse. Tamad na tamad rin siyang lumabas dahil sa tuwina na lang ay pinapagod siya ng asawa. Bukod pa roon, pareho din naman nilang gustong sulitin ang isa't isa.
"Alejandro naman, eh!" sita niya sa asawa nang maramdaman ang kamay nitong humahaplos sa kanyang tiyan.
Kasalukuyan silang nakahiga sa kama habang nanonood ng pelikula na sa totoo lang naman ay hindi niya mapanood nang maayos dahil sa panghaharot ni Alejandro sa kanya.
"What were you saying, baby girl?" he asked as he nuzzled his face on her neck.
"Stop seducing me!"
Naramdaman niya ang pagtawa nito habang nakayakap sa kanya. Malakas niya itong hinampas sa braso.
Maya-maya ay tumigil naman ito ngunit nanatiling nakayapos sa kanya. Ipinagpatuloy niya ang panonood sa pelikula. Hindi na niya nasundan ang kwentong iyon pero tinandaan niya ang pamagat noon. The Best Of Me. Panonoorin na lang niya ulit iyon kapag hindi na siya hinaharot ng asawa.
Nang lingunin niya si Alejandro, nakapikit na ito ngunit alam niyang gising pa ito. Umakyat ang kamay niya sa ulo nito saka masuyong hinaplos at sinuklay ang buhok nito. He just loves it when she does that to his hair. Kadalasan ay nakakatulog agad ito kapag ganoon ang ginagawa niya.
"Thank you," pabulong nitong sambit. Nanatili itong nakapikit ng magsalita ngunit mas lalo siya nitong hinapit at niyakap nang mahigpit. Isinubsob pa nito ang mukha sa may dibdib niya. "Mahal na mahal kita. And I can't thank you enough, baby."
Napangiti na lang siya ng marinig ang sinabi nito. Magmula kasi nang magkabilakan sila, sa bawat araw na dumaraan ay paulit-ulit nitong sinasabi at ipinadarama kung gaano ako nito kamahal.
Hindi na siya sumagot ngunit ipinagpatulay niya lang ang masuyong paghaplos sa buhok at sa may batok ng asawa. Kaya makalipas lang ang ilang minuto, narinig na niya ang mahina nitongh paghilik.
Napangiti siya.
"I love you, baby," pabulong niyang sambit. Then she softly kisses him on the cheeks.
Nang nasigurong tulog na talaga ito, saka siya dahan-dahang bumangon upang maligo. Hindi naman niya maiwasang hindi mapailing ng makita ang ilang marka na iniwan ni Alejandro sa kanyang katawan. Karamihan noon ay sa may dibdib niya, tiyan at hita.
"God! Alejandro!" usal niya ng makita kung gaano karaming kissmark ang iniwan nito sa bandang hita niya. Hindi niya talaga mapigilan ang panggigigil nito sa kanya kagabi. Alejandro was insatiable that he claim her two times last night. Bukod pa roon ang ginagawa nitong paglalandi sa kanya maya't maya. At kung hindi lang talaga siya nagreklamo, baka hindi lang dalawang beses na may nangyari sa kanila.
Pagkatalabas niya ng banyo, tulog na tulog pa rin ang asawa. Padapa itong nakahiga, exposed ang likod nito at tanging kumot lamang ang nagtatago sa ibabang parte ng hubad nitong katawan. Hindi niya maiwasang mapangiti at kiligin ng mapagtanto kung gaano siya kasuwerte sa pagkakaroon ng asawang katulad nito. Alejandro became the man any woman coulkd dreamed of. Maalaga at maalalahanin. Responsable at higit sa lahat, ramdam niya ang nag-uumapaw nitong pagmamahal sa kanya at maging sa anak nila. And because of that, all she could do is be thankful to God for making it possible to be this happy.
Wala na nga siyang mahihiling pa kundi kasiyahan at kalusugan para sa mga taong mahal niya.
Nang makapagbihis siya ay agad na siyang lumabas at nagtungo ng kusina upang maghanda ng alamusal nilang mag-asawa. Anumang oras ay sisikat na ang araw at gusto niyang bago magising si Alejandro ay tapos na siyang magluto. Mabuti na lang at puno ng stocks ang ref nila doon kaya hindi na siya nahirapan pang mag-isip ng lulutuin dahil solve na ang asawa niya sa itlog at bacon bilang almusal nito. Pero siyempre, hindi pa rin mawawala ang paborito nitong chocolate cake kaya iyon muna ang ginawa niya.
BINABASA MO ANG
ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIAN
Roman d'amourALEJANDRO, the damn arrogant Mayor of the town. Rude and intimidating. But what lies behind his deep brown eyes that only Rosaline could see? ROSALINE is naughty and a pain in the ass as Mister Mayor always calls her. Really? Then let the...