The Wedding Day
Kanina pa panay ang kanyang iyak habang nakatitig sa wedding invitations nila ni Alejandro. Martinez and Acosta Nuptial, it says.
Sino ba naman ang mag-aakala na daraating sila sa puntong 'yon? They started without label then they became a couple with benefits but still without a label. Dumating sa puntong hindi kaya na mawala ang isa't isa pero dumaan din sila sa pagsubok na pansamantalang nagpahiwalay sa kanilang dalawa. But then, fated played well with them and brought them back together. Nagmahal, nasaktan, bumangon at sinubukang magmahal ulit. Hopefully, this will be for good.
"Umiiyak ka na naman, baby," malamabing na sambit ni Alejandro sabay yapos sa kanya. Isinubsob nito ang mukha sa leeg niya saka sinamyo-samyo ang bango niya roon.
"Bakit ba nandito ka?" nakanguso niyang tanong. "Kapag ikaw nakita ng mommy mo at ni Tita Maritess, lagot ka sa mga 'yon!"
"Kahapon pa kasi kita hindi nakikita, eh," parang batang maktol nito, "miss na kita nang sobra."
Itinulak niya ito palaba sng kwarto nila. "Umalis ka na nga! Bawal ka dito!"
"Ano ba namang pamahiin 'yan? Hindi naman totoo 'yan, eh!"
"Basta! Umalis ka na..."
Hindi na ito nakasagot pa dahil nahampas na ito ng mommy nito saka sapilitan itong ipinalabas sa kwarto niya.
"Diyos namang bata ito! Ang hirap mapakiusapan!" kunsumidong sambit ng kanyang Tita Maritess. Pagkuwan ay bumaling ito sa kanya. "Ikaw namang bata ka, masisira ang make up mo dahil sa kaiiyak mo, eh!"
Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi. Nguniti siya sa mga ito, "Pasensya na po. Hindi lang kasi ako makapaniwala na darating pa ang araw na ito. We've been through a lot and I didn't expect that God will give me this day that I will marry the man I love."
Lumapit sa kanya ang kanyang Tita Maritess, pinunasan nito ang luha sa kanyang mga pisngi. "Tahan na anak...God is good, always remember that. And He sees every good deed that we do and this is His way of giving back all the good things you do. Kaya, hindi ka dapat umiyak ngayong araw na 'to. Deserve mong maging masaya sa araw na ito. Kaya tumigil ka na sa kaiiyak dahil masisira ang make up mo niyan!"
Panay pa rin ang singhot niya, pinipilit na hindi na umiyak kahit ang puso niya, nag-uumapaw sa tuwa at kaligayahan. Ngayon alam na niya kung bakit hinayaan ng Panginoon na magdusa at maghirap siya noon dahil walang kapares na saya ang kapalit nito ngayon.
Maya-maya ay inalalayan na siyang bumaba dahil oras na para pumunta sila ng simbahan. Malapit lang naman iyon, it's just a five-minute drive from home kaya hindi siya nagmamadali pero ang magiging asawa niya ang problema. Kararating lang din naman nito doon sa simbahan pero nakailang tawag na daw agad, tinatanong kung paalis na siya.
"Hay naku, hija! Grabe talaga 'yang mapapangasawa mo!" reklamo ng kanyang Tita Maritess . "Aba! Nakailang tawag na kung nakaalis ka na ba? Diyos ko!"
Napangiti na lang siya. Kahit kailan talaga, hindi na naalis dito ang pagiging makulit at pagiging bossy nito.
"Naku, Tita, hayaan niyo na 'yan," tugon niya. "Matuto siyang maghintay no! Aki nga, ilang taon kung hinintay na dumating 'tong araw na 'to tapos siya,ilang minuto lang ang ipaghihintay?"
"Ikaw talagang bata ka! Alam mo namang isa ring mainitin ang ulo no'n, gagatungan mo pa!" sambit ng kanyang Papa Arnulfo. "Halika na nga, at nang matapos na rin ang kasalang ito. Naaasiwa na ako sa suot kong ito, eh." Tukoy nito sa suot na three piece suit.
Samantala, sa simbahan ay hindi mapakali si Alejandro. Panay ang tingin niya sa suot na relong pambisig, halata na rin ang inip at kaba sa mukha nito.
"She's late," sambit niya sabay tingin ulit sa pinto ng simabahan.
"You're sweating bullets, Mayor," bulong ni Seb sa kaibigan. "Gusto mo nang pampakalma, may alak ako sa kotse?"
Natawa na lang siya nang lumingon ito sa kanya at masama siyang tingnan.
"Itikom mo 'yang bibig mo, Sebastian!" Halos mag-isang linya na ang kilay ni Alejandro dahil sa inis rito. "Uuwi kang lumpo kapag hindi mo pa itinikom 'yang bibig mo! Gagong 'to! Ipaalala mo nga sa akin bakit ikaw ang kinuha kong best man?"
Tuluyang natawa si Sebastian dahil sa narinig. "Relax ka nga lang diyan! Baka mamaya, ikaw ang humandusay dahil sa sobrang kaba mo!"
"Gago!" tugon niya.
"The bride is here," maya-maya ay sambit ng kanilang wedding organizer.
Doon lamang siya nakahinga ng maluwag. Inayos niya ang kwelyo ng suot na black suit, huminga nang malalim saka tumingin sa pintuan ng simbahan upang makita ang kanyang magiging asawa.
But damn! He could feel that he's sweating bullets waiting for her appearance! Hindi niya ini-expect na ganitong kaba ang mararamdaman niya. He'd been in a life-threatening situation but he had never been this nervous and afraid.
Napatuwid siya ng tayo, napatingin sa bukana ng simbahan ng bumukas iyon. Ramdam niyang bumilis ang tibok ng kanyang puso kasabay ng panlalambot ng kanyang mga tuhod. Yes, he had seen from his friend getting emotional and all when getting married at hindi niya akalain na ganoon din ang mararamdaman niya ngayon. Kinakabahan siya na excited na hindi niya maintindihan. Nakailang buntunghininga siya upang pigilan ang pag-alpas ng kanyang mga luha. Hindi niya ini-expect na mgiging emosyonal siya sa araw ng kanyang kasal. Pero kung pagbabasehan ang pagmamahal na nadarama niya patungkol sa babaeng dahan-dahang naglalakad patungo sa kanya, kusang lumalabas ang emotional side niya.
Bakit hindi? Ikakasal siya ngayong araw sa babaeng pinakamamahal niya.
Ilang beses niyang pinayapa ang sarili dahil sa totoo lang, maski ang paghinga niya, nahihirapan siya. Ganito ba dapat ang maramdaman niya? Kasi gusto na niyang takbuhin ang pagitan nila ni Rosaline, pupugin ito ng halik saka yayakapin ng mahigpit.
God! Gusto niyang humagulhol ng iyak sa mga oras na iyon. Hindi na rin kasi niya alam kung paano pakikitunguhan ang saya at excitement na nararamdaman niya.
Nang tumigil ito sa harap niya, he mouthed I love you at her. Damn! Kung alam lang nito kung gaano kabilis ng tibok ng puso niya ngayon...hindi niya maipaliwanag ang nadarama. Nang pabulong nitong sagutin ang I love you niya, napayuko na lang siya upang itago ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na nagawa pa rin siya nitong mahalin sa kabila ng mga nagawa niya rito. Napakalaki ng pagmamahal nito sa kanya na natabunan noon ang mga pasakit at paghihirap na nagawa niya noon. At ipinapangako niya ngayon, na gagawin niya ang lahat para makabawi rito.
"Please take care of my daughter, Alejandro." Pasimple niyang pinahid ang kanyang mga luha pagkatapos ay nag-angat siya ng paningin sa Daddy Arnulfo nito.
"Yes, sir!" tugon niya.
"Daddy...you have to call me that, ngayong magiging anak na rin kita," sambit ng daddy nito. Abot taingan ang kanyang ngiti, pagkatapos ay niyakap niya ito nang mahigpit habang ipinapangako rito na gagawin niya ang lahat mapasaya lang ang anak nito. And that he won't do the same mistakes again that could ruin their marriage. Never!
Nang tumapat si Rosaline sa kanya, paulit-ulit niyang ibinulong rito kung gaano niya ito kamahal. Paulit-ulit din siyang nanghingi ng tawad for all the wrong he has done. Nang ngumiti ito sa kanya ng napakatamis habang ibinubulong kung gaano rin siya nito kamahal, alam niyang umpisa na iyon ng buhay nilang mag-asawa na puno nang saya at pagmamahal.
When it was their turn to say their vows, kinabahan siya. Hindi dahil sa kung ano pa man, kundi dahil hindi na niya alam ang kanyang sasabihin. Ang paghahanda niya nitong mga nakarang araw, nawala nang parang bula. Bigla siyang walang maalala.
He tried composing himself as he looked at his beautiful wife. Ngumiti siya rito, napagtanto kung gaano nito nabago ang kanyang buhay at paniniwala. Who could've thought that this day would come? That he'll marry the woman he truly loves?
"Rosaline, take this ring as a sign of my love and loyalty for you," panimula niya. "Alam mo kung ano ang paniniwala ko dati sa kasal. Na hindi siya importante...wala lang. Just a label para ikulong ng dalawang tao ang kanilang sarili sa isang walang kasiguraduhang relasyon. But today, sharing this union with you is the greatest gift I have received my whole life through. At kung kulungan man itong papasukin ko, tanggap ko basta ikaw ang kasama ko." Humigpit ang kapit niya sa palad nito, doon kumukuha ng lakas dahil feeling niya, any time soon, magbi-break down siya. "Handa akong makulong ng habambuhay makasama ka lang. I maybe harsh sometimes but always remember that I love you so much, and I'm hoping that we'll stay together until our last breath. Pangako, mananatiling ikaw ang nagmamay-ari ng puso ko."
Bahagya pang nanginginig ang kanyang kamay habang isinusuot ang singsing sa daliri nito dahil sa labis na emosyong kanyang nadarama.
Rosaline just shooked her head but smiling.
"Alejandro, take this ring as a sign of my love and loyalty for you but even without this ring, know that I would still love you despite everything. I love you unconditionally and I promise that I would always be by your side no matter what. You could be grumpy at you, you could get mad at you but always remember the love I have for you. I love you for who you are, for what you are, and for what you're gonna be. Nandito lang ako sa tabi mo, susuporta at mamahalin ka hanggang sa huli. I love you so much, my dominant Alejandro. I just love you so much!"
When the priest announced them as husbands and wives, he automatically lifted Rosaline's veil and then he kissed her passionately
Rosaline...the woman who owns him. And the only woman he owns.

BINABASA MO ANG
ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIAN
RomanceALEJANDRO, the damn arrogant Mayor of the town. Rude and intimidating. But what lies behind his deep brown eyes that only Rosaline could see? ROSALINE is naughty and a pain in the ass as Mister Mayor always calls her. Really? Then let the...