26

2K 87 16
                                    

    Alejandro couldn't think straight. Pero hindi siya ipinanganak kahapon para hindi maintindihan kung ano ang nangyayari.
Marahas niyang nilingon si Rosaline. Puno ng mga katanungan ang kanyang isipan, ang dibdib niya, hindi magkamayaw sa samu't saring nararamdaman. Galit, sama ng loob at panghihinayang ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
Naging mailap naman ang mata ni Rosaline nang sulyapan siya ni Alejandro. Alam niyang kailangan niyang magpaliwanag ngunit  nanatiling tikom ang kanyang bibig.
Lumapit si Alejandro sa kanya. Lumuhod ito sa tapat niya habang nakatukod sa magkabila niyang tagiliran ang mga kamay nito.
He was on the verge of crying. Sumubsob ito sa kandungan niya.
            "Ganoon ba kalaki ang galit mo sa akin na kahit anak ko ay nagawang mong ipagkait sa akin?"  Puno ng hinanakit ang bawat salita ni Alejandro nang magtanong. "Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo pero  sapat ba 'yon para tanggalan mo ako ng karapatan sa anak ko?"
Panay naman ang iling ni Rosaline. Oo,malaki ang kasalanan ni Alejandro sa kanya pero labas ang anak nila doon kaya kahit tutol ang kanyang Kuya Michael noon na ikwento at ipagkilala si Alejandro sa kanyang anak ay hindi siya nakinig. Gusto niya kasing ipa-intindi sa anak na kahit hindi man sila magkasama ng tatay nito, he is still well loved and taken care of.
             "Wala kang karapatan na mag-demand nang kahit ano mula sa akin dahil sa laki nang kasalanan mo sa akin,  tinanggalan mo na ang sarili mo nang karapatan sa anumang bagay na may kinalaman sa akin." Mapait na napangisi si Rosaline. "Dapat ka pa ring magpasalamat dahil sa kabila ng lahat, pinili kong ipakilala kita sa anak ko kahit sa picture at kwento man lang. Ang alam niya, nagtratrabaho ka sa Saudi," paliwanag ng dalaga.
Nag-angat ng tingin si Alejandro. "I want to see her?"
           "Him."
Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Alejandro. Looks like natupad ang pangarap niya na lalake ang maging panganay niya.
            "Gusto ko siyang makita at makasama." There was finality in Alejandro's voice.
Doon natakot ang dalaga. Paano kung kunin nito ang anak sa kanya? Paano kung ilayo nito si Zaff?
            "No! You can't" Panic was in her voice. "Hindi ko pwedeng kunin ang anak ko!"
           "At sinong nagsabing anak ko lang ang kukunin ko?" Alejandro smiled mischievously. "Kung nasaan ang anak ko, dapat nandoon din ang ina, right, baby girl?"
            "You're insane, Mister Martinez! Hinding-hindi mo makukuha sa akin ang anak ko!" Mas lamang ang takot na nararamdaman ng dalaga sa kaisipang kukunin sa kanya ang anak niya kaysa sa isiping sasaktan siya ulit ni Alejandro.
            "Yes,I'm insane," sigaw ni Alejandro. He just can't helped it. Too much happened for this day kaya masyado nang  puno ang kanyang puso at isipan. "Nababaliw ako sa'yo! Nagsimula akong mabaliw nang umalis ka at iwan mo ako! Nabaliw ako kasi nasasaktan ako! Nababaliw ako kasi sumuko ka sa akin! Nababaliw ako kasi araw-araw at gabi-gabi, palagi kitang hinahanap! Kinakain ako ng konsensya ko for treating you wrong. For hurting you. And for making you feel that you're not worth to be with. Dahil noong nawala ka, you took a part of me with you. At simula noon, nabuhay na lang ako for the hope na makikita kitang muli. Kaya kung balak mong saktan at paghigantihan ako, hindi mo na kailangang gawin dahil sa loob nang ilang taon na wala ka, those were the times that how I wish I  didn't exist on earth."
Hindi makapagsalita si Rosaline sa mga narinig.Alejandro may be an ass hole but she exactly knew how he values his loved ones. Ginagap nito ang kamay niya.
             "Alam ko na marami akong kasalanan sa'yo pero nakikiusap ako, baby. Huwag naman ganito. Huwag mo naman ipagkait sa akin na makilala ko ang anak ko. Huwag please...I would do everything you want, but just this one please, let me see our son. Please, baby, please..." Panay ang pagmamakaawa ni Alejandro.
Pasimpleng pinalis ni Rosaline ang kanyang mga luha dahil aminado siyang nasasaktan siya sa nakikitang ayos ni Alejandro ngayon. She was used to seeing him as an authoritative man who fears nothing pero base sa nakikita niya ngayon, she saw how vulnerable he is when it comes to her lalo na ngayon na nalaman nito na may anak na sila.
Nananitiling nakasubsob si Alejandro sa kandungan ng dalaga, weeping like a lost child.Hindi naman malaman ni Rosaline kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon.
Pilit niyang kinalma ang nagririgidon niyang puso bago nagsalita. "Dapat mong ipagpasalamat na hindi ako katulad ng ibang mga babae na ilalayo at ibi-brainwash ang anak para kamuhian ang tatay nila just because hindi kami okey ng tatay niya. I don't want to instill hate on my son's heart. Ginusto kong lumaki siyang mapagmahal, masayahin at may takot sa Diyos kaya hindi ko ipinagkait sa kanya na makilala ang tatay niya." Rosaline found the courage to explain everything to Alejandro. Natatakot lang siya na baka dumating sa point na kuhanin nito ang anak sa kanya. He has all the means to do that. "Huwag mo lang kukunin sa akin ang anak ko dahil kapag nagkataon,gagawin ko ang lahat upang hindi mo na siya makita.
Napangisi si Alejandro sa narinig. Tumingala ito sa dalaga. "I won't do that, baby. At kung kukunin ko man ang anak natin,sisiguraduhin kong kasama ka."
Nahigit ng dalaga ang kanyang hininga. What Alejandro just said caused havoc not only on her mind but most specially on her body. Lintik lang naman kasi eh!Ang lakas pa rin ng epekto nito sa kanya sa kabila ng mga nangyari.
             "What we're talking about is all for our son. Labas ako roon.Kung gusto mong maging ama sa kanya, then go ahead. Huwag mo lang akong idamay sa kagaguhan mo, Alejandro. Not again," gigil niyang wika.
Napangiti lang si Alejandro. But at the back of his mind, naroon na ang mga plano niya on how to win back Rosaline lalo na ngayon na nalaman niya na may anak pala sila. And it just excites him even more.
Subalit napaisip siya. Paano niya ipaliliwanag sa anak kung bakit wala siya sa tabi ng kanyang mag-ina?
Kamukha ba niya ang anak? Would he accept and love him? Marami siya g katanungan pero naroroon ang saya at excitement na makita at mayakap ito.
Masama ang tingin ni Alejandro kay Rosaline nang dahil sa ginawa nito. Hindi niya napaghandaan ang pagtulak nito sa kanya kaya lagapak ang pang-upo niya sa sahig. Subalit agad napawi ang inis na iyon ng makita niya ang sinusupil nitong ngiti. It just warm his heart seeing her again and how he wish to see the Rosaline he knew before. 'Yong Rosaline na masayahin at kengkoy kausap not like now. Her aura exudes grace and authority tapos para bang napakadalang nitong ngumiti.
            "Where are you going?" Nagpanic siya nang tumayo ito at binitbit ang bag. Bigla siyang natakot.
            "Lilipat ako sa kwarto!" sikmat ng dalaga. Padarag niyang binuksan ang pinto ng suite ni Alejandro. She was eager to be away from him. Nawawala na kasi siya sa huwisyo, eh. Kahit hagod at landi nito sa kanya, bumibigay na agad siya. After all this years, buong akala niya,makakayanan na niyang harapin at kontrolin ang sarili sa harapan nito. Ngunit sadya talagang ganoon, mahal pa niya, eh. At hangga't ito ang itinitibok ng kanyang puso, palaging siya ang talo. She would always succumbed in his arms.
Mabilis naman ang naging mga galaw ni Alejandro, agad niyang ipinulupot ang braso sa baywang ng dalaga pagkatapos ay bumulong sa punong tainga nito. "You can run from me, baby, but you can't hide. Hindi dito matatapos ang lahat sa ating dalawa."
            "Kahit kailan ay hindi talaga tayo matatapos hangga't may Zaffiro na nag-uugnay sa ating dalawa! Kaya ayusin mo, Alejandro dahil isang pagkakamali mo lang, hinding-hindi ko na kami makikita ng anak mo!" Hindi alam ng dalaga kung saan siya kumuha nang lakas upang magsalita pa gayong panay ang hagod ng dila ni Alejandro sa likod ng kanyang tainga. Alam na alam talaga nito kung saan siya lalandiin.
Tumawa lang ito nang sikuhin niya ito.
            "I love you, Rosaline Acosta!"
Halos matapilok pa ang dalaga nang marinig niya ang sigaw na iyon ni Alejandro bago siya lumabas ng kwarto nito.

ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon