28

1.8K 92 13
                                    

    Tulala pa rin si Rosaline kahit ilang minuto nang nakalapag ang eroplanong sinasakyan. Her experience during the flight scared her, bigtime. Ramdam pa rin niya ang panginginig ng kanyang mga tuhod. Maski ang malakas na tibok ng kanyang puso, naroon pa rin.
Tulala pa rin siyang nakaharap kay Alejandro habang mahigpit na nakahawak ang kanyang kamay sa braso nito, doon kumukuha ng lakas. Pa-simple na lang niyang binawi ang kamay nang makita ang abot tainga nitong ngiti. Mukhang simasamantala ng gago ang sitwasyon niya.
Nang mahimasmasan, saka lang siya tumawag ng taxi upang magpahatid sa bahay nila sa Taguig. Kahit anong pilit ni Alejandro na ihatid siya nito, hindi talaga siya pumayag. Subalit nang makitang sinusundan siya nito, wala siyang magawa kundi ipahinto sa mamang driver ang taxi na sinasakyan niya.
Lumbas siya ng taxi upang kausapin ito. Hindi pwedeng sundan siya nito hanggang sa kanilang bahay dahil siguradong magkakaroon ng gulo. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaction ng anak at ng dalawang matanda sakaling makita ng mga ito na kasama niya si Alejandro. A much worse scenario would come in kung magpapang-abot ito ng Kuya Michael niya.
          "Bakit ko ba ako sinusundan, ha?" Singhal niya rito nang makalapit sa kanya.
His face remain serious. Sa nahahapong tinig ay nagsalita ito. "I just want to see to son. Parang hindi ko kakayanin na hindi siya makita ngayon."
          "My God, Alejandro!" Yamot niyang sambit. "Nandito na naman tayo sa ugali mong 'yan eh! Di ba sinabi ko sayong hindi pa kayo peedeng magkita ngayon? Isipin ko na lang ang mararamdaman ng anak mo sakaling magpakita ka nalang bigla! Huwag mo na namang ipagpilitan ang gusto mo!"
         "Rosaline, please-"
          "Ako ang nakikiusap sayo ngayon," putol niya sa sasabihin nito. "Hayaan mong  ihanda ko muna ang bata. Hindi 'yong bigla ka na lang magpapakita nang walang heads up. Hindi natin alam kung anong magiging epekto noon sa kanya!"
Tila nahimasmasan naman si Alejandro dahil sa pagtaas ng boses niya. Sinamantala niya iyon at bumalik na sa loob ng sasakyan. Kanina pa niya gustong makita ang anak ngunit dahil sa kalokohan nito, nahihirapan at nadi-delay ang kanyang pag-uwi.
Ang hindi naman alam ni Rosaline, sinundan pa rin siya ni Alejandro ngunit pinanatili lang nito anv distansiya nila. Sapat lang upang malaman nito kung saan ito nakatira.
Nakarating siya around Fort Bonifacio sa kasusunod rito. Inihinto niya ang kotse sa di kalayuan ng huminto ang sinasakyang taxi ni Rosaline sa isang bahay. Napahigpit ang kapit niya sa manibela nang makitang may batang lalake ang lumbas mula sa gate at mabilis na dinaluhong si Rosaline. His heart constricted because of the surge of emotions. The happiness and excitement all came in when he saw that young boy's face. Hindi maipagkakailang anak nga niya ang batang iyon! Kitang-kita niya na mini replica niya ito.
Gusto niyang lumabas ng sasakyan at lapitan ito. Gusto niya itong yakapin at humingi ng kapatawaran dahil wala siya sa tabi jg kanyang mag-ina.
Nanginginig pa ang mga kamay niya nang kuhanin niya ang celllphone. Kanina pa pala iyon tumutunog. Nang tingnan niya ang caller, ang mommy niya pala.
          "Ma-" was all he could say. Pagkatapos noon, umiyak na siya at parang batang nagsusumbong dito. During those times kasi nang mawala si Rosaline sa buhay niya, noong napagtanto niya ang kamalian, he became depressed and unable to function well. Ang ina ang tanging karamay niya, pati na ang kanyang Papa.
 Wala siyang nagawa kundi ang umuwi muna, dahil na rin sa payo ng kanyang ina. Hindi daw niya pwedeng ipilit ang kanyang gusto kahit meron siyang karapatan na gawin iyon. Kaya kahit labag sa loob, minaniobra niya ang sasakyan pauwi sa bahay niya sa Makati. Kasalukuyan naroon din ang kanyang mga magulang dahuil once in a while ay lumuluwas ito mula San Agustin para lang kumustahin siya. Simula kasi nang makaranas siya ng depresyon, weekly ay pinupuntahan siya ng kanyang mama at papa.
Pagkarating niya ng bahay, agad siyang sinalubong ng dalawa.
           "Totoo ba ang sinabi mo sa telepono, anak?" Puno nang pagkagalak ang boses ng kanyan ina nang tanungin siya nito.
Nang tingnan niya naman ang kanyang papa, mababanaag sa mga mata nito ang hindi mawaring kasiyahan. Halata na parehong excited ang dalawa. Only child lang kasi siya kaya alam niya kung gaano ka-excited ang dalawa na magkaroon ng bata sa pamilya.
         "Opo, and he's five years old already." Naiiyak niyang sagot.
          "Oh my God!" Her mom exclaimed. May ilang butil na din ng luha ang namalisbis sa mga pisngi nito. Nilingon nito ang kanyang papa. " As much as we want  to see our grandson, alam nating hindi natin pwedeng ipilit ang gusto natin kay Rosaline. Naiintindihan ko na nasaktan siya pero sana naman, hindi niya tuluyang ipagkait ang apo natin."
Umiling si Alejandro. "Hindi naman daw niya ipagkakait na makilala natin siya. Kailangan lang daw nating hintayin na maipaliwanag niya sa bata ang lahat. Hindi man daw nito maintindihan ang lahat, atleast ipinaalam sa bata."
          "Mabuti naman." Sabad ng kanyang ama. "Huwag niyo ng idamay ang bata sa hindi niyo pinagkakasunduang dalawa. At kung talagang mahal mo si Rosaline katulad ng sinasabi mo, kailangan mong respetuhin ang desisyon niya dahil alam mo naman siguro ang pagkakamali mo noon. Na sana hindi mo na gawin ngayon lalo na at may bata nang madadamay sa mga desisyon niyo."
Totoo ang sinabi ng kanyang ama. Kung noon, pabara-bara lang ang desisyon niya para sa sarili, hindi na pwede ngayon. Bawat desisyon, kailangan ng pag-isipan ng makailang beses hindi lang para sa anak kundi para na rin sa kanya at kay Rosaline kung gusto pa niyang mabuo ang kanyang pamilya.
 Mabigat ang katawan niya ng mga oras na iyon. He felt like doing nothing but to see his son. And Rosaline, too. Miss na niya agad ito. Seeing her again in Cebu just ignites the fire that he's been hiding in his heart. The fire to own and claim her but he knows he can't do that now if he want a new start with her. Kung ayaw man nito sa kanya ngayon, hindi siya titigil sa panunuyo hangga't hindi ulit nagiging sila.
Kinagabihan, hindi na talaga mapakali si Alejandro. Hindi na siya nakatiis na hindi puntahan ang bahay ni Rosaline. Hindi naman  niya intensyong manggulo, gusto lang niyang matanaw kahit mula sa malayo ang kanyang mag-ina. Magmo-motor na lang siya para makarating agad doon.
Nang tunguhin niya ang kanyang motor, nakasunod na lang ng tingin ang kanyang ama at ina. Naiintindihan ng dalawa ang kanyang pinagdadaanan kaya siguro hindi na siya pinigilan nang sabihin  niya kung saan siya pupunta.
Nang marating niya ang kanyang destinasyon, hindi siya gaanong lumapit sa bahay nina Rosaline. Hinubad niya ang suot na helmet pagkatapos ay bumaba siya sa kanyang motor. Tinungo niya ang isang tindahan sa di-kalayuan upang bumili ng maiinom. Habang sinisipsip ang softdrinks na hawak, pa-simple niyang sinulyapan ang bahay ni Rosaline. Mabuti na lang at mababa ang gate noon kaya tanaw niya ang loob ng bakuran nito. 
He's heartbeats became uneven when he saw a little boy playing with his ball. Kulang ang salitang gulat upang ipaliwanag ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon habang nakikita nag mukha ng bata. Hindi maipagkakailang anak nga niya ito dahil parang pinagbiyak na bunga silang dalawa. Gusto niya itonmg lapitan ngunit natatakot siya at kinakabahan. Anong sasabihin niya sa anak sakaling magtanong ito kung nasaan siya sa loob ng ilang taon na wala siya sa buhay ng kanyang mag-ina. Parang hindi niya ata kakayanin kapag nalaman niyang galit at may hinampo ito sa kanya. Alam niya kasalanan niya ang lahat pero huwag naman ang anak niya. Huwag naman sana siyang kamuhian nito. 
Napatuwid siya ng tayo nang makita niyang gumulong ang bola nito palabas ng gate. Natakot siya nang habulin nito iyon. Baka bigla na lang kasi itong tumawid pero napahanga siya nang hindi iyon nagyari dahil tumigil ito sa gilid nfg kalsada bago luminga ng kaliwa't kanan.
          "Clever child." He can't help but admire the boy. Napangiti siya. 
Hindi naman siya makagalaw nang lumingon ito sa gawi niya. The boys eyebrow knotted, and then a big smile made way from his lips. Nakita niyang nagtatakbo na ito sa direksyon niya. Sunod niyang namalayan, nasa harap na niya ito. Nakatingala sa kanya at awang ang mga labi habang titig na titig sa kanyang mukha.
           "Daddy ko?" pasigaw nitong sambit.

ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon