"Kuya..." Yes, it was really him. And if looks could kill, malamang kanina pa binawian ng buhay si Alejandro dahil sa masamang tingin ng kapatid rito.
"No! Rosaline! Lumayo ka sa lalakeng 'yan!" He was urging her to go near him.
"Kuya no..." Umiling siya. Kumalas siya mula sa pagkakayakap ni Alejandro at pilit itong pinatayo sa likod niya hoping that her slim body could hide him. "Kuya ibaba mo 'yang baril."
Natatakot siya sa pwedeng mangyari. Nang tingnan naman niya si Alejandro, hindi man lang ito nagpatinag. He remains firm while standing, still holding her tight.
"Nice seeing you again, Acosta. What an unfortunate event that we have to meet again this way. What seems to be the matter?" Nais din niyang kutusan ang binata dahil sa sinabi nito. Lalo lang maiinis ang kanyang kuya sa kanila dahil sa pagpatol nito.
"Huwag mo akong gaguhin, Martinez! Leave my sister alone. Huwag mo siyang idadag sa mga babaeng ikinakama mo lang." Halata na galit sa mukha ng kanyang kapatid. The way he gritted his teeth reminds her of how he used to be when angered. And right now, he's already on the verge of blowing up.
"Your sister is different, Acosta. She's different." Mariin ngunit matatag na sabi ni Alejandro. Pumulupot sa baywang niya ang isang kamay nito while the other is still holding the gun. Mabuti na lang at hindi nito iyon itinututok kay Michael. Hindi na niya talaga alam ang gagawin kapag nangyari iyon.
"Gago! Kung hindi ko alam ang hilatsa ng pagkatao mo baka maniwala pa ako sa'yo, pero hindi! I know you 'till your deepest self. Kailan ka ba nagseryoso sa babae? Oh! I only have one question for my sister? Tatanungin ko siya at sa sagot niya, doon ko ibabase ang sunod kong gagawin."
Sa kanya tumuon ang paningin nito.Inaarok siya. "Anong relasyon meron kayo ni Martinez?"
Ang dalaga ang naguguluhan ngayon. Kilala niya ang kanyang kuya. He value his words so much that he expects others to value them, too. Dapat malinaw ang usapan. Dapat nakalatag ang lahat. Paano ba niya sasagutin ang tanong nito kung hindi niya alam kung ano ang label nilang dalawa. Alangan namang sabihin niyang boyfriend niya ito gayong hindi naman. Alangan namang sabihin niyang walang namamagitan sa kanila?
"Gago!" Hindi napaghandaan ni Alejandro ang suntok na iginawad ni Michael sa kanya. Nasapol siya nito sa nguso.
"Kuya! Stop it!" Hiyaw ng dalaga lalo na nANg makita niyang hindi man lang lumalaban si Alejandro. "Tama na!Kuya!"
"Lumaban kang gago ka! Ipakita mo sa kapatid ko ang tunay mong kulay! Huwag kang umastang santo sa harapan niya dahil alam nating dalawa kung anong klase ka!"
Hindi niya maawat ang kanyang Kuya. Patuloy lang ito sa pagsuntok while Alejandro still managing to dodge all of his movements. Sinasadya nitong hindi labanan ang kanyang kapatid dahil base sa mga galaw nito, alam niyang may alam ito about self defense. Baka hindi nga lang iyon ang kaya nitong gawin.
Humihingal ang kanyang kuya matapos nitong undayan ng suntok ang binata. Nang tingnan niya ang binata, he already look like a mess. Nilapitan niya ito at inalalayang tumayo. He then hug her tightly.
"Are you alright?" tanong niya rito. But she knows naman na hindi talaga ito okey base na rin sa mga natamo nitong suntok. Binalingan niya ang kapatid, masama pa rin ang tingin nito kay Alejandro.
"What do you think your doing, Kuya?" inis niyang tanong rito.
Ngumisi ito sa kanya. "Ikaw ang dapat kong tanungin kung anong pumasok diyan sa utak mo at pumatol ka sa gagong iyan? Gusto mo bang matulad sa mga babaeng nagdaan sa buhay niyan na pagkatapos pagsawaan ay iiwan na lang? Ganun ba ang gusto mo? Ha?"
"Don't worry, sanay na naman akong iniiwan ng mga taong mahalaga sa buhay ko. You knew that well too, right?" Hindi niya mapigilang sagutin ito.
Biglang lumamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. "Rosaline naman...please don't do this. Hindi naman mahirap ang ipinakikiusap ko di ba?"
"Yeah...katulad ng ipinakiusap mo sa tatay natin na iwan niya ang nanay ko for the sake of your mother. Oo nga. Hindi siya gano'n kahirap di ba?" She could hear the sarcasm in her voice.
"That wasn't the case...Oh my God! Please, sumama ka na sa akin. Or better if you stay in my house." Napipika na ito sa kanya ngunit wala siyang pakialam. Dahil ngayong nakikita niya ito, nanariwa ang sakit sa kanyang puso. The time when her father left them to be with Michaels Mom. Napakasakit noon pero kinaya niya.
"Damn!" Mabilis siyang nahila ni Alejandro patago sa likod ng sasakyan ng kanyang Kuya ng bigla-bigla ay may nakita siyang pulang tuldok sa katawan ni Alejandro. Maging ang kanyang kuya ay nagulat din ngunit naging mabilis ang reflexes ng huli kaya nakapagtago ito ng mabilis bago pa man tumama iyon sa kanila.
"Are you alright?" Mahigpit ang pagkakahawak ng binata sa kanyang kamay.
"Ingatan mo ang kapatid ko, Martinez! Tandaan mo, kapag may nakita akong maski kaunting sugat, papatayin kita."
Napuno ng takot ang kanyang dibdib. Bakit ba napakadali para sa mga itong sabihin ang salitang pagpatay? Samantalang siya, kanina pa natatakot at kung sinu-sino ng santo ang tinawag niya upang mailigtas sila. Halos lumuwa na nga ang kanyang puso dahil sa sobrang pagkabog nito.
Alejandro motioned her to be quite. Pinakiramdaman nito ang paligid. Katahimikan ang kanyang naririnig at ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Nakita niya kung paanong kumunot ang noo ng katabi niya, panay ang linga nito sa paligid. Nang tingnan naman niya ang kinaroroonan ng kanyang kapatid, gumagapang na ito papunta sa likod ng isang puno. Napaawang ang bibig niya ng makita niyang may nakasunod na pulang tuldok malapit sa kinalalagyan nito. Humigpit pa lalo lang kapit niya sa binata.
"Stay here." Alejandro's voice seemed different. Even his face looks different. Parang ibang tao ang kaharap niya. He looks like those bastards in movies who want nothing but war. Lalo na ng tanggalin nito ang kamay niyang nakahawak rito, hindi na siya nakatanggi pa. Natakot siya bigla sa naging aura nito.
Lumigid ito sa kabilang bahagi ng sasakyan, his hands gripping the gun tightly. Kahit nasa ganoong sitwasyon, hindi niya mapigilang hangaan ito. He look manly and it turns her on. Madiin niyang tinakpan ang kanyang tainga ng makarinig ng sunod-sunod na putok. Hindi siya magkaintindihan kung kanino titingin. Kay Alejandro ba o sa kuya niya? Muntik pa siyang mapasigaw ng may biglang yumakap mula sa kanyang likuaran.
"Hey...It's me, baby."
Mabilis niya itong niyakap. "Si Kuya?"
"He's fine." Sinundan niya ito ng tingin. He's still behind those trees. She sighs in relief. After that, she heard the sounds of sirens coming. Hindi niya alam kung paanong nakarating agad ang mga kapulisan ngunit ang mahalaga ay naroon na ang mga ito. Maski ang press, naroon din. She tried to hide but the police officer asked her for an interview regarding the incident. Kailangan lang daw iyon for the records. Kasalukuyan pa kasing ini-imbestigahan ang nangyaring pananambang sa kanila. Isa sa tinitingnan anggulo ng mga pulis ay may kaugnayan sa politika.
Nang matapos ang interview sa kanya ay nilapitan niya ang kanyang Kuya. "Okey ka lang ba, Kuya?"
She saw him smirked. "Buti naalala mo pa ako?"
Niyakap niya ito. Ayaw na niyang patulan ang init ng ulo nito. "I miss you, Kuya."
She really misses those times na magkasama sila dati. The typical away-bati between siblings. Kahit naman magulo ang sitwasyon nila, it didn't hinder them to love each other. Dumating nga lang sa puntong nagkasamaan sila ng loob.
"Sumama ka na sa akin, please..." Ayaw talaga nitong sumuko.
Malungkot siyang yumuko. Ayaw niyang makitang malungkot ito.
"Do you love that as*hole?"
Marahas itong napabuntunghininga ng hindi siya sumagot. Mukhang alam na ito ang sagot niya. Hindi man ito approved sa desisiyon niya ngunit alam niyang hindi naman nito ipipilit ang gusto nito.
"Kapag nalaman kong sinaktan ka ng gagong 'yan, kahit magmakaawa ka pa,kakaladkarin kita papalayo sa kanya. Nagkakaintindihan ba tayo?"
She nodded while still hugging him tightly. It feels good to be back in his arms again. Nang maghiwalay sila sa pagkakayakap,inipit nito sa dalawang palad nito ang magkabila niyang pisngi bago siya hinalikan sa noo.
"I'm sparing Alejandro from my wrath because of you. Pero tandaan mo ang pinag-usapan natin."
"Yeah...Are you leaving now?"
"Oo. Alam ko naman kasing hindi ka sasabay sa akin." Tumingin ito sa direksyon ni ALejandro. He too was staring at them. Nakita niyang nagpaalam na ito sa kausap nito at naglakad patungo sa kanila.
Siya din naman paglakad ni Michael. Tumigil ang dalawa sa gitna. Hindi niya rinig ang pinag-uusapan ng dalawa ngunit base sa ekspresyon ng mga ito, masasabi niyang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. Natuptop niya ang bibig nang makitang pasimpleng sinikmuraan ng kanyang kapatid si Alejandro. Ngumisi lamang ang huli. Pagkuwan ay naglakad ito patungo sa kanya na para bang walang nangyari.
He immediately swung his arms around her then she feels his growing stubbles on the crook of her neck. Mabilis niya itong naitulak. Napatawa naman ito sa reaksyon niya.
"Can I sleep with you tonight?" His eyes were pleading.
"Bakit? Di ba may usapan tayo na focus muna ako sa school, lalandiin mo lang ako, eh." Reklamo niya. Alam niya kasi ang mga galawan nito kaya hesitant siyang payagan ito.
"I'll just sleep. Tsaka kailangan mong gamutin ang sugat ko oh..."
Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod rito patungo sa sasakyan nito kung saan naghihintay si Carlo. Nang tanungin niya ito kung paano ang motor nito,sinabi nitong may kukuha roon at magdadala sa bahay nito. Maski ang kanyang kotse at naiuwi na sa bahay niya ng wala siyang kamalay-malay.
Dapat na nga siyang masanay. Alejandro has his own way in his own rules. He lives with it. Isa sa mga bagay na kailangan niyang tanggapin.
BINABASA MO ANG
ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIAN
RomanceALEJANDRO, the damn arrogant Mayor of the town. Rude and intimidating. But what lies behind his deep brown eyes that only Rosaline could see? ROSALINE is naughty and a pain in the ass as Mister Mayor always calls her. Really? Then let the...