"Anak,kailangan mong umuwi. Si Zaffiro, inaapoy ng lagnat." Muntik nang mabitawan ni Rosaline ang hawak niyang cellphone ng marinig ang sinabi ng ama sa kabilang linya. Mabilis niyang dinampot ang lahat ng mahahalagang papeles at basta na lang iyong isinilid sa kanyang bag.
"Ladies and gentlemen, we'll resume the meeting as soon as possible. Something urgent came up."
Hindi na niya inantay ang sasabihin ng mga ito at mabilis siyang nagtatakbo patungo sa kanyang kotse. Nanginginig ang mga daliri niya dahil sa sobrang kaba. Binuksan niya ang cellphone ng makita ang pangalan ng kanyang daddy. Itinext nito ang ospital kung saan dinala ng mga ito ang anak niya.
Wala na siyang pakialam kung ilang sasakyan ang nilagpasan niya, ang mahalaga ng mga oras na iyon ay makarating siya agad. Balot ng takot ang puso niya marinig lang ang salitang ospital. Na-confine na kasi ito noon at halos mag-agaw buhay kaya natakot na siya simula noon. Iyon na rin ang naging dahilan kung bakit hindi na niya nagawa pang ituloy ang pagdo-doktor niya. Nadala na siya.
Muntik pa siyang madapa dahil sa sobrang pagmamadali. Tinawagan niya ang ama kung nasaang banda ang mga ito. Madali naman niya itong nakita.
"Dad, anong nangyari kay Zaffiro?" Nilapitan niya ang anak na kasalukuyang umiiyak at hinahanap siya.
"It's just a simple fever, anak. Medyo nataranta lang ako."
Nakahinga siya nang maluwag dahil sa narinig. Akala niya kung ano na naman, eh.
Lalo namang umiyak ang anak niya nang makita siya nito. Iniumang nito ang magkabilang braso sa kanya, asking for her warm embrace.
Niyakap niya ito nang mahigpit. "What happen to my baby boy? Nasaktan ka ba?"
Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi, pinakatitigan ang mukha nito. Ang mukhang nagpapaalala ng kabaliwan niya sa ama nito.
Nakita niyang ngumiti ang anak. "I'm fine, Mommy. Medyo masakit lang po 'yong needle na itinurok sa akin."
"That's fine, baby. Gusto lang nilang malaman kung okey ka lang ba talaga. Tsaka, huwag kang mag-alala, nandito na si Mommy para alagaan ka." Pinupog niya ito ng halik sa mukha. Panay naman ang tawa nito.
Kapagkuwan ay nilingon niya ang Papa niya at ang kanyang Tita Maritess, nagpapasalamat siya at maagap na nadala sa ospital ang kanyang anak.
"Dad, Tita, salamat po sa pag-aalaga kay Zaffiro." Through the years, natutunan niyang tanggapin ang lahat ng nangyari sa kanyang pamilya. Ano pa nga bang magagawa niya kung mas pinili ng kanyang ama na sumama sa babaeng tunay nitong minamahal? Siguro nga, masyado pa siyang bata noon para maintindihan ang sitwasyon ng kanyang mga magulang pero noong naranasan niyang masaktan at ng magkaroon na siya ng anak, she became more mature making it easier for her to understand everything. She started weighing things first before jumping into conclusions. Sana nga noon pa, mature na siyang mag-isip. Sana noon, nakinig siya sa kanyang kuya, hindi sana siya nagsisisi ngayon. Pero kung may isang bagay man na hinding-hindi niya pagsisisihan, iyon ay ang pagdating ni Zaffiro sa kanyang buhay.
"Naku, anak. Wala iyon.Kami nga ang dapat na magpasalamat sa'yo kasi dumating kayo sa buhay namin. Lalo na si Zaff, halos sa kanya na nga kang umiikot ang buhay namin, eh." Napahagikhik naman ang kanyang anak ng pisil-pisilin ng lolo nito ang magkabilang pisngi nito.
"Naku, hija. Nagiging malakas at energetic kami ng daddy mo nang dahil sa batang 'yan." Natatawa wika ng kanyang Tita Maritess. At alam niyang tunay ang lahat ng iyon dahil noong mga panahong kailangan niya ng tulong at lugmok na lugmok na, ang dalawang ito ang nagsilbing tagapagligtas niya. Ang dalawang ito ang nagpalakas sa kanya at nagparamdam na hindi siya nag-iisa. Na may karamay siya sa pinagdadaanan niya. Pasimple niyang pinalis ang luhang naglandas sa kanyang pisngi.
"Thank you so much." She mouthed to the both of them.
Ngumiti lang ang dalawa sa kanya.
Nang masigurong maayos at wala namang dapat ipag-alala, na-discharge naman agad ang kanyang anak. Dala lang siguro ng pabago-bagong panahon kaya ito nilagnat.
"Mommy, may work ka po ba ngayon?" tanong ng kanyang anak habang nasa biyahe sila. Tiningnan niya ito mula sa rearview ng sasakyan niya. Sila lang kasing dalawa ang magkasama habang naka-convoy ang lolo't lola nito. "Gusto ko po sanang magplay tayo tapos hug-hug mo 'ko habang nakahiga tayo."
Napangiti siya, her heart swelled with so much happiness. Naglalambing na naman ito sa kanya.
"Sige, I won't work 'till tomorrow basta papayagan mo akong umalis papuntang Cebu for Lolo's business?"
Natawa siya ng umakto itong nag-iisip, salubong ang kilay nito at kumikibot-kibot pa ang mga labi. "How long are you gonna be in Cebu?"
"Uhm, two days, baby. Okey lang ba? Promise, I'll call every now and then."
Sana nga ay pumayag ito. Sayang ang makukuha niyang investor kapag hindi siya natuloy. Hindi na rin naman kakayanin ng kanyang daddy na magbiyahe pa ng malayuan. Isang beses na din itong na-stroke at natatakot siyang baka abutin ito sa daan.
"Basta, promise me that you'll call every time. Mami-miss kita, eh." Nagkandahaba ang nguso nito. Ito ang nagiging problema niya madalas, clingy kasi ito masyado kaya ayaw nito napapalayo siya.
"Siyempre naman! Mami-miss din kita ng sobra kaya tatawagan kita palagi, okey? So, it's a deal baby?" Sabay kindat niya rito ng mahuli niya itong naktingin sa kanya.
"Deal po." Nagkatawan sila ng subukan nitong kumindat pero hindi nito makaya. Dalawang mata pa rin ang nakapikit kahit anong ngiwi nito para matutong kumindat.
Kinagabihan, they did movie marathon. Lahat ay paborito nito mula Lion King, Sonic hanggang Peter Rabbit tapos andami pang nakahilerang mga pelikula na akala mo naman ay makakayanan nilang tapusin sa loob ng dalawang araw.
Natawa na lang siya dahil hindi pa nga nangangalahati ang una nilang pinanonood ay nakatulog na agad ito. Dahan-dahan siyang bumangon at inayos ito sa pagkakahiga. Agad nitong niyapos ang paborito nito penguin stuff toy.
Pinatay niya ang tv at binitbit ang pinagkainan nila sa ibaba. Naabutan niya ang kanyang daddy na nagkakape sa komedor.
"Oh, anak, akala ko ba manonood kayo ng apo ko?" Nilingon pa nito ang kanyang likuran sa pag-aakalang kasunod niya ang anak.
"Naku, Dad. Nakatulog na po. Hindi pa nga ho nangangalahati ang pelikula ay bumagsak na." Masarap lang sa pakiramdam na habang nanonood sila kanina ay mahigpit itong nakayakap sa kanya. Just like his Dad, clingy din at possessive.
"Hija, okey ka lang ba? Anak?" Kung hindi pa siya hinawakan ng kanyang daddy, hindi siya mahihimasmasan. Nawala na naman siya sa huwisyo, naisip lang niya ang naging karanasan niya sa kamay ng lalakeng una niyang minahal.
"Ha? Ahm, opo. Okey lang po ako," sagot niya ngunit alam niyang hindi naniniwala ang kanyang ama. Hindi lang ito nagtatanong sa kanya. Maluwag at bukas kamay siya nitong tinanggap, walang tanong-tanong pa. Kahit pa ng nakita siya nito noong gabing tumakas siya mula kay Alejandro, hindi ito nagtanong.
"Natatakot ako, Dad." She tried conversing with him. May karapatan naman itong malaman ang lahat ng nangyari noong gabing iyon at kung sino ama ni Zaff. "Natatakot akong dumating ang araw na tuluyang hanapin ni Zaff ang kanyang ama."
Yumuko siya, ayaw niyang makita ang reaction ng kanyang ama. That he would blame her for everything that she's been through,l alo na ang pagiging disgrasyada niya.
"You can't hide all your life anak. Darating at darting talaga ang panahon na magkikita ang mag-ama lalo na kung tuluyan ng maghanap ang anak mo sa tatay niya. Oo, kaya mo pang punan sa ngayon ang pagiging ama at ina ngunit lately, natututo na siyang magtanong. Hindi mo naman gugustuhing magsinungaling sa kanya di ba?"
"Pero natatakot ako, Dad. Paano kung kunin niya ang anak ko?"
"Sa tingin mo, sasama ang anak mo?" Sa itsura ng kanyang daddy, confident itong hindi sasama ang kanyang anak. Pero paano kung gustuhin nga nitong sumama sa tatay nito? "Tsaka, mas maigi na ngang magkita ang dalawa ng malaman niya kung ano ang sinayang niya at pinakawalan? Tingnan natin kung hindi siya magsisi."
"Sana nga, Dad." Pero sa loob-loob niya,isipin pa lang niyang makikita niya itong muli ay nanginginig na siya sa takot, what more kung kuhanin pa nito ang kanyang anak?.
"Ay siya, matulog ka na. Huwag mong pangunahan ang nakatakdang mangyari, hija. Basta maging malakas ka lang at manalig palagi sa Diyos, walang problema na hindi nasusulusyonan."
Tinulungan niya itong tumayo, pagkatapos ay niyakap ito ng mahigpit. "Salamat, Dad."
Naramdaman niyang hinalikan nito ang kanyang noo. "No, thank you for coming back and for sharing Zaff with us. Mahal na mahal ko kayong dalawa."
Naiwan siya roon naiiyak at malalim ang iniisip. Huminga siya nang malalim, trying to convince herself that it's alright. That it's fine.
Kinabukasan ay sinulit niya ang oras nilang mag-ina. They went to the mall and went to a theme park where he played a lot. Nang magutom sila ay nagyaya ang anak na kumain sa paborito nitong fast food restaurant. Kaya hindi na siya nagtaka na nakatulog agad ito habang nasa biyahe sila. Agad siyang sinalubong ng kanyang Daddy at Tita Maritess ang kinuha ang mga laruan at damit na napili ng anak kanina.
"Naku! Mukhang pagod na pagod ang aking apo, ah?" Nakasunod ang lolo nito, nakaaalay sa kanilang mag-ina. Medyo mabigat na kasi si Zaff para sa edad nito. Nakuha nito ang pagka-malaking bulas nito kay Alejandro.
"Opo. Walang ginawa kundi ang maglaro at tumakbo nang tumakbo. Talagang sinulit ang oras na magkasama kami."
Nagpatiuna siya sa paglalakad dahil natatakot siyang mabitawan niya ito.
"Akyat ko na muna sa kanyang kwarto si Zaff, Dad."
"Sige, anak. Kung gusto mong kumain,nagluto ako ng kare-kare."
"Susunod ako, Dad." Memorize na talaga nito na kadalasan ay hindi siya gaanong nakakakain kapag inilalabas niya ang anak ng silang dalawa lang. Masyado kasi itong hyper kaya wala na siyang oras pa.
Matapos niya itong bihisan at ng masigurong maayos na ito at nagpalit naman siya ng damit at bumaba na. Naabutan niyang nagkakape ang dalawang matanda sa komedor.
Tumayo ang kanyang Tita Maritess upang ipaghanda siya ng pagkain. Nagpasalamat siya rito dahil talagang pagod na siya at nananakit na ang kanyang binti.
"Talagang pinagod ka ng anak mo, ah..." Napansin marahil ng kanyang ama ang pasimple niyang paghimas sa kanyang binti. Pagkuwan ay mataman siya nitong tinitigan.
"Bakit, Daddy?"
"Alejandro's gonna be at the convention," tugon ng ama. "Handa ka na bang makita siyang muli?"
Hindi siya makasagot. Ang tanging alam lang niya ng mga oras na iyon ay ang malakas na kabog ng kanyang dibdib.
BINABASA MO ANG
ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIAN
RomansaALEJANDRO, the damn arrogant Mayor of the town. Rude and intimidating. But what lies behind his deep brown eyes that only Rosaline could see? ROSALINE is naughty and a pain in the ass as Mister Mayor always calls her. Really? Then let the...