12

2K 78 3
                                    

  "Damn it!I need you now...I need you to come here as soon as possible!" hiyaw niya kay Turn sa kabilang linya. Nasa kabilang bayan ito kaya ito ang naisip niyang tawagan. Panay ang reklamo nito ngunit ni isa ay wala siyang naintindihan. Nakatuon ang kanyang paningin sa dalagang nakahiga sa kama nito.                                                                                                                                    
Nilapitan niya ito at idinampi ang kamay sa noo nito. Hinawakan niya ang kamay nito at itinapat sa kanyang dibdib. She was sweet and innocent. Fragile, too. Pero nagawa niya itong saktan. Parang may tumarak sa kanyang dibdib ng makita ang sugat nito sa labi. Halos isumpa niya ang sarili ng makita ang pasa nito sa magkabilang braso. Bakat ang kanyang mga daliri doon.
            "What did you do, Alejandro?" Hindi niya napigilan at sunod-sunod niyang sinuntok ang dingding sa kwarto ng dalaga. Hindi siya tumigil kahit pa umaagos na ang dugo mula sa kanyang kamao. Yes, he may be an arrogant asshole and a womanizer but never in his entire life he had hurt a woman. Hindi niya iyon magagawa.Hindi niya napigil ang sarili kanina dahil sa labis na selos.
            Selos?    
Kailan pa siya nakaramdam ng ganoon? Tinitigan niya ang dalaga. Ang babaeng nagsimulang magpadama sa kanya ng mga emosyon na hindi niya mapangalanan.
Narinig niya ang pagtigil ng isang motorsiklo sa labas. Nang dungawin niya iyon, nakalulan roon si Turn. Lumabas siya upang pagbuksan ito ng pinto.
           "Who is this girl that your bubbling on the phone?" Nilinga nito ang paligid. "Hindi mo ito bahay, ah. Nagulat pa ako ng i-text mo sa akin ang address."
            "Huwag ka ng magtanong at tingnan mo na lang siya."
             "Ano ba kasi ang nangyari?" tanong nito.
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. "Mataas ang lagnat niya. Because of me. I did terrible things to her na hindi ko naman sinadya at hindi ko ginusto."
Tinalikuran niya ito at nagpatiuna sa kwarto ng dalaga. Wala silang imikan ng makapasok si Turn sa kwarto. Kahit noong  tsini-check nito ang dalaga, hindi rin ito umiimik sa kanya. Panay ang iling nito habang tinitingnan si Rosaline. Hindi niya napaghandaan ang sunod nitong ginawa. A solid punch came straight right to his face.
         "You deserve that."
 Pinahid niya ang munting dugo na dulot noon. Galit ang nasa mata ni Turn subalit ng makita nito ang nagdurugo niyang kamay, unti-unting lumambot ang expression ng mukha nito.
            "Sit down," utos nito sa kanya. "Gagamutin natin ang sugat mo."
Wala silang imikan habang ginagamot siya nito.
           "Alam ba ito ni Michael?" Tinapunan nito ng tingin ang dalagang nakahiga.
            "W-what? Why? Michael has nothing to do with us." Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Nagkaroon din ba ng relasyon si Michael at Rosaline?
           "Does Michael knew that you're banging his little sister?"
Hindi siya nakasagot sa tanong ni Turn. Wala siyang maisip.
Napailing si Turn. "You're making a mess, Alejandro. Alam mong hindi ito malalampasin ni Michael kaya kung hindi ka seryoso sa kapatid niya, mabuting ngayon pa lang ay tapusin mo na kung anong namamagitan sa inyong dalawa. Ayokong makita ang dalawang kaibigan ko na nagpapatayan."
Hindi makaimik si Alejandro. Nalilito siya sa kung anong dapat niyang gawin. Isipin pa lang niya na lalayuan niya ang dalaga, parang hindi niya kakayanin but on the contrary hindi din niya maiibigay ang klase ng relasyon na gusto nito.
           "Mga gamot na kailangang bilhin." Iniabot nito ang kapirasong papel sa kanya. "Mauuna na rin ako. Masyado mong inaabala ang bakasyon ko dito sa lugar niyo."
Sinamaan niya ito ng tingin. "Gago! Alam kong hindi bakasyon ang ipinunta mo rito. Malamang sinusundan mo na naman 'yong babaeng kinababaliwan mo. Pwede ka namang maghanap, pero bakit sa may asawa na?"
Nagkibit-balikat lang ito. "Got to go."
Agad niyang binalikan si Rosaline sa loob ng kwarto nito. Inayos niya ang kumot nito hanggang sa may dibdib. She flinched a little.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon at tinawagan si Carlo upang pabilhin ng gamot ng dalaga. Sinabihan na din niya itong bumili ng pagkain, prferably 'yong may sabaw. Pagkatapos ng tawag ay nilapitan niya ang dalaga ng makitang unti-unti na iyong nagigising.
           "Baby girl..." Hindi niya alam kung paanong kakausapin ang dalaga.
Walang reaction mula sa dalaga. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya, wari bang pinag-aaralan ang buo niyang pagkatao. Ngunit nasasaktan siya sa nakikita sa mga mata nito.
Pain.
Hindi man ito magsalita ngunit ang sakit na nasa mga mata nito ay hindi nito maikakaila sa kanya. Kinuha niya ang magkabila nitong kamay at hinalik-halikan.
            "I'm so sorry. Hindi ko sinasadya iyon. Hindi ko gustong gawin 'yon sa'yo."
            "But you did. Look at me, Alejandro. Do I deserve to be treated like this?" Puno nang hinanakit ang tinig ng dalaga. Sobrang sakit sa dibdib.
           "You deserve nothing less, baby girl. And I know I'm being a pain in the ass and what I did was unforgivable. I'm sorry."
           "Then why are you saying sorry if you knew that what you did is unforgivable?" Huminga siya nang malalim."
            "I know...I know but still, I'm saying sorry. I know that what I did was unjustifiable. I was just jealous." Halos pabulong na ang huling salita ni Alejandro. Bago sa kanya ang emosyong iyon kaya hindi niya alam kung paanong pakikitunguhan.
Kasabay ng pagkunot ng kanyang noo ay ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. He was jealous?Mukhang malabo naman ata.Kasing labo ng relasyon na meron sila.
           "Jealous?" lakas loob niyang tanong rito. Baka kasi dinadaya lang siya ng kanyang pandinig.
Tumango ang binata. Hindi ito makatingin ng diretso sa kanya.
Pilit niyang ikinukubli ang ngiti sa kanyang labi. "Why would you get jealous? I thought we're together already?"
Nagtaas ito ng paningin. "I know but I just can't help it. Nang makita ko kayo kanina, you were happy and enjoying that man's company. You had fun with him. Gusto ko ako lang ang gagawa noon para sa'yo."
Doon na siya nainis sa sinabi nito. "Baliw! Anong gusto mo? Gawin kong miserable ang buhay ko kapag iba ang kasama ko kasi baka magselos ka kapag nakita mong masaya ako kasama ang iba? Alejandro naman, be fair enough. And please, act your age!"
Niyakap siya nito. "I'm sorry na please. Hindi na ito mauulit. Promise."
She rolled her eyeballs upon hearing the word promise. "You are really a politician. Promises are made to be broken once they are in their position already."
            "I'm sorry...hindi talaga mauulit." Patuloy pa rin ang paghingi nito ng tawad. Hindi rin ito umalis mula sa pagkakayakap nito sa kanya.
           "Talagang hindi na dapat pang maulit 'yon Alejandro dahil sa susunod, dalawa lang ang kahihinatnan ng relasyon nating ito. It's either maghiwalay tayo o mapatay ka ng kuya ko!" At the back of her mind says that she's doing this because she already falls for him at pakiwari niya, ikamamatay niya kapag nawala si Alejandro. Ngayon pa lang na naiisip niya ang ganoong scenario ay nanghihina na siya at sobrang nasasaktan. What more kung magkatotoo?
           "I know, baby girl." He caresses her face. "I'm so sorry."
Pinakatitigan niya ang binata. Tanga ba siya kung piliin niyang balewalain ang ginawa nito at umasang magkakaroon ng katugon ang nararamdaman niya para dito. Katangahan bang magbakasakali siyang matututunang siya nitong mahalin? Katangahan bang umasa siyang magbabago ang paniniwala nito tungkol sa pag-ibig at pagpapakasal?
Huminga siya nang malalim.
           "What was that for? Ang lalim noon ah..."
Lakas-loob niya itong tiningnan sa mga mata. "Is there a chance that you would fall for someone and then ask her to marry you?"
Nakita niya ang kalituhan sa mukha ng binata.
She sigh.
Alam na niya ang sagot, bakit pa ba niya itinanong?




ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon