21

939 21 0
                                    

 Dahil sa sobrang pagod, matagal siyang nakatulog.Hindi na niya namalayan ang mga sunod na nangyari. Nagising na lang siya sa isang silid kung saan hindi siya pamilyar. Kinusot niya ang mga mata sa pag-aakalang nananaginip lang siya. Wala kasing katapusang tubig ang nakikita niya sa harapan niya. Sakto namang pasok ni Alejandro, may dala itong pagkain nila.
            "Where are we?"
Lumapit ito sa kanya at hinawi ang buhok niyang tumatabing sa sa mukha niya pagkatapos ay itinali nito ang kanyang buhok.
            "Kain na tayo..."
            "Where are we, Alejandro?" Nainis siya sa hindi nito pagsagot sa kanyang tanong.
            "Bali."
            "Indonesia?" hiyaw niya. "Anong ginagawa natin dito, Alejandro? May pasok ako mamayang hapon!"
            "I had everything covered for you." Hindi man lang ito tumitingin sa kanya. "Mas mabuti na ito. Nang makalayo ka na doon kay Bobby. Kung hindi man siya lumayo sa'yo, ako na ang gagawa ng paraan para hindi na kayo magkita."
            "Nababaliw ka na ba? Hindi mo pwedeng gawin 'to!"
            "But I just did. Now,eat." Wala siyang nagawa kundi tanggapin ang iniumang nitong pagkain sa kanya. Hindi ito tumigil sa pagsubo sa kanya hangga't hindi niya nauubos ang inihanda nitong pagkain.
            "Just sit there. Ilalabas ko lang itong pinagkainan mo at ihahanda ko na ang pampaligo mo."
            "Kaya ko na-"
            "Basta, huwag kang makulit. Umupo ka lang diyan at hintayin mo 'ko."
Ano na naman kaya ang nakain nito at pinagsisilbihan siya? Mukhang may sapi, eh. Baka nahimasmasan sa mga pinaggagagawa nito sa kanya.
Saglit nga lang ay nakabalik na ito a nagtuloy sa banyo. Pagbalik nito,agad siyang binuhat nito papasok sa loob ng banyo.
            "Umalis ka na. Kaya ko namang maligo mag-isa, eh." Ngali-ngali niya itong sapakin ito sa mukha dahil sa katigasan ng ulo. Ayaw pa sana nitong umalis ngunit ng makita nitong galit na talaga, saka lang lumabas.
Mabilisan siyang naligo. Kailangan niya itong kausapin kung anong ginagawa nila sa Indonesia. For God's sake! Natulog lang siya tapos pagkagising niya, nasa ibang bansa na siya.
Teka lang, paano nga palang hindi niya namalayan ang lahat ng ginawa nito sa kanya? Ganoon ba siya kahimbing matulog kung kaya't wala siyang kamalay-malay sa mga nangyayari? Agad namang namula ang buong mukha niya ng maalala ang maiinit na sandali na pinagsaluhan nila ng binata. Malamang wala nga siyang kamalay-malay sa mga pangyayari dahil sa sobrang pagod niya. Ilang beses na may nangyari sa kanila at kung hindi man, panay ang pangungulit nito sa kanya kaya hindi siya nakatulog kaagad.
            "Baby, are you not done yet?" Napapitlag siya ng marinig ang boses nito.
            "Kanina pa sana ako lumabas kung tapos na ako," inis niyang sambit. Sapo-sapo niya ang dibdib dahil sa gulat. Bigla na lang kasi itong sumisigaw sa gitna ng kanyang pagmumuni-muni.
Nadatnan niyang nakasandal ito sa kama. Nakasunod ang tingin nito sa bawat niyang galaw, hindi na rin siya nag-abalang pang lumayo upang magbihis. Right infront of him she losen up the towel around her body. Nakita niya kung paanong nagtaas-baba ang adams apple nito at kita niya kung paanong ibinaling nito ang tingin sa ibang direksyon ng taasan niya ito ng kilay.
Nang matapos siyang magbihis, hinawakan siya nito sa kamay at hila-hila siya palabas.
            "Saan ba tayo pupunta? Mas gusto kong manatili na lang sa kwarto...I'm dead tired Alejandro."
Tumigil ito sa paglalakad, nilingon siya. "Bakit hindi mo sinabing pagod ka pala? May masakit ba sa'yo?" Sinalat nito ang kanyang leeg at noo.
            "Wala naman akong sakit, eh. Kaya nga sa nangyari sa atin kahapon, sa paulit-ulit mong pag-angkin sa akin, sa tingin mo may lakas pa akong magliwaliw?"
Lumambot ang mukha nito. Pumaikot ang braso nito sa baywang niya. "Okay, let's rest for now. Bukas na lang tayo mamamasyal."
Napatili siya ng bigla siyang nitong pangkuin at dalhin sa kwartong pinaggalingan nila kanina.
            "Ibaba mo na ako.Hindi mo na ako kailangan buhatin pa."
Panay ang pakiusap niya rito subalit hindi ito nakinig sa kanya kahit pa anong pakiusap niya. Nahihiya lang kasi siya sa mga kasama nila sa bahay. Nadaanan nila si Carlo na nanonood sa sala. Hindi ito umimik ngunit naroon ang mapanuksong ngiti sa mga labi nito.
            "Alejandro naman, eh..."
Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito upang itago ang pamumula ng kanyang mukha. Letse kasing lalake ito. Kung anuano na lang pumapasok sa isip. Hindi niya tuloy maiwasang mag-isip kung dalawa ba ang personalidad nito. Demonyo kung minsan tapos ngayon, daig pa nito ang isang alila niya. Wagas kung pagsilbihan siya.
Pinadapa siya nito sa kama.
            "Bakit?"
Natakot siya bigla. Baka kung ano na naman ang maisipan nitong gawin sa kanya.
            "Relax baby." Mapanukso itong ngumiti sa kanya. Pagkatapos ay may kinuha ito sa loob ng isang drawer. Isang maliit na botelya.
Naglakad ito pabalik sa kanya at pumwesto sa likurang bahagi niya. Naramdaman niyang ibinaba nito ang zipper ng suot niyang dress.
            "What are you doing-"
Hindi ito sumagot, bagkus naramdaman niya ang mainit nitong palad na humahaplos sa likod niya. Massaging her back. Buong katawan niya ang minasahe nito kaya hindi niya namalayang nakatulog na ulit siya.
Napangiti naman si Alejandro nang makita niyang nakatulog na ulit ang dalaga. This past weeks, may mga bagay siyang nagawa sa dalaga na alam niyang hindi katanggap-tanggap ang rason.
He sighed heavily. Ito ang ikinatatakot niya,ang tuluyang mahulog ang loob sa isang babae. He knows how possessive can he be when he's in a relationship at natatakot siyang masakal ang dalaga at tuluyang iwan siya nito. Alam din niya kung gaano siya kabilis magalit at ioyon ang lubos niyang ikinatatakot. Paanong kung dumating ang panahon na tuluyan na nga siyang mahulog sa dalaga at hindi niya makontrol ang kanyang emosyon lalo na kapag nakita niyang may mga lalakeng umaaligid dito. She's just a natural charmer kaya hindi imposibleng may lalakeng magkagusto rito. She's sweet and caring, too. Any man could wish for a woman like her. He's just possessive and territorial enough upang bakuran kung anumang meron sa kanilang dalawa.
Tumabi siya rito at mahigpit itong niyakap. Ni hindi man lang ito nagising ng yakapin niya ito ng sobrang higpit kahit pa ng haplos-haplusin niya ang pisngi nito, she just stirred from sleep at lalong nagsumiksik sa kanya.
After a while ay bumangon siya upang ipagluto ito ng pagkain, gusto niyang bumawi rito. And later this evening, he would ask her out. May alam kasi siyang resto-bar, she'll treat her. Kahit anong gusto nitong gawin,ito ang masusunod.
Para siyang timang habang nagluluto, napapatulala sa kawalan. Ganito nga siguro kapag in love.
In love? In love na nga ba siya dalaga?
Napailing siya.Marahil nga.Hindi niya alam ang pakiramdam ng inlove ngunit kung hindi ito 'yon,ano pa ang itatawag niya rito?
Maybe he should ask Carlo about it.
He cooked sinigang na hipon for her, napansin niya kasing mahilig ito sa ma sabaw. Nagpahanap din siya ng cake kay Carlo knowing how they both love cakes. And speaking of cakes, hinahanap-hanap din niya kung cake na ipinatikim ng kanyang Mama dati. Siguro pagbalik nila, tatanungin niya ito kung saan nito iyon nabili.
Saktong katatapos lang niyang magluto ng dumating si Carlo dala ang cake na pinabili niya.
            "Ang layo pa ng narating ko sa paghahanap niyan, Mayor!"
            "Are you sure she'll like this?"
Mataman na tinitigan ni Carlo ang kanyang amo. Ngayon niya lang ito nakitang ganito, takot na baka hindi magustuhan ang ginawa nito. All along, sa bawat trabaho at desisyon nito,palagi itong detalyado at sigurado. Nagagawa nga naman ng pag-ibig.
            "May sample sila, Mayor. Sa tingin ko naman, pasado na siya sa taste ninyo." Iniabot niya rito ang cake. Akma na siyang aalis ng bigla itong magsalita.
            "How do you know if your in love?" Narinig niyang tanong nito. Lintik na nga! Tinamaan na nga yata ito kay Rosaline.
Humakbang siya pabalik at hinarap ito. "Gusto niyo ba ng straight at totoong sagot?"
            "Yeah. Let's get straight and done."
Napangiti siya. "Ganito lang 'yan, Mayor. Kung oo ang sagot mo sa magiging tanong ko, diffinitely, you're in love." Mataman lang itong nakatingin sa kanya kaya ipinagpatuloy niya ang sinasabi. "Gusto mo ba siyang nakikita palagi? Gusto mong siya ang katabi mong matulog at siya ding magigisnan sa paggising mo? Gusto mong nakikitang masaya siya palagi? Gusto mong pagsilbihan siya? Ayaw mong nakikita na may lalakeng umaaligid dito? And in fact, gusto mo silang sapakin upang hindi na makalapit pa sa dalaga? Natatakot kang magkamali at masaktan siya? Natatakot kang iwanan kaniya? Natatakot kang malaman na hindi ka mahal ni Rosaline?"
Naalarma siya sa huling tanong ni Carlo. Paano nga kung wala talagang nararamdaman ang dalaga sa kanya? Paano nga kung masakal ito sa kanya at tuluyan na siyang iwan?
                "Kaya mo 'yan, Mayor. Alagaan mo lang siya at sigurado akong mamahalin ka niya. Teka lang, mahal mo na ba?"
            "Hindi ko alam. Siguro." Bahala na nga. He'll just cross the bridge when he get there. Ang mahalaga sa ngayon ay nasa kanya si Rosaline. "Mauna ka ng kumain diyan. Nagluto ako ng sinigang na hipon."
Habol ng tingin ni Carlo ang likuran ng kanyang amo.
            "In lababo nga ang gago!" Marahas siyang napalingon ng mapabigla siya sa kanyang sinabi. Nakahinga siya nang maluwag, mukhang hindi nito narinig ang kanyang sinabi.
Alejandro started raining kisses on her shoulder blade down to her bare back. She smell like mint, dahil sa inilagay niya sa likod nito kanina. Niyakap niya ito ng mahigpit.Napangiti siya ng makita ang unti-unting pagbukas ng mga mata nito.
            "You must really be tired para makatulog ulit...." He kisses her on the lips. "Bangon ka na, sabay na tayong kumain."
            "Anong oras na ba at kakain na tayo ulit?" Pilit iniiwas ni Rosaline ang kanyang mukha. Panay kasi ang halik ni Alejandro.
Napatili siya ng bigla siya nitong buhatin at dinala sa kusina.
            "Ibaba mo na ako...nakakahiya." Panay ang hampas niya sa braso nito.
Tawa lang ito ng tawa. Mukhang maganda ang mood nito. Masarap lang sa pakiramdam na makita itong ganito. Ngunit hanggang kailan ba? Hindi niya maiwasang mag-isip ng negatibo na baka sa susunod, iiyak na naman siya dahil dito.
Mataman niya itong tiningnan, he seemed a different man today.
Sinalat niya ang noo at leeg nito. "May sakit ka ba?"
            "Huh? Wala...bakit mo naitanong?" Maski ito nagulat sa iginawi niya.
            "Sinapian ka ata ng angel ngayon?"
            "Hindi ba pwedeng gusto ko lang? Kailangan ba may rason pa?"
            "Sige na nga. Samantalahin ang kabaitan ni Mayor. Minsan lang kasi ito." Inirapan niya ito, baka sakaling maitago niya ang kiliv na kanyang nararamdaman.
            "Okey ka na ba?" Ito ang nagsandok ng kanin niya. Pati ang inumin niya, nakahanda na.
Tumango siya bilang pagsang-ayon. Hindi kasi siya makapagsalita dahil sa kanyang kinakain. "Why?"
            "I knew a place where we could hang out and chill. Kung okey lang sa'yo."
            "Uhuh...sige. Sayang naman ang ipinunta natin dito kung hindi tayo lalabas di ba?"
Umaliwalas ang mukha nito dahil sa sagot niya. Ito rin ang nagligpit sa pinagkainan nila at wala silang ginawa maghapon kundi ang manood ng pelikula and she was surprise that Alejandro would be fun to be with in times like this.
Kinagabihan, everything was prepared for them maski ang damit na susuutin niya hanggang sa sapin niya sa paa. Nagulat pa siya dahil ito mismo ang pumili sa susuutin niyang damit, medyo kita ang tagiliran noon but not too much. Above the knee iyon at free flowing pa kaya masarap sa katawan. Alejandro wears something comfy, just a pair of jeans and a long sleeve na nakatupi ang dulo hangganga siko. Well, he looks yummy at sigurado siyang maraming babae ang lalandi rito mamaya.
            "Let's go,baby?" Bakas ang paghanga sa mukha nito ng makita siya. "You look lovely..."
            "Ikaw din naman." Inayos niya ang kwelyo ng suot nitong damit.
Ikinawit nito ang braso nito sa kanyang baywang, she could feel the heat on his hands on her bare skin. Kinuha nito ang susi mula kay Carlo, he was planning on going out with just the two of them. Sinabihan nitong mamasyal si Carlo but he decline. Mas gusto pa daw nitong matulog na.
The moment they reached their destination, agad na pumulupot ang kamay ni Alejandro sa kanyang baywang. Mataman niya itong tinitigan,umandar na naman ang pagiging possessive nito.
            "Hey," Agaw niya sa pansin nito. "We came here to relax not to vent down your anger and jealousy on someone. Don't make me walk out on you." She warned him. Kilala niya ito.Para itong aktibong bulkan na anumang oras ay pwedeng sumabog.
She saw him taking a deep breath, trying to control his emotions.
Inakay siya nito sa mesa malapit sa gitna so they could see the performers at the front. It was cozy and breezy, just a perfect place to relax. Alejandro ordered Ayam Bakar Taliwang, Ikan Bakar and Nasi Uduk. Hindi niya alam ang mga lutong sinabi nito but hopefully magustuhan niya ang mga ito. She sigh in relief when their orders arrived. So far, Ayam Bakar Taliwang was a grilled chicken while Ikan Bakar was a grilled fish and Nasi Uduk was a coconut rice
Nakita niyang napangiti si Alejandro dahil sa ginawi niya.
            "I thought it was something that I couldn't eat. Unfamiliar kasi ng mga names." She explain kahit hindi naman ito nagtatanong.
            "Do you want something else?"
            "Hala! Ayoko nga! Baka kung ano pa ang orderin ko tapos hindi ko naman pala makakain." Kuntodo iling siya.
            "It's okay. At least nai-try mo ang cuisine nila."
Ayaw pa rin niya talaga. Sumuko na rin ito,natakot sigurong kapag napilitan siyang umorder ay ito ang uubos.
And so far, nagustuhan naman niya ang pagkain lalo na 'yong grilled chicken. Hindi niya talaga matandaan ang pangalan ng mga pagkain.
Nakita niyang may tiningnan si Alejandro sa cellphone nito. Mukhang problema ata ang nabasa base sa itsura nito.
            "Is everything alright?"
Tumango ito. "Can I just call someone? It would be very quick, I promise."
            "It's fine." Luminga-linga siya.Napangiti siya ng makita ang bar counter. Ewan ba niya but she's just so amazed at how wine glasses and bottled liquor looked elegant. "Can I go there?" Itinuro niya ito kay Alejandro.
            "Yeah...but don't drink yet. Baka malasing ka." Luminga-linga ito sa paligid. She heard him groaned. "No boys allowed okay?"
            "Gago!" Nauna siyang tumayo at hinalikan niya ito sa labi. "There. They already know that I belong to you."
Hindi ito makahuma sa ginawa niya. She winked at him bago niya ito itinulak. "Go.Take that call. Doon lang ako, baby."
She tried teasing him, at mukhang gumagana naman. Namula kasi ang buong mukha nito.
Sumaglit muna siya sa powder room bago nagtungo sa bar counter.
            "Margarita please..." sabi niya sa bartender. She was busy looking at the place kaya hindi niya napansin ang bartender na kanina pang nakatitig sa kanya.
            "Acosta? I mean, Rosaline Acosta?"
Nag-angat ng tingin ang dalaga ng marinig niya ang kanyang pangalan. And to her surprise, she saw Albert, one of her close male friends during high school. Albert and Bobby was her male friend whom she's comfortable with.
            "Alberto!" sigaw niya ng mapagsino niya ito. Inabot niya ito at niyakap ng mahigpit. Pinanggigilan naman nito ang kanyang pisngi at pinisil-pisil pa iyon.
            "Namiss kita ng sobra! Narito ka lang pala!" bulalas niya. She really is happy meeting him again. "Ang gwapo na natin ngayon ah! Hindi ka na tingting, eh."
            "Parang ikaw, di ko akalain na lalaki ka pa. Bansot ka noon di ba?" Pang-aasar nito sa kanya. Maliit nga naman siya during her high school days, buti na lang kahit paano ay nag-evolve siya ng kaunti.
Malakas niya itong hinampas sa braso. Tumawa lang ito at ginulo-gulo ang kanyang buhok. Kapagkuwan ay niyakap ulit siya nito. "Namiss kita ng sobra, alam mo ba 'yon?"
            "Let's go home." A cold and deep voice spoke at her back.
              It was Alejandro.
Nang lingunin niya ito, nag-umpisa ng tumambol ang kanyang dibdib dahil sa nakikitang ekpresyon ng mukha nito. Pinagpapawisan siya ng malapot, bigla ay nahirapan siyang huminga.
This is serious and alarming. Hindi na kasi kaba kundi takot na ang kanyang naramdaman nang hawakan siya nito sa kanyang baywang. Mahigpit ang kapit ng daliri nito sa kanyang balat, pakiramdam niya ay sasabog na ito anumang sandali.




ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon