Medyo tinanghali na ng gising si Rosaline kinabukasan. Ini-expect na niyang naroon si Alejandro pero nagtaka siya kung bakit wala ito. Imbes, nadatnan niya ang kanyang Kuya Michael sa kusina, prenteng nagkakape.
"So, pinabalik mo ulit siya sa buhay mo?" tanong nito sa kanya. Ni hindi man lang ito tumingin sa kanya, bagkus nanatili ang tingin nito sa tasang may lamang kape.
"What are you talking about?" nagtataka niyang tanong.
Ngumisi ito pagkatapos ay lumingon sa kanya, "Really, Rosaline? Magmamaang-maangan ka pa gayong alam mong si Alejandro ang tinutukoy ko! Ano bang pumasok sa isip mo at hinayaan mong pumasok na naman siya sa buhay mo, much worse pati sa buhay ng pamangkin ko! Gusto mo bang dumating sa punto na mapatay ka na niya o ang anak mo?"
Bigla ang pagsarga ng kanyang galit sa kapatid. Of all people, isa ito sa lubusang nakaka-kilala kay Alejandro pero sobra naman yata ang sinasabi nito ngayon!
" Really, Kuya? Of all people, ikaw dapat ang nakaka-kilala sa kanya! You're his friend at alam kong alam mo na hindi niya kayang pumatay ng tao!" Pigil ang boses niyang sambit dito. Nag-aalala siyang biglang makalabas ang anak at marinig ang sinasabi ng tito nito tungkol sa ama nito.
Nang-uuyam na ngumiti si Michael. "You still love him, don't you? Kaya kahit pinaglaruan ka niya, binibigyan mo pa rin siya ng chance ulit? Kailan ka ba magtitino, ha? Marami namang lalake diyan, bakit siya pa? Hindi rin ako makapapayag na kilalanin siyang ama ni Zaff. Dadaan muna siya sa bangkay ko bago mangyari 'yon!
"Tandaan mo ito, Rosaline. Hangga't nabubuhay ako, hindi ko matatanggap ang lalakeng iyon na tumuntong ulit dito sa bahay natin. Matalino ka, eh pero pagdating sa lalakeng iyon, nabobobo ka. Gamitin mo naman ang utak mo kahit ngayon lang. Gamitin mo kahit para man lang sa anak mo!"
Humigpit ang kapit ni Rosaline sa katabing silya, doon kumukuha ng lakas. Hindi niya lubos akalaing masasabi iyon ng kanyang kuya sa kanya. Naiintindihan niyang nasasaktan at concern lang ang kanyang kuya pero ang insultuhin siya ng ganoon, hindi katanggap-tanggap.
Mabilis niyang pinahid ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. She breathe deeply.
"Rosaline," he said apologetically. "I didn't mean those words, galit lang ako-"
Nang hindi na nito naituloy ang sasabihin, sinundan niya ang direksyon na tinitingnan nito.
Nakita niya ng anak na kuyom ang kamao at hilam sa luha ang buong mukha!
"Bad ka, Tito Michael! Bad ka!" panay ang sigaw ni Zaff habang umiiyak.
Agad niya itong niyakap at binuhat.
Hindi naman magka-initindihan si Michael sa kanyang gagawin. Looks like, siya ang may kagagawan kung bakit umiiyak at nasasaktan ang kanyang kapatid at pamangkin.
"Once you become a parent, you'll understand kung bakit ko ito ginagawa. You see, Kuya, Zaff wants to be with his father. Doon masaya ang anak ko. At kung saan siya masaya, doon ako bilang nanay niya. Consider me as bobo, sige bobo na nga ako for letting Alejandro be with our lives right now. Pero kung iyon lang ang paraan para maging masaya ang anak ko, willing akong magpaka-bobo." Rosaline said in a low voice. Ayaw na niyang dagdagan pa ang sakit sa puso ni Zaff so she decided to go back to their room. Magpapahatid na lang siguro siya ng almusal doon.
Naiwan sa kusina si Michael, hindi mapakali at sising-sisi sa mga sinabi. He didn't mean those words, nasabi niya lang iyon dahil masama ang loob niya at galit siya. Hindi siya nito masisisi kung ganito siya umasta. Naroon siya noong mga panahong lugmok na lugmok ang kapatid. Naroon siya noong mga gabing iyak ito ng iyak dahil sa kalagayan nito. Saksi siya kung paano ito nawalan ng gana sa buhay. Kung wala siguro sila at ang bata sa sinapupunan nito, baka matagal na itong sumuko. Ayaw na niyang makita ang kapatid sa ganoong kalagayan pero kapag naiisip niya ang mukha ni Zaff kanina, mukhang wala siyang magagawa kundi tanggapin na mahal nito si Alejandro.
"Sh*t!" panay ang pagmumura niya sa sarili. Remembering Zaff's words earlier, he really could feel his pain.
Umakyat siya upang kausapin ang kapatid ngunit nang marinig niyang iyak nang iyak si Zaff, hindi na siya tumuloy pa. Baka lalo lamang itong magalit sa kanya, and worse baka pati si Rosaline ay tuluyan na siyang hindi kausapin.
Hindi naman alam ni Rosaline kung paano patatahanin ang anak.
"I want my daddy! I wanna see him!" paulit-ulit nitong sigaw habang umuiiyak.
"Anak, pupunta rin dito mamaya ang daddy mo. May kailangan lang siyang asikasuhin kaya siya umalis sandali." Tinangka niya itong paliwanagan ngunit panay lang ang iling nito.
"No! He's not coming back here! Tito Michael doesn't want him here!" atungal ulit nito. "Sasabihin ko na lang kay daddy ko na bumili na lang siya ng house tapos doon tayo titira!"
Naaawa na si Rosaline sa anak dahil kahit anong paliwanag niya, hindi ito nakikinig. He's just like his father, hard-headed too.
"Ano bang nangyayari, Rosaline? Hanggang sa ibaba ay naririnig namin ang iyak ni Zaff," tanong ng kanyang daddy. Naroon na pala ito at ngayon ay tinatangka ding paliwanagan si Zaff.
Subalit tila walang naririnig ang anak. Panay ang hanap nito kay Alejandro kaya wala na siyang nagawa kundi tawagan ito. Nakailang ring muna bago nito sagutin ang tawag niya.
"Sorry, baby. Nagmamaneho kasi ako kaya hindi ko agad masagot ang tawag mo," tugon nito.
"Nasaan ka?" tanong niya. Wala siyang pakialam kung nag-tunog asawa siya na tinatanong ito kung nasaan na. Kung ito ang kailangan ng anak niya, willing siyang magpakumbaba.
"I'm on my way to your house, baby," tugon nito.
Mariin siyang napapikit ng marinig na naman ang tawag nito sa kanya. God! Kinikilabutan siya!
"Bilisan mo. Kanina pa iyak nang iyak si Zaff, hinahanap ka." aniya.
"I'm on my way already, baby-"
"Lintik na baby 'yan! Tigil-tigilan mo nga ang katatawag sa akin niyan!" Pigil na hiyaw niya rito. Naglakad siya palabas ng terrace niya sa kwarto upang hindi marinig ng anak ang anumang sasabihin sa ama nito. Baka sa susunod, sa kanya naman ito mainis sakaling marinig ang sasabihin niya tungkol sa ama nito. " Let me clear things out, Alejandro. Hinahayaan kitang pumasok sa buhay ng anak ko pero hindi sa buhay ko. You already had your chance but you blew it up. Huwag ako. Dahil kung naghahanap ka ng kakamot diyan sa kati mo, well hindi ako available. Sa iba na lang, tutal doon ka naman magaling di ba? Kung anong meron sa ating dalawa, 'yon ay dahil lang sa anak natin. Nothing more."
Pagkatapos noon ay binabaan niya ito ng tawag. Naiinis siya. Nanggigigil. Naiiyak dahil alam niyang niloloko niya lang ang sarili niya. Dahil alam niya sa kaibuturan ng puso niya, na wala siyang ibang hangad kundi magkabalikan sila ni Alejandro at bumuo ng isang masayang pamilya. Natutunan lang niyang ibaon sa kaibuturan ng kanyang puso ang nararamdamang iyon dahil natatakot siya. Takot siyang masaktan ulit. Baka tuluyan na siyang mabaliw kapag nasaktang ulit siya dahil dito.
Pinunasan niya ang kanyang mga luha, pinakalma ang sarili bago kausapin ang anak. Lumuhod siya sa harapan nito at ginagap ang kamay nito saka dinala sa kanyang mga pisgi.
"Huwag na umiyak, baby. Darating na si daddy, okey?"
Ang maliit nitong kamay ay tumaas sa mukha nito at marahang pinunansan ang mga luha nito. Panay pa rin ang sinok nito kahit tumigil na sa kaiiyak.
"Diyos ko pong bata ka! Pinag-aalala mo kami eh," bulalas ng lolo nito, naiiling na lang. "Ay siya, aalis muna kami ni Maritess. May check up lang ako."
Nilingon ni Rosaline ang ama, "Kumain na ho ba kayo?"
Tumango ang kanyang ama. "Nauna na kaming mag-almusal anak. Maaga kasi ang appointment ko sa doktor. May nakahanda ng pagkain, kumain na rin kayong mag-ina."
"Ang Kuya Michael ho?"
"Umalis din eh. Hindi nga nagpaalam." Mataman siyang tinitigan ng ama, "Nag-away ba kayo?"
"Hindi naman ho. Medyo nainis lang ako kasi dahil sa galit niya, kaya umiyak si Zaff. Narinig ng bata ang mga salitang hindi naman nito dapat marinig," paliwanag niya.
"Mag-usap kayong dalawa. Huwag niyong hayaan na lumala ang tampuhang 'yan!" Paalala nito bago tuluyang umalis.
Magkahawak-kamay silang mag-ina nang bumaba. Pinaupo niya nag anak sa sala at hinayaang manood ng paborito nitong cartoons. Siya naman ay tinungo ang kusina upang ipagpatuloy ang kanyang pagbi-bake ng cake.
She was so engrossed in baking that she didn't notice that Alejandro was already there, watching and gawking at her. Nakasandal ito sa may pinto, tulalang nakasunod ang tingin sa bawat niyang galaw.
Nag-igtingan naman ang panga ni Alejandro nang makita kung paanong tikman at dilaan ni Rosaline ang kutsarang hawak nito. Napalunok siya bigla. Sana all, kutsara na lang, sa isip niya.
Mataktika siyang nakalapit rito ng hindi nito namamalayan. Alam niyang magagalit ito pero gagawin pa rin niya ang nasa isip niya. Mabilis na pumaikot ang braso niya sa baywang nito saka niyakap ito ng mahigpit. Ibinaon niya ang mukha sa batok nito saka iyon sininghot-singhot.
Ini-expect na niyang sasampalin siya nito ng humarap ito sa kanya subalit iba ang lumabas sa bibig nito.
"What happen to your face?" tanong nito.
Namamalikmata o nagha-hallucinate lang siguro siya nang makita niya ang concern at pag-aalala sa mukha ni Rosaline.
Mas lalo siyang hindi makagalaw ng umangat ang kamay nito upang haplusin ang kanyang mga pasa. Napa-pikit siya. Ninanamnam ang sandaling iyon. Oh, God! He just miss her so much. Dahil doon, hindi na niya napigil ang sunod-sunod na pagpatak ng kanyang mga luha.
He only need her now. Wala ng iba pa.
"Mahal na mahal kita, baby girl," he said above a whisper.

BINABASA MO ANG
ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIAN
RomanceALEJANDRO, the damn arrogant Mayor of the town. Rude and intimidating. But what lies behind his deep brown eyes that only Rosaline could see? ROSALINE is naughty and a pain in the ass as Mister Mayor always calls her. Really? Then let the...