First Encounter II

3.6K 180 22
                                    

"Ehem!"

"Baka naman gusto mung umupo rein?". Wag ka naman masyadong tumitig ikaw din hindi maniniwala yan na move on kana.

Hahaha tinaasan naman niya ng kilay si samara. "Tumahimik ka kung ayaw mung masipa palabas ng cafeteria". Gosh Lorein Forbes umayos ka hindi ganito yung plano mo. Habang pinapakalma ko ang sarili ay naupo na ako bali pinapagitnaan ako nila ate and samara.

Hindi ko aakalain na sobrang ganda pala niya sa personal tinalo pa niya yung mga naging ex girlfriends and flings ko sa totoong mundo. Kung alam ko lang na ganito mangyayari sakin sana hindi na ako nakisabay pa kay ate. Buti nalang talaga nakalipat na kami ng section kung nagkataon na magclassmate pa din kami baka siya nalang tititigan ko buong araw.

Now i know kung bakit hindi makamove on si lorein, at ang dalawa kung kaibigan halatang patay na patay sila sa mga kaibigan ni tiffany. Kailangan ko talagang turuan ang mga to kung paano makipag fling. I mean kung paano mgkihalubilo sa mga ibang tao yeah tama yun ang meaning ng flings. Sana maganda ang kakalabasan ng mga gagawin namin.

"Baby sis ano gusto mung kainin?". Napatingin naman ako kay ate dahil sa tanong niya. Napansin kong busy ito na nakatingin sa menu, pinasadahan ko naman ng tingin ang mga kasama ko sa table busy din sila na nakatingin sa menu pero hindi nakaligtas sa paningin ko yung mga bagong salta, mapataas naman ang kilay ko ng pamagtanto kung sino ang mga ito. Para makumpirma kung tama ang hinala ko tumingin ako sa mga kaibigan ko. Base sa mga galaw at itsura nila tama nga ako. Sila ang mga salut sa lipunan!!

"Baby? You okay?". Nagaalalang tanong sakin ni ate.

"Yes ate sorry may iniisip lang ako". "May kasama pala tayong salut sa lipunan!". Bulong ko dito. Napatawa naman ito.

"Easy baby sis".
Ikain mo nalang yan okay. Here mag order kana. Napatingin naman ako sa menu na hawak niya. Yeah baka nga gutom lang ako once na nakakain na ako baka mawala na ang salut sa lipunan.

Nagningning naman ang mga mata ko ng makita ko sa menu ang favorite na ulam ko. Walang pag dadalawang isip na tumayo ako at nag order. Tinawag pa ako nila ate pero hindi kuna sila pinansin. Miss na miss kuna kasi ang pagkain na to.

Nakita kong napatingin na naman ang mga tao sakin pero hindi kuna ito pinansin dahil gutom na din naman ako.

"Hello! Tawag pansin ko sa babaeng naseserve ng pagkain". Napasin ko din ang pamumula ng kanyang mukha ngunit hindi kuna ito pinansin pa. "Can i order lasagna, kare kare and 2 rice with red wine please?" "Hey! Okay ka lang ba?".

"Ay ye-yes po a-ang ganda nyo po kasi sa malapitan". nahihiyang sabi nito.
"It's okay, thank you. You're cute by the way". Nakangiting sabi ko dito. Parang nanigas naman ito sa kinatatayuan niya kaya wala sa sarili na hinawakan ko yung mukha niya. Narinig kupa na nagreact yung mga tao sa loob ng cafeteria ngunit sinawalang bahala kulang iyo. "Okay ka lang ba miss? Namumutla ka!". May pagka tarantang sabi ko dito.

"O-okay lang po ako ma'am, ang ganda nyo po kasi lalo na pag naka ngiti po kayo". Nahihiyang sabi nito. Natawa naman ako sa sinabi niya kaya napisil ko tuloy ang pisngi nito. "A-ano po dalhin ko nalang po sa table nyo yung order nyo" natatarantang sabi nito. Nagtaka man ako kung bakit natataranta ito ay sinawalang bahala ko nalang at bumalik na sa table namin.

Nakaupo na ako sa table namin pero parang gusto kunang tumayo at umuwi na. Hindi ko kasi maintindihan si tiffany kung makatitig sa akin parang gusto akong gahasahin. Wag kang assuming self. Okay fine para bang gusto niya akong sampalin sa hindi malaman dahilan. Sa pag kakatanda ko kasi wala akong ginawang mali para magalit ito sakin. Iiwasan ko sana ang mga tingin nito ngunit hindi natuloy ng marinig kung magsalita ang katabi niyang lalaki.
"Babe sure kaba na yun lang kakainin mo?".
If im not mistaken ito ang pinsan ko na umagaw sa fiance ko. Sa naalala ay napataas ang kilay ko. Nakita ko naman ngumisi ang babaeng nagpapatibok sa puso ko.

"Yes babe, nawalan kasi ako ng ganang kumain hindi naman kasi ako nainform na madami na palang linta sa cafeteria". Narinig ko naman tumatawa ang salut sa lipunan dahil sa sagot nito. Hindi ko din naman narinig ang sinabi nito dahil pabulong lang ito kung magsalita.

Magsasalita sana ako kung hindi lang pinisil ni samara ang kamay ko. FYI masakit ah sisitahin ko sana ito ngunit ng makita ko na hindi maipinta ang mukha nito nagtaka naman ako kaya sinundan ko kung saan ito nakatingin. Nakita kong nakikipagharutan ang kinababaliwan nito wait hindi lang pala ito. Kaya napatingin din ako kay gab tama nga ako kahit ang magaling na pintor ay hindi magagawang ipinta ang mga mukha nila ngayon. Wag mung kakalimutan ang sarili mo self. Che never mind.

Dahil ayoko kung pumangit ng dahil lang sa mga walang kwentang salut ng lipunan nilibang ko nalang ang aking sarili. I check my phone kung nag message ba sa akin ang aking secretary baka kasi may mga kailangan akong pirmahan na paper's o baka nagkaroon ng problema sa mga negosyo ko. Kung tatanungin nyo kung ano ng nagyari sa mga business ko well okay naman ang takbo ng mga ito madami ng kumukuhang ng mga gulay and meats na kailangan sa mga resturant's and Market's ngunit kailangan ko din mamili sa mga pagbibigyan ko dahil hindi kupa kaya ng maramihan dahil nagsisimula pa naman ang negosyo.

"Eto na po order nyo ma'am Lorein". Napatingin naman ako sa nagsalita sa akin likuran. Napangiti naman ako ng makita ang dala nito may favorite wala sa sariling kinuha ko ang mga ito at hinalikan ito sa pisngi. Narinig kupang napasinghap ang mga kasamahan ko sa table ngunit hindi kuna ito pinansin pa basta masaya ako paki ba nila. "Thank you cutie. W-walang ano man po ma'am lorein". Natawa naman ako ng magkanda utal utal ito.

"Wag muna akong i ma'am pa para ang tanda ko naman. You can call me Lorein hm how about you cutie?". "Jen-ny po". hinilahad nito ang kamay para makipag kamay ngunit hindi ko ito pinansin bakit ba masaya ako ea. "That's too formal jen, This will do". hinalikan ko ulit ito sa pisngi at akmang pipisilin ang kanyang ilong ng may marinig kaming may nabasag kaya wala sa oras na napatingin kami sa pinanggalingan ng tunog.

"Sorry natabig ko". Walang emosyong sabi nito. "Your jenny right?" "Y-yes po ma'am". kinakabahan sagot nito. "Then do your work hindi yung nkikipag landian ka sa fiance ko!". Napamaaang naman ako sa narinig ano daw fiance? Ako?. Napatingin naman ako sa mga tao sa loob ng cafeteria mukhang tama nga ang aking narinig dahil mababakas din sa mukha nila ang pagkagulat.

"O baka gusto mung yang mukha mo ang gawin kung panlinis sa mga ito?". Kahit kinikiig ako sa sinabi niya na fiance niya ako hindi ko padin nagustuhan ang sinabi nito sa pag kakaalam ko kasi wala naman ginawang mali si jenny. magsasalita na sana ako ng maramdaman kong pinisil ni cutie ang aking kamay. Okay lang lorein tama naman si ma'am tiffany trabaho ko ito.

Nakamasid lang ako sa kanya habang pinupulot ang mga bahagi ng nabasag na glass wine. Ngunit hindi ko napigilan ang aking mga paa kaya nakita ko nalang ang aking sarili na tinutulungan ito. Napatingin naman ito sa akin. "May walis ba kayo and panalok?". Tanong ko dito. Tumango lang ito sa aking tanong. "Can you bring them here?"  "O-okay po".
"Thank you jenny".

"Stop! Hindi mo trabaho yan Lorein Forbes".
Magsisinungaling ako kung sasabihin kung hindi ako natatakot ng bangitin niya ang buong pangalan ko. Ngunit hindi ko ito pinansin hindi ko nagustuhan ang sinabi nito. Ang ayoko sa lahat ay ang magpahiya ng tao lalo na maraming taong nakakakita at higit sa lahat wala itong ginawang masama.

"Lorein, ako na dyan".
No tatapusin kuna ito. Kinuha ko sa kanya ang walis at panalok. Walang imik akong naglinis. "Here jenny pakitapon nalang ito and please be careful may mga bubug kasi yan baka magkasugat kapa". Paalala ko dito. "T-thank you lorein naiiyak na sabi nito. No worries cutie". Sige na kakain na din ako nagutom ako sa dalang mung foods natatawang sabi ko.

Akmang babalik na ako sa aking pwesto ng may humatak sa akin palabas ng cafeteria.

bago kami tuluyan nakalabas ay napansin kupa ang gulat at takot sa mga mukha ng mga kaibigan ko habang ang mga kaibigan naman ng babaing humatak sa sakin ay nakangisi ang mga ito. Ngunit ang pinagtataka ko sa lahat ay ang mukha ng mga boyfriend's nila parang wala man sa kanila ang nagyayari maging sa ate ko dahil nakangiti lang ito habang papaalis kami sa cafeteria.

"What the fuck is happening!?".

Wait? Diba dapat matakot ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang balak sa akin ng babaing ito.

Sa naisip ay bigla naman nabalutan ng takot ang sistema ko.
_________________________________________
05/30/21

Sorrry guys
Sana magustuhan niyo hehe.
Sorry madaming typo and error.

Unlove Tiffany MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon